Upang mas lalong maipaunawa sa mga motorista ang pinaiiral na rules and regulations kaugnay ng kampanya ng Commission on Election na gun ban para sa nalalapit na election, namahagi ang mga pulis sa Spian, Capiz ng leaflets at flyers sa mga commuters at motorista. (Agila Probinsya Correspondent Nathaniel Flores)
Provincial News
Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo pinasinayaan sa Dingalan, Aurora
Pinasinayaan ang bagong barangay chapel na matatagpuan sa Sitio Malamig, Brgy. Umiray, Dingalan, Aurora isang liblib na lugar sa lalawigan. Ang pagtatayo ng barangay chapel ay tugon ng pamamahala ng INC para sa kapakanan ng mga miyembro nito para mailapit sa mga kaanib nito ang mga aktibidad at gawain sa Iglesia. Pinangunahan ni Bro. Armando Bariring Jr., District Minister ng Nueva Ecija East ang pagpapasinaya at pagtatalaga ng dakong ito na kinasabikan ng mga dumalo […]
Mga miyembro ng INC nagsagawa ng blood donation activity sa University of Northern Philippines
Nagka-isa at pinangunahan ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa distrito ng Ilocos Sur sa isinagawang blood donation activity sa open café ng University Of Northern Philippines o UNP sa tulong ng Provincial Gabriela Silang Hospital. Ang mga kapatid na lumahok sa nasabing aktibidad ay galing pa sa iba’t – ibang bayan ng probinsiya ng Ilocos Sur, makikita sa mga kapatid na hindi alintana ang layo ng pinag galing at masiglang dinaluhan ang blood […]
Sa pagsapit sa ika-15 mula ng maging lungsod, Vigan mas naging maunlad
Espesyal at natatangi naman ang naging paggunit ng mga taga-Vigan sa ika-labing limang anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang lugar bilang isang lungsod. Mula daw kasi ng maging isang ganap na lungsod ang Vigan ay malaki na ang ipinagbago nito at mas lalong umunlad.
Boracay muling kinilala bilang isa sa Most Beautiful Tropical Beaches in the World
Muling kinilala ang Boracay bilang isa sa most beautiful tropical beaches in the world sa taong ito. Batay na rin ito sa report ng Recordnet, isang media group sa California, United States of America. Ang Boracay lamang ang tanging tropical beach mula sa Pilipinas ang kinilala ng naturang media group. Ikinatuwa ito ng Department of Tourism (DOT) at sinabing ang Boracay ay nasa top drawer para sa International Tourists ngayong 2016 at tinawag ding Crown […]
Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo pinasinayaan sa Sandiat, Isabela
Mahigit dalawang kilometro mula sa pambansang lansangan ay matatagpuan ang bagong barangay chapel ng mga Iglesia Ni Cristo sa Sandiat , Isabela. Matagal na hinangad ng mga kaanib sa INC sa dakong ito na sila ay mapatayuan ng maganda at maayos na gusali , sa pamamagitang ng pamamahala ng INC ay ipangakaloob ng Diyos ang kanilang kahilingan. Pinangunahan ni kapatid na Daniel M. Castro, District Minister ng Isabela West ang pagpapasinaya sa bagong kapilya. Maagang […]
Mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng clean up drive sa San Manuel, Pangasinan
Nagsagawa ng clean-up drive ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa San Manuel, Pangasinan, bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-pitumpu’t pitong anibersaryo ng kanilang lokal. (Agila Probinsya Correspondent Jae Sabado)
Hustisya, patuloy pa ring panawagan ng pamilya ng SAF 44
Isang taon mula ng maganap ang madugong Mamamasapano encounter sa Maguindanao kung saan kasama sa nasawi ang apa’t na pu’t apat na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force, hustisya pa rin ang panawagan ng pamilya ng tinaguriang SAF 44. Umaasa rin sila ma tutuparin ng gobyerno ang mga pangakong tulong sa kanila. (Agila Probinsya Correspondent Alejandro Javier)
INC chapel sa bgy Hillside, tuloy na; claimants nangakong makikipagtulungan na sa Iglesia
(Eagle News) — Tuloy na ang pagpapatayo ng kapilya ng Iglesia Ni Cristo sa Barangay Hillside, Baguio City matapos pagbigyan ng pamunuan ng INC ang kahilingan nina Danilo Blas, Roberto Guiao at ng mga kaanak nito na naghahabol sa lupang pagtatayuan ng kapilya ng INC sa brgy. Hillside baguio city na pagmamay-ari ng INC. Ayon sa mga kinatawan ng INC, nagkapaliwanagan ang magkabilang panig at bumuo ng kasunduan. Nangako na rin ang kampo ni Danila […]
Sapat na kuryente sa araw ng eleksyon wala pang katiyakan ayon sa NGCP
Inamin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na walang katiyakan kung may sapat ng suplay ng kuryente sa Mindanao sa araw mismo ng eleksyon. Ayon sa spokesperson ng NGCP na si Cynthia Perez-Alabanza, maliban sa mga binombang tore ng NGCP, nanganganib ring masira ang ilang linya ng kuryente dahil sa tumutubong kahoy sa ilalim nito. Aniya, posibleng lalala pa ang kakulangan ng suplay ng kuryente kung hindi naputol ang mga ito sa ilalim […]
Region wide blackout sa halalan sa Mayo pinangangambahan
Pinangangambahan pa rin ang posibilidad na magkaroon ng failure of election sa Misamis Oriental at ibang panig ng Northern Mindanao. Ito’y makaraang aminin ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na sampu sa mga tower ng NGCP ang nag-collapse samantalang anim ang nasira sa pag-atake ng mga armadong lalaki. Ngunit nilinaw din ng NGCP na 16 sa kanilang 18 na tower na binomba sa nakalipas na buwan ay magiging operational na. Pero ayon […]
Fish pen owners sa Bacnotan, La Union, nalulugi na dahil sa fish kills
Problemado ngayon ang mga fish pen owner sa Bacnotan, La Union dahil sa matinding epekto ng fish kill sa kanilang negosyo. Ayon sa kanila, sa tagal na nila sa industriya ay ngayon lamang sila nakaranas ng ganito kalaking pagkalugi. (Agila Probinsya Correspondent Joshua Guerrero)