Nasa 98 na gun ban violators ang naitala sa Iloilo City. Ayon sa Police Regional Office (PRO-6), nanguna sa may pinakamaraming gun violators sa rehiyon ang naturang lunsod na sinundan naman ng Aklan, Antique, Capiz at Guimaras. Ayon din sa mga otoridad, kabilang sa mga nakumpiska sa kasagsagan ng gun ban ang nasa 283 firearms, 126 bladed weapons, 41 explosives at dalawang gun replicas. Matatandaang nagsimulang ipatupad ang gun ban noong Enero 10 kaugnay ng […]
Provincial News
Mga pangunahing wanted sa Surallah, nadakip na
Arestado ang No. 7 most wanted at ang No. 2 naman sa drug watchlist sa bayan ng Surallah, South Cotabato sa magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad. Kinilala ng mga otoridad ang No. 7 most wanted na si Rogelio Delos Santos Bendor alyas Gil, na may warrant of arrest sa kasong murder. Habang kinilala naman ang No. 2 sa drug watchlist na si Ian Dizon Limosnero, 35 anyos, may-asawa, na nahaharap naman sa kasong may […]
Clean-up Drive ng Iglesia Ni Cristo sa bayan ng Claveria, Cagayan
CLAVERIA, Cagayan — Nagsagawa ng isang clean up drive ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa kapaligiran ng bayan ng Claveria, Cagayan noong Mayo 11 na pinangunahan nina kapatid na Bernardino E. Sabado at Kapatid na Nanding Bautista. Sa kabila ng napakainit na panahon, hindi naging hadlang sa mga miyembro nito ang tumulong sa pagpapanatili ng isang malinis na kapaligiran, lalo na ang bayan ng Claveria. (Eagle News Correspondents Mclord Duyao, Dexter Daligcon)
Magkapatid, panalong Mayor at Vice Mayor sa Cotabato City
COTABATO CITY, Philippines (Eagle News) — Panalo bilang mayor at vice mayor ang tambalang magkapatid na Guiani sa Cotabato City. Pormal ng naiproklama ni City Election Officer Atty. Joyce Moran si Japal Guiani Jr. bilang mayor sa kanyang pangatlong termino at ang kapatid niyang si Cynthia Guiani-Sayadi bilang vice mayor ng lungsod. Ito ang unang pagkakataon sa Cotabato City na parehong nahalal ang magkapatid sa dalawang pinakamataas na posisyon sa lokal na […]
Commission on Election sa Occidental Mindoro, ipinroklama mga nanalong kandidato
IPINROKLAMA na ng Commision on Election sa Occidental Mindoro ang mga nanalong kandidato. Ito ay si Congreswoman “Josephine “Nene” Ramirez Sato na nakakuha ng 143,551 votes, re-electionist Governor Mario “Gene” Mendiola na nakakuha ng 109,688 votes, at re-electionist Peter Alfaro sa pagka bise-gobernador na nakakuha ng 113,887 votes, at Evangeline Tria sa pagka – alkalde ng bayan ng Mamburao. Isinagawa ang proklamasyon sa mga nanalong kandidato sa kapitolyo ng probinsiya sa bayan ng Mamburao. (Ricardo Briguel, September Luz, Eagle News […]
Lalaki binaril at napatay sa kasagsagan ng eleksiyon sa Poblacion Sagbayan, Bohol
By Ali Rosales Eagle News Service correspondent BOHOL, Philippines (Eagle News) — Binaril at napatay ang isang lalaki sa kasagsagan ng eleksyon noong Mayo 9, bandang alas dose ng tanghali sa Sitio Capitol, Poblacion Sagbayan, Bohol. Ayon sa Sagbayan Philippine National Police, ang biktima ay si Steven O. Pegad, 32 anyos, residente ng Nahawan, Clarin. Sinalaysay ng isang saksi na nagmamaneho ang biktima sa motor nito sakay ang isang babae na inihatid sa lugar na […]
Indigenous People nakiisa sa pagboto sa Lasam, Cagayan
Nakiisa ang mga katutubong Agta at iba pang grupo ng indigenous people sa pagboto sa Sicalao, Lasam, Cagayan bagama’t karamihan sa kanila ay hirap bumasa at hindi gaanong naiintindihan ang paggamit ng VCM o Vote Counting Machine. Pinilit makibahagi ang mga ito sa halalan sa tulong ng kanilang mga kamag-anak na nakapag-aral o di kaya ay may kakayanang bumasa at sumulat. Ayon kay SPO3 Jonie Domingo, naka-assign na pulis sa nasabing lugar, marami ng Agta ang […]
ICYMI: Fidel V. Ramos, maagang bumoto sa Asingan, Pangasinan
ASINGAN, Pangasinan — Maagang nagtungo sa Narciso Ramos Elementary School sa Asingan, Pangasinan si dating pangulong Fidel V. Ramos, upang bomoto. Bandang alas-syete ng umaga, dumating ang dating presidente kasama ang kanyang mga kaanak na tumatakbong Board Member ng 6th district ng Pangasinan, si Ranjit Ramos-Shahani, at dating senadora Leticia Ramos-Shahani. Ayon kay police chief inspector Melecio Mina, Chief of Police ng Asingan, hindi na sila nagdagdag ng security personnel para sa dating pangulo […]
Daan-daang botante sa Lucban, Quezon nagreklamo dahil walang pangalan sa listahan ng mga botante
LUCBAN, Quezon — Daan-daang mga botante ang nag-alsa at nagreklamo sa Lucban, Quezon dahil wala ang kanilang mga pangalan sa listahan ng mga botante kahit na nag-update naman sila ng kani-kanilang biometrics. Ang naging solusyon na lamang ng COMELEC-Lucban sa problemang ito ay bigyan sila ng certification upang makaboto kahit na wala ang kanilang mga pangalan sa Voter’s List. Ngunit nang dumating na sila sa kani-kanilang mga polling precinct ay wala nang mga balota na […]
Mga botante patuloy pa rin sa pagboto sa kabila ng mga aberya
SAN Miguel, Camarines Sur — Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaayos ang dalawang vote counting machine (VCM) sa Barangay San Miguel Elementary School. Wala ring pahayag si Precent Officer, Jurith Mata kung maaayos pa ang nasabing VCM. Ayon naman kay Joselito Zabala, Commission on Election Assistant Officer, kung wala ng boboto ay hindi rin naman nila isasalang o ipapasok ang mga balota. Ang ilang botante ay hindi na muna bumoto hangga’t wala pang resibo na lumalabas. Samantala, ang ibang […]
Paper jam ballot naranasan sa isang presinto sa Hindang, Leyte
Ayon kay Dindo Cabaltera, Chairman ng Board of Election Inspector (BEI) ng Hindang National High School,Hindang Leyte, nagkaroon ng Paper Jam Ballot sa isang Vote Counting Machine sa Precint 0012A, 0013A, 0013B at 0014A ng nasabing paaralan. Nangyari ito pagkatapos lang na makaboto ang mga naunang grupo ng mga botante,
Former President Ramos votes in Asingan,Pangasinan
Former President Fidel V.Ramos voted early in his hometown in Narciso Ramos Elementary School Asingan,Pangasinan. Around 7:00am, the former President arrived in the polling place together with some oh his relatives running for office. Local police did not provide extra security for the 12th President. After casting his vote, Ramos posed for pictures with other residents. Ramos supports presidential aspirant Davao City Mayor Rodrigo Duterte. .