Provincial News

Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa San Nicolas, Pangasinan pinasinayaan

Matagumpay na pinasinayaan ang isang bagong tayong barangay chapel  ng Iglesia ni Cristo(INC) sa Brgy. San Roque, San Nicolas, Pangasinan na pinangunahan ng Supervising Minister na si Brother Nelson H. Mañebog. Ang kapilya ng barangay San Roque ay may apat na kilometro ang layo mula sa kapilya ng bayan ng San Nicolas. Ayon sa mga residente sa lugar na ito, masayang-masaya sila dahil nagkaroon  sila ng bukod na mapagsasambahan na malapit lang sa kanilang tirahan. […]

Dental Health Bus, aarangkada na sa San Jose City, Nueva Ecija

San Jose City, Nueva Ecija — Tumanggap ng Dental Health Bus mula sa Department of Health (DOH) ang San Jose City sa lalawigan ng Nueva Ecija. Ayon sa Public Information Office, isa ang Lungsod sa 100 na Bayan sa buong Pilipinas ang nagkapalad na napagkalooban nito. Isinagawa ang ribbon cutting ceremony sa pangunguna ni Mayor Marivic Belena at inagurasyon na rin ng naturang bus kasama ang mga empleyado sa bakuran ng Pamahalaang Lungsod. Ang Dental […]

Pinakamatandang lokal ng Iglesia Ni Cristo sa Pangasinan nagdiwang ng ika-82 anibersaryo ng pagkakatatag

Masaya at matagumpay ang isinagawang pagdiriwang ng ika-82 taong anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo sa bayan ng Rosales, Pangasinan. Naitatag ito noong Hunyo 12, 1934 ang pinakamatandang lokal ng Iglesia Ni Cristo sa buong lalawigan ng Pangasinan. Isang linggo itong ipinagdiwang ng mga kaanib sa pamamagitan ng ilang aktibidad na pinangunahan ng Ministrong nakatalaga sa nasabing lokal na si Bro. Larry Albarillo. Ang ilan sa kanilang mga naging aktibidad ay ang mga sumusunod; Pagpupulong ng […]

Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Lalawigan ng Apayao, Pinasinayaan

CONNER, Apayao —  Pinasinayaan na ang bagong barangay chapel sa Buluan, Conner, Apayao. Nasa 19 kilometro ang layo nito mula sa pinakamalapit na lokal ng Iglesia ni Cristo (lokal ng Mungo, sa Distrito ng Cagayan South) na siyang pangunahing nagmalasakit para makarating ang INC sa dakong ito. Ang nasabing Barangay Chapel ay pangatlo na sa mga napasinayaan sa taong ito sa distrito ng Cagayan South. Labis naman ang naging kagalakan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo […]

Mga empleyado ng isang Pharmaceutical Company sa Quezon City nakiisa sa ginawang Metro Manila Earthquake Drill

QUEZON City, Philippines — Muling nakipagkaisa ang mga empleyado ng isang Pharmaceutical Company sa Quezon City sa ginawang Metro Manila Earthquake Drill ngayong araw, Hunyo 22 bilang paghahanda sa tinatawag na “The Big One”. Duck, cover at hold on ang unang ginawa ng mga empleyado upang protektahan ang kanilang mga sarili sa maaaring tumama sa kanila. Pagkarinig ng Fire Alarm agad na nagtago ang mga empleyado sa kani-kanilang mesa at pagkaraan ng ilang minuto ay […]

Iglesia Ni Cristo, nagkaloob ng serbisyo-medical sa mga Ministro at kanilang pamilya sa Marinduque

MARINDUQUE, Philippines — Isinagawa ang isang medical check-up para sa mga ministro at evangelical workers kasama ang kanilang pamilya  sa lalawigan ng Marinduque. Ang tulong medical na ito ay ipinagkaloob ng Executive Minister ng Iglesia ni Cristo na si Bro. Eduardo V.Manalo sa kanila upang mabantayan at maingatan nila ang kanilang kalusugan. Pinangunahan naman ni Dra. Ruby Andoque, isang  Volunteer Doctor ng SSO ang aktibidad  na ito. Namigay pa ng mga libreng gamot at mga […]

150 panauhin lamang para sa Inagurasyon ni Incoming Pres. Duterte

DAVAO CITY (Eagle News) —   Pinal nang ipinahayag ng kampo ni incoming President Rodrigo Duterte ang pagkakaroon niya ng 150 lamang na panauhin na dadalo sa inagurasyon nito ngayong Hunyo 30, 2016.  Si Duterte ang ika-16 na Pangulo ng Bansa. Ayon kay Presidential Special Assistant Christopher Bong Go, ang desisyon ng President-elect ay magsagawa lamang ng simple at hindi magastos na inagurasyon.  Limitado lamang umano ang lugar kung kaya’t humingi sila ng paumanhin sa mga […]

Clean-up drive isinagawa ng Iglesia Ni Cristo kasama ang Barangay Officials sa San Pascual, Masbate

    SAN PASCUAL , Masabate — Dahil sa lumalaganap na mga sakit na dulot ng maruming kapaligiran, nagsagawa ng clean- up- drive ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa barangay San Pedro sa bayan ng San Pascual probinsiya ng Masbate. Sumama sa gawaing ito hindi lamang ang mga miyembro ng INC kundi maging ang mga opisyal ng nasabing barangay para mapanatili ang kalinisan at makaiwas sa anumang mga sakit  ang mga residente […]

9-hour power interruption mararanasan sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija sa Miyerkules

Nueva Ecija, Philippines — Ipinanababatid ng pangasiwaan ng Nueva Ecija 1 Electric Cooperative Incorporated (NEECO1) na magkakaroon ng pansamantalang power interruption sa lahat ng mga barangay sa bayan ng Jaen maliban sa Brgy. Niyugan sa araw ng Miyerkules, June 22. Magsisimula ang nasabing power interuption sa ganap na ika-8:30 ng umaga hanggang ika 6:00 ng gabi. Ang mga b aranggay na apektado ay ang mga sumusunod: Portion of San Vicente Brgy. Putlod, Sitio Malaiba Brgy. Lambakin […]

Dalawang anak ni incoming President Rody Duterte, Nanumpa na

Davao City, Philippines —  Nanumpa na bilang Mayor ng Davao City si Inday Sara Duterte-Carpio nitong Lunes, June 20, 2016, 9:00 ng umaga kay Judge Emmanuel Carpio sa RTC Branch 16. Habang si Paolo Z. Duterte naman ay nanumpa na rin bilang Vice Mayor ng Davao City sa harap ni Judge Rufino Ferraris, Jr. ng Regional Trial Court (RTC) Branch 7. Matapos ang nasabing panunumpa, nagpaabot din ng pasasalamat si Vice Mayor Paolo Duterte kay Judge […]