Provincial News

Tips konta-rabies

Maigting ngayon ang kampanya ng ating pamahalaan na mapigilan ang pagkalat ng rabies sa bansa, dulot ng mga aso sa ating kapaligiran at ating mga alaga, sa pamamagitan ng pag-iinject o pagtuturok sa mga ito ng mga gamot kontra rabies. Narito ang mga palatandaan ng isang tao na dinaluyan o nagtataglay ng rabies matapos makagat ng aso. Unang palatandaan Nahahapo o nanghihina Masasakit ang mga kalamnan Ayaw kumain Masakit ang ulo Nilalagnat Mga palatandaan na […]

Pawnshop sa bayan ng Labo, Camarines Norte, pinasok ng mga hindi pa nakikilalang kawatan

Labo, Camarines Norte – Pinasok ng mga hindi pa nakikilalang mga magnanakaw ang isang pawnshop sa bayan ng Labo madaling-araw ng Marso 13, 2016. Batay sa inisyal na imbestigasyon at ulat ng Labo Municipal Police Station (MPS)  nagtungo sa kanilang tanggapan si Gilbert Jose y Papares, 42 taong gulang, may asawa,  may ari ng GPJ pawnshop na matatagpuan sa Maharlika Highway, P-5 Brgy. Kalamunding, Labo, Camarines Norte , at residente ng Rosario Street, Brgy. VII, Daet, Camarines […]

Oplan Summer Vacation 2016, nakatakdang ilunsad sa lalawigan ng Camarines Norte

Talisay, Camarines Norte – Nakatakdang ilunsad ng Highway Patrol Group – Camarines Norte (HPG) ang Oplan Summer Vacation (SUMVAC) 2016 sa darating na Sabado (Marso 19, 2016). Ang isinagawang pagpupulong na pinangunahan ni HPG Provincial Officer PSI Ruel Salvino ay dinauluhan ng mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Philippine National Police (PNP), Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Red Cross (PRC), Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation […]

PNK Little Chef isinagawa sa Pangasinan

Nagpagalingan sa pagluluto ang mga kabtaang miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Pangasinan sa isinagawang pa-contest na tinawag nilang PNK Little Chef. Layunin ng programang ito na malinang ang kakayahan ng mga batang Iglesia Ni Cristo ukol sa tamang paghahanda ng pagkain at masanay silang kumain ng wastong pagkain. Natuwa naman ang mga hurado ng nasabing patimpalak sapagkat ang inihanda ng mga PNK little chef ay masustansya at masarap.

Mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng clean up drive sa Virac, Catanduanes

CATANDUANES — Masiglang nakipagkaisa ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa isinagawang clean up drive sa coastline ng Virac, Catanduanes. Layunin ng community service na maipakita ang pagmamalasakit sa kalikasan lalo na at tumitindi na ang epekto ng El Niño sa iba’t-ibang panig ng bansa. Layunin din na mapanatili ang kagandahan ng puting baybayin na isa sa mga magagandang atraksiyon sa probinsya ng Catanduanes (Eagle News Service, Ace Casper De Vera, Report by Viel […]

Mga kawani at opisyal ng NFA humirit ng 16 libong national minimum wage

Nagpahayag ng pagka dismaya sa gobyerno ang maraming kawani at opisyales ng National Food Authority (NFA) na nagsagawa ng pagtitipon-tipon sa NFA Gulayon, Dipolog City, kahapon. Sa naturang pagtitipon na pinangunahan ni National Officer of NFA and Employees Association, Max Torda, nanawagan sa gobyerno ni President Aquino ang mga kawani at opisyales ng NFa na nagmula pa sa Region 1 hanggang Caraga Region at Zamboanga peninsula na gawing makatarungan at pantay-pantay ang pag-omento sa sahod.