Inilagay na ng Philippine National Police sa heightened alert ang buong Koronadal City dahil sa isinagawang limang araw na pag-protesta ng mga magsasaka sa harap ng Department of Agriculture Region 12 sa Brgy. Carpenter Hills, Koronadal City. Nagsimulang magbarikada ang mga ito noong Linggo, Abril 24 sa apat na lane ng national highway na kumokonekta sa Koronadal at General Santos City. Ayon sa kanila, wala na silang makain at nagkakasakit na dahil sa El Niño phenomenon.
Provincial News
Japanese carrier dumaong sa Subic
Dumating na sa Subic Port ang isa sa pinakamaliking barko ng Japan Maritime Self-Defense Force. Layunin nitong mapatatag pa ang maritime relationship sa pagitan ng Japan at Philippine Navy at maisulong ang kapayapaan at magandang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa. (Eagle news, Sandy Pajarillo)
DOH, iniimbestigahan na ang pinanggalingan ng Norovirus
Zamboanga City, Philippines (Eagle News) — Nagpadala na ng epidemiologist ang Department of Health sa Zamboanga City para imbestigahan ang posibleng pinanggalingan ng Norovirus. Nagpadala na rin ang DOH ng mga gamot gaya ng IV fluids at oresol sa mga ospital at health center sa nasabing lugar. Apat na ang naiulat na nasawi dahil sa virus na sinasabing pinalala ng nararanasang El Niño phenomenon. Ilan sa sintomas ng virus ay diarrhea, pagsusuka at lagnat.
Cloud seeding operations sa Cebu at Bohol kasado na
QUEZON City, Philippines — Kasado na ang cloud seeding operations sa Cebu at Bohol para maibsan ang matinding epekto ng El Niño phenomenon. Pangungunahan ng Department of Agriculture (DA) ang pagkakaroon ng artificial rain matapos bumaba sa halos 50 porsyento ang supply ng agricultural products dahil sa matinding tagtuyot. Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, pumapalo na sa 200 million pesos ang kabuuang pinsala ng El Niño sa mga lalawigan ng Bohol […]
DILG ready to face charges on Kidapawan dispersal
MANILA, Philippines — Secretary Mel Senen Sarmiento of the Department of the Interior and Local Government (DILG) on Wednesday, April 27 said that he is ready to face charges allegedly filed against him in connection with the confrontation between protesters and the police in Kidapawan City that led to hostility earlier this month. Sarmiento made the statement after concerned groups reportedly filed criminal charges against him, Agriculture Secretary Proceso Alcala, and ranking local, police […]
Mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo, nagsagawa ng clean up drive sa Pangasinan
NAGSAGAWA ng clean-up drive ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa kahabaan ng Maramba Boulevard sa bayan ng Lingayen, Pangasinan. Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga INC ministers at evangelical workers na mga nakadestino sa gitnang bahagi ng Pangasinan. Labing siyam na mga bayan sa Central Pangasinan ang sabayang nagsagawa ng linis bayan, ito ay bilang bahagi parin ng inisyatiba ng Iglesia Ni Cristo upang makatulong sa komunidad. (Eagle News Service)
Kahit lumago ang ekonomiya, bilang ng mahirap sa Region 1 mataas pa rin
Pinangunahan ng Regional Development Council ang isinagawang State of the Regions Development Conference na dinaluhan ng mga opisyal ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno at maging mga kinatawan ng mga lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan. Inihayag ni RDC Vice Chairman at NEDA Regional Director Nestor Rillon ang kasalukuyang kalagayan ng pamumuhay sa Region 1. Aniya, ang ekonomiya ng Region 1 ay patuloy na lumalago. Bagaman nakapagtala ng 5.7 % […]
Bakuna kontra-rabies, isinagawa sa Cavite
BILANG bahagi pa rin ng programa ng gobyerno na maging rabies free ang Pilipinas sa taong 2020, nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng libreng bakuna kontra-rabies sa General Mariano Alvarez sa lalawigan ng Cavite. Ito ay pinangunahan ni Kapitan Francisco Gealogo at ni Kagawad Erlinda Sabio na siyang nakatalaga bilang chairman ng Health and Sanitation sa nasabing barangay. Tinatayang mahigit 300 na aso ang target na mabakunahan upang makasiguro na mapangalagaan ang taumbayan sa mga […]
EBC’S 48th Anniversary Celebration
QUEZON City, Philippines (Eagle News ) — Bilang paggunita sa ika-apatnapu’t walong taong anibersaryo ng Eagle Broadcasting Corporation o EBC ngayong taon na ito, nagkaroon ng iba’t-ibang aktibidad ang mga kawani at empleyado nito. Alas-nueve ng umaga ng araw ng Sabado (Abril 23) ay nagsagawa ng Special Worship Service at Oath Taking para sa mga bagong talagang mga kawani ng Eagle Broadcasting Corporation sa dako ng Iglesia Ni Cristo Central Temple. Nagkaroon din ng videoke […]
Grupong SINAG, dismayado kay Pangulong Aquino ukol sa anti-agricultural smuggling act
Dismayado ang grupo ng Samahang Industriya ng Agrikultura o (SINAG) matapos bigong lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang HB 6380 o ang Anti Agricultural Smuggling Act na ipinasa ng senado at kongreso. Ayon kay SINAG President Engr. Rosendo So, halos isang buwan na sa kamay ng Pangulo ang nasabing bill subalit magpahanggang ngayon ay hindi pa niya nilalagdaan. Sa Mayo 6, nakatakdang kalampagin ng grupo ng mga magsasaka ang administrasyong Aquino kung tuluyang isasantabi ng […]
Tarlac, apektado na rin ng matinding init ng panahon
Matinding kalbaryo ang nararanasan ngayon ng mga taga-Central Luzon, partikukar na sa lalawigan ng Tarlac, dahil sa sobrang init ng panahon na labis na ikinaiirita ng marami at nagiging sanhi pa ng heat stroke at naging dahilan rin ng agarang kamatayan. Sa mga lansangan, kapansin-pansin ang mga kababayan natin na gumagawa ng paraan para maproteksiyonan ang kanilang mga sarili sa sobrang tindi ng sikat ng araw, na halos anila’y nakakapaso at mahapdi sa balat. Mga […]
Responsable sa pagpapasabog sa dalawang NGCP Towers sa North Cotabato tinutugis na
CARMEN, North Cotabato — Tinutugis na ng pambansang pulisya ang grupong nasa likod ng pagpapasabog sa dalawang tore ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Carmen, North Cotabato. Batay sa paunang imbestigasyon ng Carmen- Philippine National Police, gumamit ng improvised explosive device ang mga salarin mula sa 60 millimeter mortar, ito ay base na rin sa narekober na debris sa pinangyarihan ng pagsabog. Bagamat pinasabugan, sinabi ni Chief Inspector Julius Malcontento, Hepe ng […]