Provincial News

Bagong gusaling sambahan ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Capiz, pinasinayaan

DULUNGAN, Capiz (Eagle News) — Isa na namang gusaling sambahan ng Iglesia Ni Cristo ang pinasinayaan  sa lalawigan ng Capiz sa pangunguna ng District Supervising Minister ng Capiz na si kapatid na Jose Pascua. Ang malayo at mabulubunduking lugar ng barangay Bughaan, Dulangan, Capiz ay pinatayuan ng INC ng isang maganda at maayos na gusaling sambahan upang may magamit ang mga kaanib dito sa kanilang paglilingkod. Ipinagpasalamat naman ng marami ng mga kaanib sa lugar […]

Lalawigan ng Capiz, nakiisa sa pagsasagawa ng ika-38th National Diasability Prevention and Rehabilitation Week

Eagle News. Masayang isinagawa sa Pueblo De Panay Robinson’s Mall Ground ang 38th National Disability Prevention and Rehabilitation Week na may temang “Karapatan ng may Kapansannan, Isakatuparan… Now Na!”. Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Persons With Disability Affairs Office (PDAO) na dinaluhan din ng mga tagapanguna ng PWD at City Social Welfare and Development Office (CSWDO). Nagkaroon ng mga programa at intermission ang mga PWD na nakabagbag ng damdamin sa mga manonood. Binigyang-diin […]

Mga estudyante ng EVSU pinangunahan ang blood donation; Ormoc City Mayor Gomez, isa sa nagdonate

ORMOC City, Leyte (Eagle News) — Masayang pinangunahan ng mga estudyante ng Eastern Visayas State University (EVSU) Ormoc City Campus ang blood donation noong Martes, July 19, 2016 na isinagawa sa Function Hall ng nasabing unibersidad. Para sa mga mag-aaral ang ganitong aktibidad ay napakalaking tulong sa ating mga kababayan lalo na sa mga mahihirap na may karamdaman na nangangailangang masalinan ng dugo. Bakas sa mga mukha ng mga donor ang kagalakan na makatulong at makasagip ng […]

Laoac-PNP namahagi ng school supplies sa mga mag-aaral ng day care sa Pangasinan

LAOAC, Pangasinan (Eagle News) — Namahagi ng school supplies ang Laoac-Philippine National Police (PNP) sa Day Care Center ng Barangay Cabilaoan West at Calmay, Laoac, Pangasinan. Ang pamamahaging school supplies ay sponsor ng tatlong butihing mamamayan ng nasabing bayan na ayaw magpakilala. Ito ay pinangunahan ni SPO2 Abigail Somequiab, Under Cop Advise. Ayon sa kaniya ay lubos ang kanilang pasasalamat sa mga nagmagandang-loob na nag-donate ng school supplies para matulungang makapagsimulang mag-aral ang mga batang ang mga magulang […]

PNK Day, isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Ormoc City para sa mga batang kaanib

ORMOC City, Leyte (Eagle News) — Matagumpay na naisagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang isang aktibidad na tinawag nilang “PNK DAY” para sa mga batang miyembro nito. Ang PNK ay mga batang kaanib sa loob ng Iglesia ni Cristo na nasa kalagayang ang edad ay 4 na taon hanggang 12 anyos o hindi pa nababautismuhan. Sa pangunguna ng mga opisyales ng nasabing kapisanan nagtungo sila sa Ipil Central School kung saan idinaos ang […]

Lingap-Pamamahayag, isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Apayao

LUNA, Apayao (Eagle News) — Matagumpay at masiglang naisagawa ang Lingap sa Mamamayan ng Iglesia Ni Cristo sa Luna Gymnasium, Luna, Apayao. Sa nasabing aktibidad, isa sa mga itinataguyod ng INC ay ang Labanan ang Kahirapan (Fight Poverty). Pinangunahan ni Bro. Bernardino E. Sabado, District Supervising Minister ng Cagayan West ang nasabing aktibidad. Dinaluhan ito ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo na mula sa iba’t ibang lugar ng Cagayan at lalawigan ng Apayao. Bago isinagawa ang […]

Ilang lugar sa Nueva Ecija mawawalan ng kuryente bukas

GAPAN, Nueva Ecija (Eagle News) — Pansamantalang mawawalan ng suplay ng kuryente sa sa ilang baranggay sa bayan ng San Antonio, San Isidro at Gapan sa Nueva Ecija bukas, Hulyo 19. Sa inilabas na advisory ng Nueva Ecija Electric Cooperative o NEECO 1, ang power interruption ay magsisimula ng 8:30 ng umaga hanggang alas 6:00 ng hapon. Ito ay para bigyang daan ang pagsasaayos ng mga poste at linya ng kuryente sa mga nasabing lugar.

Curfew, ipatutupad sa Bongabon, Nueva Ecija simula sa Lunes

BONGABON, Nueva Ecija (Eagle News) — Nakatakdang ipatupad ang curfew hour sa bayan ng Bongabon, Nueva Ecija ngayong darating na Lunes, Hulyo 18. Ayon sa Philippine National Police (PNP)-Bongabon, kabilang dito ang dalawampu’t-walong (28) barangay na sakop ng nasabing bayan. Magsisimula ang curfew pagsapit ng ika-sampu (10) ng gabi hanggang alas-kwatro (4) ng madaling araw para sa mga kabataan na nasa edad 17 pababa o mga menor de edad. Sinumang mahuhuli ay kasamang papananagutin ang […]

Bahay Pag-Asa, binuksan na

(Eagle News) — Pormal ng binuksan ang Annex Building Bahay Pag-asa Reformation Center sa Barangay Lamao  bayan ng Limay para sa ikalabing dalawang batch ng mga buluntaryong sumuko na mga  drug personality na nasa  50 at mula sa iba’t-ibang bayan na sakop ng ikalawang  distrito ng Bataan at nasa 700 surenderee sa kasalukuyan sa buong lalawigan ng Bataan. Pinangunahan ni PSSupt. Benjamin H. Silo Jr Officer-in-charge P. D. ng Philippine National Police (PNP) – Bataan […]

Mga nag-aral sa Alternative Learning System (ALS) sa Cebu, nagtapos na

BANTAYAN Island, Cebu (Eagle News) —  Umabot ng 221 ang mga Out of School Youth o ALS  Learners ng Bantayan Island, Cebu ang nakapasa sa isinagawang A&E Test na ibinigay ng Bureau of Alternative Learning System  o BALS at nagtapos sa Elementarya at High School. Noong Huwebes, July 13 ay isinagawa ang Graduation Ceremony ng mga nasabing mag-aaral at tumanggap sila ng kanilang Diploma bilang katunayan na sila ay pormal na nakatapos ng kanilang pag-aaral. Ginanap […]