Provincial News

Distrito ng Camarines Norte, handa na sa isasagawang Dakilang Pamamahayag; mga lokal, nagsagawa iba’t ibang gawain patungkol sa malaking aktibidad

Daet, Camarines Norte (Eagle News) – Puspusan na ang isinasagawang paghahanda ng mga kaanib sa bawat lokal sa Distrito ng Camarines Norte kaugnay ng Dakilang Pamamahayag na isasagawa sa Mayo 22, 2016 na pangangasiwaan ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo, ang kapatid na Eduardo V. Manalo, na may temang “Reconnect”. Ang naturang aktibidad ay isasagawa sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan na siyang host-site at masasaksihan sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng […]

Saltbeds in Magsaysay, Occidental Mindoro affected by floods

OCCIDENTAL MINDORO, Philippines (Eagle News) — Saltbeds in Sitio Toong, Barangay Caguray, Magsaysay, Occidental Mindoro were inundated by floods brought about by two days of intense rains. Residents here however tried to save what they could of the salt from the saltbeds that had been affected by te flooding but their efforts were futile. Workers here tried to cover the remaining salt, and some tried to get what they could save from the flooded saltbeds. […]

Motorcade sa Cebu isinagawa bilang paghahanda sa “Dakilang Pamamahayag” sa Mayo 22

    CEBU CITY, Philippines (Eagle News) — Nagsagawa ng motorcade ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Cebu City nitong Mayo 20, ika-anim ng umaga, bilang paghahanda sa gagawing pamamahayag ng mga Salita ng Diyos sa araw ng Linggo, Mayo 22, 2016, na  pangangasiwaan mismo ng executive minister ng INC  na si  Kapatid na Eduardo V. Manalo. Maaga namang tumugon at nakipagkaisa ang maraming mga miyembro ng INC  sa nasabing siyudad  na nanggaling pa […]

Cash for Work na Programa ng CSWDO pinakinabangan ng mga residente ng iba’t-ibang brgy sa Capiz

PATULOY na pinakinabangan ng mga residente ng iba’t-ibang barangay sa lalawigan ng Capiz ang Programa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na tinawag na “Cash for Work”. Noong nakaraang Marso ay nakinabang ang 216 na pamilya sa programang ito. Nilalayon ng programang ito na matulungan ang  mga residente na magkaroon ng karagdagang kita sa pamamagitan ng pagseserbisyo tulad ng pag re-restore ng Mangrove Forest sa kani-kanilang Barangay, paglilinis ng kapaligiran (gaya ng ng baradong irrigation […]

Fil-Chinese, pinalaya na ng Abu Sayyaf

(Eagle News) — Pinalaya na ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang Filipino-Chinese sa Zamboanga City na dinukot ng naturang grupo noong Marso. Kinilala ng militar ang biktima na si Rian Tan Nuñez, 21. Matatandaang dinukot si Nuñez at ang lolo nitong si Antonio Tan, isang negosyante, sa Lapuyan Zamboanga del Sur noong Marso 23 sa pangunguna ng ASG sub-leader na si Alhabsy Misaya. Napag-alamang dinala sa Sulu ang mga biktima ngunit nagkahiwalay at hindi na […]

400 katutubong Agta o Dumagat, nilingap ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Quirino

Nagsagawa ng Lingap-Pamamahayag ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Quirino. Kasabay ito ng isinagawang pambuong mundo na pamamahagi ng polyeto ng mga kaanib. Kabilang sa mga nakinabang sa nasabing Lingap-Pamamahayag ay ang mga katutubong Agta na tinatawag ding Dumagat sa barangay Disimungal, Nagtipunan, Quirino. Ang nasabing lugar ay bahagi ng mga kabundukan ng Sierra Madre at na dito naninirahan ang naturang mga katutubo. Sa nasabing aktibidad, sinimulan ang pamamahagi ng polyeto […]

Extreme Thunder Storm naranasan sa bahagi ng Northern Luzon

MULI na namang bumuhos ang malakas na ulan  na tila may bagyo kahapon (Mayo 17, 2016) sa pagitan ng alas 3:00 hanggang 4:30 ng hapon sa bahagi ng Northern Luzon. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ito ay tinatawag na Extreme Thunder Storm. Halos dalawang linggo na itong nararanasan sa lalawigan  na kadalasan ay tumatagal din ng halos dalawa hanggang tatlong oras. Kaya ipinapaalala sa mga motorista ang dobleng pag-iingat na dapat gawin sa pagbaybay sa mga […]