Provincial News

Clean-Up Drive isinagawa ng mga miyembro sa Iglesia Ni Cristo sa Parañaque City

Nagsagawa nito lamang Linggo, Hunyo 5, 2016 ng clean-up drive ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa East Service Road  ng Brgy. San Martin de Porres at FTI Arca South Circle, Paranaque, City. Nasa 200 na mga kaanib nito ang nakipagkaisa para sa naturang aktibidad. Bago isagawa ang aktibidad ay nakipag-coordinate muna ang mga pamunuan ng INC sa Barangay Kapitan na nakasasakop  sa mga lugar na lilinisin na si Kapitan Mithor Singson. Nagpadala […]

Dalawang barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo pinasinayaan sa North Cotabato

SA loob ng isang linggo ay dalawang barangay chapel ang pinasinayaan at naisagawa ang mga unang pagsamba sa Panginoong Diyos ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng north Cotabato. Noong Miyerkules, Hunyo 1, 2016 ay idinaos ang unang pagsamba ng mga kaanib ng INC sa Banayal Extension, 5:00 ng hapon. Halos 12 kilometro ang layo nito sa lokal ng La Esperanza, sa Tulunan, North Cotabato, na siyang mother lokal sa nasabing lalawigan. Ang […]

Sports Activities, pinangunahan ng mga kaanib ng INC sa lalawigan ng Albay

Pinangunahan ni Bro. Elmer D. Salvador, Sr., District Supervising Minister ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Albay ang isinagawang Unity Games. Naglalayon ang nasabing aktibidad na mamalaging nagkakaisa ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa lalawigang ito. Nakipagkaisa rin sa nasabing aktibidad ang mga naanyayahan sa isinagawang Dakilang Pamamahayag noong Mayo 22, 2016 sa ilalalim ng proyektong Reconnect. Naging masaya at namamalaging nabubuklod ang damdamin ng mga dumalo sa isinagawang sports activities. Ang mga palaro ay […]

Mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Bislig, Surigao del Sur, pinangunahan ang Linis-Paaralan Project

BISLIG City, Surigao del Sur —  Maaga pa lamang ay masigla at masayang dumating ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo dala ang kanilang gamit panlinis para makiisa sa inilunsad na progama ng pamamahala ng Iglesia ni Cristo na Linis-Paaralan dito sa Bislig City, Surigao del Sur. Isinagawa ito sa tatlong paaralan sa Mangagoy East Elementary School, Olayvar Elementary Schoool at Mangagoy Hilltop Elementary School. Nagtutulong-tulong ang mga kaanib sa paglilinis at pagkukumpuni sa mga paaralang nabanggit. Masaya ang mga tumulong […]

Dalawang Barangay Chapel ng Iglesia Ni Cristo sa siyudad ng Sorsogon pinasinayaan

SORSOGON, Philippines — Dalawang barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa siyudad ng Sorsogon ang magkasabay na pinasinayaan sa magkaibang oras upang gamitin sa mga pagsamba at sa iba pang mga aktibidad ng mga kaanib nito. Ito ay ang Barangay San Lorenzo, Bibincahan  at ang  Brgy. Bonsaran, Barcelona. Ito ay mga liblib na barangay na bago marating ay kailangan munang daanan ang mga baku-bakong daan at maglakad ng mga  sampu hanggang 15 minutos. Pinangunahan  ng   Supervising Minister […]

SCAN International pinangunahan ang Brigada-Eskwela sa Isabela

Cauayan City, Isabela. Pinangunahan ng mga kaanib ng SCAN International ang tinatawag na Brigada Eskwela na kung saan ang mga Public Schools ay nagsasagawa ng paglilinis sa araw na ito, Mayo 31, 2016. Taon-taon itong isinasagawa bago ang araw ng pasukan ng mga mag-aaral upang matiyak na malinis ang kapaligiran ng eskwelahan. Kasama sa naturang paglilinis ang mga magulang ng mga mag-aaral maging ang mga guro na nagtuturo. (Eagle News, JJ Pilon – Cauayan City Isabela Correspondent) […]

