Provincial News

Forest fire sa Mt. Apo, nagpapatuloy pa rin

DAVAO CITY, Philippines — Umaabot na sa 200 ektarya ang natutupok dahil sa nagpapatuloy pang forest fire sa Mount Apo na sumiklab noong Sabado, Marso 26. Ayon kay Harry Camoro, action officer ng Provincial Disaster Risk Reduction And Management Council (PDRRMC) ng Davao del Sur, nagsimula ang naturang forest fire sa Kapatagan Trail sa Digos City at kumalat naman hanggang sa parte ng Lake Venado. Napag-alaman ding kabilang na sa naabo ang mini-forest sa Lake […]

Tabuk City, Kalinga RTC naglabas na ng warrant of arrest laban kina Menorca at Yuson

TABUK City, Kalinga — Naglabas na ang Regional Trial Court Branch 25 sa Tabuk City, Kalinga sa katauhan ni Judge Marcelino K. Wacas ng warrant of arrest laban kina Eliodoro “Joy” Yuson at Lowell “Boyet” Menorca II. Kaugnay ito ng kasong libelo na isinampa sa kanila nina Ginoong Pedro F. Castillo, District Minister ng Iglesia Ni Cristo  sa Kalinga at Manuel Melchor, Sr., miyembro ng SCAN International sa nasabi ring lalawigan. Matatandaan na noong Nobyembre […]

Mayor at dalawa pa, pinagbabaril sa Laguna

(Eagle News) — Kritikal ang kondisyon ngayon ni Mayor George Berris, alkalde ng Calauan, Laguna, habang patay naman ang dalawa pa nitong kasamahan matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek. Base sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) – Laguna, nangangampanya sa Brgy. Imok sa nasabing bayan ang alkalde kasama ang dalawa pang kinilalang sina Leonardo Taningco at Emmanuel Peña, tumatakbong konsehal, nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo. Binaril ang […]

CNPH, sinagot ang usapin ng mga litrato ng lumang beddings na ginagamit ng mga pasyente

Daet, Camarines Norte  – Naglabas na ng pahayag ang pamunuan ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) kaugnay ng mga litrato ng mga sirang beddings na hinihigaan ng mga pasyente ng CNPH na kumalat sa social media nitong mga nakaraang linggo kung saan umani ito ng iba’t ibang reaksyon at pagpuna mula sa mga netizens. Ayon kay Dra. Myrna Rojas, Provincial Health Officer, inamin nitong pinagagamit pa din ang mga luma at sira nang beddings sa kadahilanan […]