Patuloy na kinikilala maging sa labas ng bansa ang galing ng mga Pinoy engineer. Sa isinagawang pagtitipon ng Philippine Institute of Civil Engineers Incorporated ay kinilala ang mahigit isang-daang Pilipino na nakasama sa ASEAN Engineers Organization.
Provincial News
Mga hinihinalang drug pushers at user muling ipinarada sa Tanauan City, Batangas
TANAUAN, Batangas — Muli na namang ipinarada sa mga pangunahing lansangan ng Tanauan City ng Mayor’s Anti Crime Group ang umano’y mga pinaghihinalaang user at mga drug pusher sa lugar.
Gas tanker bumaliktad, sumabog
Padre Burgos, Quezon (Eagle News) — Isang gas tanker ang sumabog pagkatapos na bumaliktad sa isang heavy curve sa bayan ng Padre Burgos, lalawigan ng Quezon. Ayon kay Boy Magpantay, may-ari ng bahay na malapit sa pinangyarihan ng insidente, isang malakas na pagsabog ang kanyang narinig humigit ng bandang 4:30 ng umaga ng Biernes, June 17. Halos umabot diumano sa kaniyang bahay ang tindi ng init na resulta ng malakas na apoy mula sa nasusunog na […]
PNP-Mariveles namahagi ng flyers upang masugpo ang Motornapping
MARIVELES, Bataan — Naging epektibo ang kampanya at isinagawang pamimigay ng flyers ng Philippine National Police-Mariveles sa publiko laban sa motornapping o laganap na nakawan ng motorsiklo. Naging epektibo ito hindi lamang sa bayan ng Mariveles kundi maging sa buong lalawigan ng Bataan ng maaresto ang dalawang suspek ng pinagsanib na puwersa ng PNP Mariveles, Provincial Highway Patrol Team ng Bataan at mga concerned citizen. Kinilala ni P/Supt. Cris Conde ang mga suspek na sina Jover […]
President-elect Rodrigo Duterte, nakiramay sa pamilya ng yumaong Cong. Tet Garcia
Personal na nakiramay si incoming President Rodrigo Duterte sa pamilya at mga kaanak na naulila ni yumaong Congressman Enrique “Tet” Garcia, Jr., sa lalawigan ng Bataan. Kinausap ni Duterte ang maybahay ng yumaong kongresista na si Ginang Vicky Garcia at si Governor Abet Garcia. Halos 30 minuto din na nagtagal si Duterte sa ikalawang araw na Burol ng nasabing kongresista. Nakatakda namang ilibing ang kongresista sa darating na Linggo, Hunyo 19, 2016, 1:00 ng hapon sa Eternal […]
Blood Donor Recruitment at Mobile Blood Donation ng PNRC, isinagawa sa Urdaneta City
Nagsagawa ng blood donor recruitment at mobile blood donation ang Philippine National Red Cross o PNRC Urdaneta City Chapter kaugnay sa pagdiriwang ng World Blood Donor Day na may temang “Share Life Give Blood” sa isang kilalang mall sa Urdaneta City, Pangasinan. Ayon kay Urdaneta City Branch Coordinator ng Philippine National Red Cross Honeylete Noe, anim na school sa eastern Pangasinan ang naging donor sa nasabing aktibidad. Ito ay ang Lapalu Elementary School, Salpad Elementary School, Cabuluan […]
Iglesia Ni Cristo, nagsagawa ng Lingap-Pamamahayag para sa mga katutubong Aeta mula sa Rizal, Nueva Ecija
BONGABON, Nueva Ecija — Muling nagsagawa ang Iglesia Ni Cristo (INC) ng isang Lingap-Pamamahayag para sa mga katutubong Aeta sa Bongabon, Nueva Ecija. Ang mga katutubong ito ay nagmula pa sa Barangay Luna, Rizal, Nueva Ecija. Pinangunahan ng Supervising Minister ng ecclesiastical district ng Nueva Ecija na si kapatid na Amando B. Bariring Jr., ang naturang aktibidad sa pamamagitan ng pangangaral ng mga Salita ng Diyos sa mga katutubo . Nagkaroon din ng salu-salo para […]
Humanitarian at Disaster Response Unit ng militar, inihahanda na
Matapos ang sunod-sunod na ulang nararanasan sa iba’t-ibang panig ng bansa. Ngayon palang ay sinimulan na ng militar ang pag-iimbentaryo ng kanilang mga humanitarian assistance at disaster response unit upang maging handa sa pagtugon sakaling magkaron ng kalamidad. (Report by Alejandro Javier)
20 barangay sa Gapan, Nueva Ecija mawawalan ng kuryente sa Biyernes
Mahigit siyam (9) na oras na mawawalan ng suplay ng kuryente sa dalawampung barangay sa Gapan, Nueva Ecija sa Biyernes, Hunyo 16. Sa inilabas na advisory ng Nueva Ecija 1 Electric Cooperative o NEECO 1, kasama sa mga na mawawalan ng kuryente ang mga sumusunod na barangay: Brgy. San Lorenzo Brgy. Pambuan Brgy. Sta Cruz Brgy. Mangino Brgy. Maburak Brgy. Kapalangan Brgy. Makabaklay Brgy. Mahipon Brgy. Puting Tubig Brgy, Bungo Brgy, Balante Brgy. Portion ng […]
Bagong Gusaling Sambahan ng Iglesia Ni Cristo sa Zambales, pinasinayaan
Itinalaga at pinasinayaan ang maganda at bagong gusaling sambahan ng Iglesia ni Cristo sa Barangay Rabanes, Bayan ng San Marcelino, Zambales noong Biyernes, Hunyo 10, 2016. Ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan ni District Supervising Minister ng Zambales South Brother Emilio dL. Santiago. Masayang-masaya ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa dakong ito sapagkat napagkalooban sila ng gusaling sambahan na dito ay maipagpapatuloy nila ang pagsamba at pananalangin sa Diyos. Labis din ang naging pasasalamat […]
Tree Planting, isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Iligan City
ILIGAN City, Lanao, Philippines — Isa sa mga adhikain ng Iglesia ni Cristo ay makatulong upang mapangalagaan ang ating kalikasan. Kaya naman buong-pusong nakipagkaisa ang mga kaanib ng INC sa Lungsod ng Iligan, Lalawigan ng Lanao del Norte at Lanao del Sur sa isinagawang sama-samang tree planting noong Biyernes, Hunyo 10, 2016 sa Barangay Rogongon, Iligan City. Maaga pa lang ay nagtipon-tipon na ang mga kaanib ng INC na sumama sa nasabing aktibidad sa kapilya ng Iglesia […]
INC Unity Games, isinagawa sa Davao Oriental
DAVAO Oriental, Philippines — Nagsagawa ng Palarong Pandistrito ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Davao Oriental noong Biyernes, Hunyo 10, 2016. Dinaluhan ito ng daan – daang miyembro na mula pa sa iba’t-ibang mga lugar ng nasabing lalawigan. Ayon kay Bro. Genito Uriarte, District Supervising Minister ng Davao Oriental, isinasagawa nila ang ganitong katibidad taun- taon upang lalong mapaglapit ang loob ng bawat kaanib sa isa’t isa at mapaigting pa ang pag-iibigang magkakapatid. Naging matagumpay […]