Unang araw ng Brigada-Eskwela sa Nueva Ecija, Cavite, Negros Occidental at Bulacan masiglang naisagawa

MASIGLANG naisagawa ang unang araw ng Brigada-Eskwela na siyang programa ng Department of Education sa Bongabon Nueva Ecija, GMA Cavite, Negros Occidental at Bulacan noong Mayo 30. Magkatuwang na nagtulong-tulong ang mga Local Government Unit , miyembro ng Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Philippine Army, mga Bantay Bayan, non-government organizations, mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo,  mga magulang at mga estudyante sa pagsa-saayos ng mga silid-aralan, paglilinis ng loob at labas  ng paaralan […]

Lingap-Pamamahayag sa Zambales South

Naging matagumpay ang isinagawang Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo sa lungsod ng Zambales South. Kung saan ay nakatanggap ng libreng serbisyo-medikal, dental at lingap ang mga panauhing dumalo sa nasabing aktibidad. (Eagle News)  

Malaking Lingap-Pamamahayag ng INC, isinasagawa sa Subic Bay Olongapo ngayong araw

SUBIC, Olongapo —  Ngayong araw,  Mayo 31 ay isinasagawa ang isang malaking Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo sa  Subic Bay Freeport Zone,Olongapo City. Ang venue ay sa Subic Bay Exhibition and Convention Center o SBECC na tinatayang naglalaman ng mahigit sa 10,000 katao sa loob at 15,000 naman sa compound nito. Inumpisahan ang nasabing aktibidad sa pamamagitan pagbibigay ng libreng serbisyong -medical at dentalkaninang alas-dose ng tanghali sa lounge ng convention. Mayroon ding nakahandang entertainment na isasagawa sa Plenary […]

Maligaya Summer Blast 2016 na isinagawa sa Philippine Arena, naging matagumpay

CIUDAD De Victoria, Bulacan — Naging payapa at matagumpay ang dalawang araw na isinagawang Maligaya Summer Blast sa Philippine Arena noong Mayo 27 at 28 na nilahukang ng maraming kapatid kasama ang kanilang pamilya na mula pa sa iba’t-ibang dako. Kasama ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo, masigla rin itong dinaluhan ng mga nasa uring umaanib pa lamang o nasa kalagayang dinudoktrinahan at sinusubok. Sa naging dalawang araw na aktibidad ay iba’t-ibang games at […]

Miyembro ng INC sa Iloilo nakipagkaisa sa Maligay Summer Blast

Masiglang dinaluhan ng mga miyembro Iglesia ni Cristo sa hilagang bahagi ng lalawigan ng Iloilo  kasama ang mga nasa proseso pa lamang sa pag-anib sa INC ang isinagawang “Maligaya Summer Blast” kaugnay sa Proyekto ng Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo na si Kapatid na  Eduardo V. Manalo na “Reconnect”. Isinagawa ito sa anim na venue na kung saan ay  buong siglang  nakilahok  at  nakipagkaisa sa naturang aktibidad ang mga dumalo. Nagkaroon din ng iba’t-ibang mga […]

“Welcome Kapatid Ko,” matagumpay na isinagawa sa Mt. Province

MANKAYAN, Benguet — Matagumpay na naisagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang “Welcome Kapatid Ko” noong Sabado, Mayo 28, 2016 na idinaos sa CPJ Theater Lepanto Mines, Mankayan, Benguet. Ang mga kaanib ng INC na dumalo sa nasabing aktibidad ay isinama rin ang kanilang mga naging panauhin sa isinagawang World Wide Intensive Propagation na pinasingawaan ng kanilang Executive Minister na si Bro. Eduardo V. Manalo . Nag-perform sa nabanggit na okasyon ay mga Ministro at […]