Provincial News

Iglesia Ni Cristo magsasagawa ng Lingap sa Mamamayan sa South Cotabato

COTABATO, Southeast — Abalang-abala ngayon sa paghahanda ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo sa Distrito ng Cotabato Southeast para sa isasagawang Lingap sa Mamamayan sa Barangay Danlag, Tampakan, South Cotabato sa darating na Mayo 27. Daang-daang sako ng bigas ang inihahanda na pinagtutulungang i-repack ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa dakong ito. Matatandaan na matagumpay na naisagawa ang lingap sa naturang barangay noong buwan ng Enero na kung saan ay libu-libong kababayan nating mga […]

Pagbabantay ng presyo ng school supplies, sisimulan na ng DTI-Camarines Norte

Daet, Camarines Norte (Eagle News) – Sinimulan na ang pagbabantay o monitoring ng tanggapan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Camarines Norte kaugnay sa presyo ng mga kagamitan sa eskwela sa mga pangunahing pamilihang bayan. Nagsimula ang pagmomonitor sa bayan ng Daet sa mga tindahan at establisyemento na mayroong school supplies. Magpapalabas rin ng talaan ng presyo ng school supplies sa pamamagitan ng Suggested Retail Price (SRP) kung saan nakalagay dito ang “Gabay sa […]

Barangay Captain sa MisOcc, patay sa pamamaril

(Eagle News) — Patay ang isang Brgy. Captain habang sugatan naman ang kapatid nito matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Clarin, Misamis Occidental. Kinilala ang mga biktima na sina Philip Sia, 40 anyos, Kapitan ng Brgy. Centro Hulpa, Tudela Municipality sa naturang probinsya at kapatid nitong si Juphil Sia, 37 anyos isang negosyante. Dead on arrival si Philip habang patuloy pang ginagamot ang kapatid nito. Napag-alamang sakay ang mga biktima ng Toyota […]

DA-12, namahagi ng certified rice seeds

(Eagle News) — Namahagi na ang provincial at municipal agriculture offices ng South Cotabato ng 5,635 na sako ng certified rice seeds at abono sa mga magsasakang beneficiaries ng High Yielding Technology Adoption (HYTA) program. Ayon kay DA 12 Regional Executive Director Amalia Jayag Datukan, bahagi ang naturang distribution ng first tranche ng support assistance sa mga magsasaka sa pagsisimula ng planting season. Napag-alamang bahagi ng 52, 534 bags ng high yielding at certified seeds […]

Justice Now Movement, gumawa na ng letter of appeal para kay Duterte

(Eagle News) — Nakagawa na ng letter of appeal para kay incoming president Rodrigo Duterte ang grupong Justice Now Movement na binubuo ng pamilya ng mga biktima ng Maguindanao Massacre. Nakasaad sa naturang sulat na hinihiling ng grupo na pag-aralang maigi ni Duterte ang background ni Atty. Salvador Panelo bilang magiging presidential spokesperson dahil sa posible anilang impluwensya nito sa Maguindanao Massacre Case. Matatandaang naging legal counsel si Panelo ng mga Ampatuan na pamilyang pangunahing […]

Tatlong mangingisdang Pinoy, nakaranas ng pambubugbog sa Malaysian Navy

Nakaranas umano ng pambubugbog ang tatlong mangingisdang Pilipino mula sa mga Malaysian Navy habang sila ay nangingisda sa Rizal Reef na bahagi ng West Philippines Sea. Kinilala ang tatlong mangingisda na sina Teody Baisa, Nelson Flamiano at Arlon Sandro na residente ng Subic Zambales at Mariveles Bataan. Humarap sila kay  Subic Mayor, Jeffey Konghun at ipinakita nila ang mga tinamong sugat bunga ng pananakit sa kanila ng Malasiyan Authority. Pinagbantaan pa umano sila nito sa pamamagitan ng isang sulat na huwag na […]

Pawikan natagpuang patay sa Mamali, Mati City, Davao Oriental

MATI City, Davao Oriental — Green Sea turtle  na pawikan ang natagpuan ng isang mangingisda sa karagatan ng Sitio Dakab, Barangay Mamali, Mati City, Davao Oriental na wala ng buhay kahapon, Mayo 23. Ang nasabing pawikan ay may lapad itong 2.5 feet, 4.5 feet na haba at ang timbang ay hindi bababa sa 100 kilo. Ayon kay Brgy. Chairman Johnny Bardon, nakita ang pawikan na palutang-lutang sa dalampasigan ng naturang sitio at agad naman itong ini-report ng […]

Higit tatlong libong katao, dumalo sa Laguna Remote Sites

Matagumpay na naisagawa sa Mayapa , Laguna ang Dakilang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos. Isa ang nasabing lugar sa mga sites kung saan nasaksihan ang ginawang pagtuturo ng kapatid na Eduardo V. Manalo sa Philippine Arena , Ciudad De Victoria. Mahigit tatlong libong katao ang kanilang naging panauhin. Pagkatapos ng pamamahayag ay nagkaloob din ang INC ng lingap sa kanilang mga bisita.