Provincial News

SCAN International sa Capiz, tumanggap ng gawad pagkilala sa Bureau of Fire Protection

  EAGLE News — Tumanggap ng Gawad ng Pagkilala  ang mga miyembro ng SCAN International sa Bayan ng Dumarao, Capiz  mula sa Bureau Of Fire Protection (BFP) dahil sa kanilang kabayanihan sa pag-apula ng apoy sa nangyaring sunog sa Barangay San Juan Dumarao,Capiz. Kamakailan lamang ay naging bahagi pa ang SCAN International sa pag apula ng apoy sa mga nangyaring grass at forest fire sa iba’t-ibang lugar sa Capiz. Ang SCAN International o Society of Communicators […]

Mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Camarines Norte, aktibong nakiisa sa Worldwide Distribution of Pamphlets

Daet, Camarines Norte (Eagle News)– Masaya at aktibong nakipagkaisa ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo (INC) sa 12 bayan ng lalawigan ng Camarines Norte kaugnay ng WorldWide Distribution of Pamphlets na inilunsad ng Pamamahala na isinagawa nitong Mayo 14 at 15, 2016 Sa naturang aktibidad ay naging matagumpay sa kabila ng init ng araw, layo ng mga binisitang barangay at mga purok, at mga kaparaanan kung paano makakarating sa lugar maipamahagi lang ang mga […]

Mga ahensiya ng pamahalaan sa lalawigan ng Camarines Norte, inihayag ang mga plano at programa kaugnay ng El Niño phenomenon

DAET, Camarines Norte (Eagle News) – Inihayag ng mga ahensiya ng pamahalaan ang kanilang mga plano at programa kaugnay sa epekto ng nararanasang El Niño sa isinagawang pagpupulong kamakailan. Ito ay mga ahensiya ng National Food Authority (NFA), National Irrigation Administration (NIA), Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), PENRO-DENR at Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ng pamahalaang panlalawigan. Ayon kay Provincial Manager Chona Brijuega ng NFA, sapat ang suplay ng bigas ng […]

2nd Pineapple Harvest Festival, isinagawa sa bayan ng Daet sa lalawigan ng Camarines Norte

Daet, Camarines Norte (Eagle News)- Muling isinagawa sa Camarines Norte Lowland Rainfed Research Station sa Calasgasan, Daet ang Pineapple Harvest Festival kamakailan. Ito ay pinangunahan ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Plant Industry (BPI). Si Dr. Juan Romeo Nereus O. Acosta, Presidential Adviser for Environmental Protection ang siyang naging panauhing pandangal. Kasama rin sa mga panauhin sina Dr. Vivencio Mamaril – Supervising Agriculturist BPI, Dr. Edgar R. Madrid- RTD for Research and Regulation DA […]

Lingap Sa Mamamayan sa Coron, Palawan

Lingap Sa Mamamayan sa Coron, Palawan by JC Montes Mayo 17 (Coron Palawan) Eagle News Nagsagawa ng motorcade ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo alas-4:00 ng hapon noong Biyernes (Mayo 13) sa Sitio Malbato, sa Brgy. Bintuan, Coron, Palawan upang ipag-anyaya sa mga residente roon ang isasagawang Lingap sa Mamamayan ng Iglesia Ni Cristo.  Nilalayon ng ganitong programa ng Iglesia Ni Cristo sa ilalim ng proyektong Kabayan Ko, Kapatid Ko na matulungan ang mga […]

Dalawang araw na pamamahagi ng polyeto ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo naging matagumpay

Naging matagumpay ang dalawang araw na pamamahagi ng natatanging polyeto ng Iglesia Ni Cristo na isinagawa sa iba’t-ibang panig ng bansa. Namahagi ang mga kaanib ng INC mula Luzon, Visayas at Mindanao kung saan kitang-kita ang kaisihan ng mga kapatiran. Lahat ng kabahayan ay inabutan nila ng babasahing polyeto. Walang pinalagpas ang mga namahagi. Binigyan din nila ang mga tao sa bayan, palengke, baryo, mga tindahan at sa iba’t-ibang sulok pa ng mga probinsya. Maging […]

Unity Games, isinagawa sa Sablayan, Occidental Mindoro

    NAGSAGAWA ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa probinsya ng Occidental Mindoro ng unity games sa bayan ng Sablayan  na tinawag na “Siglaro 2016”. Ang aktibidad na ito ay para sa kapisanang Buklod, Kadiwa at Binhi. Nagsimula ito sa isang parada ng mga manlalaro patungo sa Astrodome ng nasabing bayan.  Dito isinagawa ang mga larong basketball, volleyball, lawn tennis, table tennis, sepak takraw at mga board games.  Ang mga larong track events […]

Mga nanalong kandidato sa Samar 2nd district ipinroklama na

Idineklara na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga nanalong kandidato sa ikalawang distrito ng Samar. Ayon sa Provincial COMELEC Chairman, na si Atty. Juan Bautista, Jr., ang nanalong kandidato sa pagka-kongresista ay ang incumbent Representative na si Milagrosa “Mila” Tan na nakakuha ng  130,929 boto, at ito na rin ang kaniyang huling termino. Para naman sa pagka-Gobernador ay si Sharee Ann Tan ang nanalo na nakakuha ng 187,856 na boto at si Stephen James […]

Nanalong Mayor at Vice-mayor sa bayan ng Camalig sa probinsya ng Albay magkapatid.

Ang magkapatid na Ding Baldo at  Carlos Irwin Baldo ang nanalo sa isinagawang Eleksiyon noong ika-9 ng Mayo. Isang magandang pagkakataon ang mangyari sa kanilang buhay pulitika ang manalo at manungkulan sa bayan ng Camalig ng sabay at magkatuwang. Si Ms. Ding Baldo ang nanalo sa pagka-Mayor at Carlos Irwin Baldo ang nanalo sa pagka-Vice Mayor. Ayon kay incoming Vice-Mayor Carlos Irwin Baldo, masaya sya bilang magkapatid ay magkasama na silang manunungkulan bilang Mayor at […]

4.3 magnitude na lindol naranasan sa Western Samar

CATBALOGAN, Samar — Nakaranas ng 4.3 magnitude na lindol ang lalawigan ng Western Samar kaninang 8:00 ng umaga, Mayo 13. Naramdaman naman ang intensity 2 sa Tacloban City, Palo, Dulag Leyte Palanas at Masbate habang intensity 1 naman sa Naval, Biliran. Nakaramdam ng pagkatakot ang mga residente na nasa mga kabahayan lalo na ang mga nasa matataas na gusali dahil sa nanyaring pagyanig. Paalala naman ng mga awtoridad na huwag magpanic sakaling magkaroon ng after […]