Provincial News

Unity Games, PNK Edition at Minister’s Cup isinagawa sa lalawigan ng Bulacan

MALOLOS City, Bulacan (Eagle News) — Para patuloy na matupad ng bawat kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang kasiglahang espirituwal ay patuloy silang nakikipagkaisa sa mga aktibidad na inilulusad ng Pamamahala nito. Noong Sabado, July 9 ay isinagawa sa lalawigan ng Bulacan ang Unity Games (PNK Edition) at Minister’s Cup. Isinagawa ito sa KB Gymnasuim sa Malolos Citu, Bulacan. Pinangunahan ito ni Bro. Ernesto B. Mabsa, District Supervising Minister ng Bulacan South, katulong ang mga opisyales […]

Sen. Manny Pacquiao, itinangging magbabalik siya sa pagbo-boxing

Eagle News — Itinanggi ni 8-Division World Champion at Senador Manny Pacquio na sasabak muli ito sa pagbo-boxing pagkatapos  magretiro nitong Abril taong kasalukuyan. Ayon sa Senador, hindi aniya totoo ang balitang liliban siya sa kaniyang mga tungkulin sa Senado upang muling lumaban sa ibabaw ng ring. Nilinaw din niya na wala pa naman silang napag-uusapan ng kaniyang promoter na si Bob Arum kung may laban siya. Ang pahayag ng Senador ay taliwas sa sinasabi ni TOP […]

Lingap-Pamamahayag ng Iglesia ni Cristo sa Pangasinan, matagumpay na naisagawa

ROSALES, Pangasinan (Eagle News) — Isang maituturing na kasaysayan sa bayan ng Rosales, Pangasinan ang matagumpay na Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo na ginanap sa Robert B. Estrella, Sr. Memorial Stadium noong Linggo, July 10, 2016. Bagamat walang Storm Signal Warning na ibinaba ang PAGASA sa nasabing lalawigan, buong araw na walang tigil ang pag-ulan bunsod ng southeast monsoon rain o hanging habagat na pinalakas pa ng bagyong Butchoy. Sa kabila nito ay maagang nagsidatingan ang […]

Random drug-testing sa Cauayan, Isabela, pinangunahan ng alkalde ng lungsod

CAUAYAN, Isabela (Eagle News). Pinangunahan ni Mayor Bernard Faustino Dy ang random drug testing na isinagawa sa lungsod ng Cauayan lalawigan ng Isabela. Kasama sa sumailalim sa drug testing na ito ay ang mga konsehal ng lungsod at maging ang kapulisan ng nasabing lalawigan. Isinagawa ito upang patunayan na ang mga namumuno sa naturang lungsod ay hindi lumalabag sa batas lalo na ang ukol sa mga ipinagbabawal na gamot. Nagbilin din ang mga kinauukulan sa publiko […]

Mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Infanta, Quezon, nagsagawa ng Linis-Dalampasigan

INFANTA, Quezon (Eagle News). Isang pagkilos para sa kalikasan ang isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Brgy. Libjo, Infanta, Quezon noong Sabado, July 9, 2016 na tinawag nilang “Linis Dalampasigan”. Buong pagmamalasakit na pinulot at inilagay sa sako ang mga basura tulad ng plastik, lata at basag na bote mula sa dalampasigan ng nasabing barangay. Nasa halos 500 na kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang nakiisa sa paglilinis. Maaga pa lang ay nagtipun-tipon na ang […]

Bagong Bahay Sambahan ng Iglesia ni Cristo sa Tarlac, itinalaga sa Panginoong Diyos

(Eagle News) — Lubos na kasiyahan ang naramdaman ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo (INC) na dumalo sa isinagawang pagtatalaga sa Panginoong Diyos ng bago nitong Bahay Sambahan sa Lokal ng Vargas, Lalawigan ng Tarlac (Distrito ng Tarlac North) nitong Hulyo 9, 2016. Pinangunahan ng Tarlac North District Supervising Minister Bro. Senen C. Capuno ang pagsamba at pagtatalaga ng nasabing Bahay Sambahan. Itinuturing ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa dakong yaon na malaking […]

4,000 drug users at pushers ang sumuko sa Tagum City

By Zen Tambioco Eagle News Service Davao   TAGUM City, Davao Del Norte (Eagle News). Apat na libong drug users at pushers ang sumuko sa Tagum City dahil sa mas pinaigting na kampanya ng syudad laban sa droga na tinawag nilang “Seryosong Tagumenyo Ayaw ng Droga” o STAnD. Pinapangunahan ng alkalde ng Tagum City na si Mayor Allan L. Rellon ang nasabing kampanya. Suportada rin ni Davao North Provincial Governor Anthony G. Del Rosario ang […]

Presyo ng Durian, inaasahang tataas sa susunod na buwan

DAVAO City (Eagle News). Inaasahan na tataas ang presyo ng durian sa susunod na buwan sa Davao City kasabay ng pagdiriwang ng Kadayawan Festival.  Ito ay dahil sa malaking ektaryang taniman ng durian na napinsala ng El Niño. Ayon kay Davao Durian Council President Larry Miculob, nasa 410 ektarya umano ang lubusang napinsala ng El Niño at kinakailangang tanimang muli.  Marami ring napinsalang puno ng durian ang aabutin ng tatlo hanggang apat na taon bago pa muling makapagbunga. […]

Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), pinaigting sa La Union

LA UNION (Eagle News). Mas pinaigting pa ng La Union Police Provincial Office (LUPPO) ang kanilang kampanya kontra droga sa pamamagitan ng pagre-activate ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa ilalim ng Department of Interior and Local Government Circular. Ang BADAC ay binubuo ng Punong Barangay bilang Chairman, at katuwang niya ang mga Brgy. Kagawad, Brgy. Tanod, Sangguniang Kabataan, School Principal, Kinatawan ng NGO o Civic Society, at ng Hepe ng Police. Kamakailan lang ay nagsagawa ng Mass Oath […]

Hinihinalang “top 2 drug personality” sa Calbayog City, pinagbabaril

      SAMAR, Philippines (Eagle News) — Isang lalaki  na nagngangalang Allan Villar Y Prudencio , 45, taong gulang, may asawa, at grade VI Math Teacher sa Brgy. Talahid Almagro, Samar ang pinagbabaril sa Gomez St. Brgy Aguit-itan, Calbayog City ng hindi nakikilalang salarin lulan sa isang motorsiklo. Sa inisyal na imbistigasyon ni SPO3 Mariano C. Fermilan at SPO1 Moises C. Bracamonte,  ang biktima ay sinsabing top 2 “drug personality” sa Calbayog. Narekober din ng […]

Landslide naranasan sa Olongapo City

OLONGAPO City (Eagle News) — Binabantayan ngayon ang kahabaan ng Kalaklan Road, Olongapo City dahil sa nangyaring landslide sa nasabing lugar, bunsod ng walang tigil na pagbuhos ng ubos. Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan, ilang mga maliliit na pag guho ng lupa ang napansin ng mga residente sa nasabing barangay. At kaninang umaga ay bumagsak na ang malaking tipak ng lupa sa Olongapo City Cemetary. Mabilis namang rumisponde ang mga otoridad at Disaster Risk […]

Philippine Red Cross – Camarines Norte Chapter, hinikayat ang publiko sa pagbibigay ng dugo

Daet, Camarines Norte – Nanawagan ngayon ang Philippine Red Cross – Camarines Norte (PRC) sa publiko kaugnay ng kahalagahan boluntaryong pagbibigay ng dugo sa pamamagitan ng isinagawang “Donor Recruitment, Retention & Care Orientation” na isinagawa sa AVR ng kapitolyo probinsyal nitong Hulyo 2, 2016. Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng mahigit-kumulang 100 katao mula sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan, at ilang mga barangay health workers at socio-civic organization. Sa mensahe ni PRC-Camarines Norte Officer […]