Sa harap ng mga paninira at pagsubok na pinagdaraanan ng Iglesia Ni Cristo, di mapigil ang patuloy at malalaking aktibidad at gawain nito. Kabilang na rito ang sunod-sunod na pagpapatayo ng maraming gusaling sambahan sa iba’t-ibang probinsya maging sa mga liblib na lugar sa bansa. Itinataguyod din ng INC ang paglingap sa kapwa lalo na sa mga kababayan nating nangangailangan. Panoorin ang report ni Judith Llamera: Unang buwan pa lang nitong taon, tatlong barangay chapel […]
Provincial News
Mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Tampakan, South Cotabato, abala sa preparasyon para sa Lingap sa Mamamayan
Abala na ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa South Cotabato sa paghahanda para sa gagawing Lingap sa Mamamayan sa barangay Danlag, bayan ng Tampakan. Ang nasabing aktibidad ay isasagawa sa Enero 30, na pangungunahan ni Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. (Agila Probinsya Correspondent Ronie del Rosario)
Barangay chapels ng Iglesia Ni Cristo pinasinayaan sa Iloilo at Bohol
Sa pagtungtong ng unang buwan ng taong kasulukuyan ay patuloy ang pagtatayo ng mga barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas. Kaugnay nito, tatlong barangay chapel ang pinasinayaan sa bahagi ng Norte sa lalawigan ng Iloilo. Dalawa sa barangay chapel na ito ay matatagpuan sa barangay San Roque at Lumbia na sakop ng bayan ng Estancia. Matatagpuan naman sa barangay Tamange ang isa pang pinasinayaan barangay chapel na sakop ng bayan […]
Surigao del Norte, niyanig ng lindol
Niyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang Surigao del Norte, alas nwebe katorse kagabi, Enero 14. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang epicenter ng lindol ay nasa layong dalawampu’t siyam na kilometro ng timog-silangan ng bayan ng General Luna Town. Wala namang na-i-ulat na naging pinsala ng lindol.
Pinsala sa agrikultura dahil sa El Niño, sa Zamboanga City, umabot na sa mahigit P8-M
Umabot na sa mahigit walong milyong piso (P8 million) ang naitalang katumbas na halaga ng pinsala ng tagtuyot sa sektor ng Agrikultura sa Zamboanga City. Nabatid na dahil sa nararanasang tagtuyot, aabot na sa mahigit apat na raang magsasaka ang apektado.
Ministers and evangelical workers health watch isinagawa sa Bongabon, Nueva Ecija
Sa Bongabon, Nueva Ecija, nagsagawa ng ministers and workers health watch para sa mga ministro at evangelical workers ng Iglesia Ni Cristo. (Agila Probisnya Correspondent Eman Celestino)
Ilang lugar sa Camarines Norte at Sur mawawalan ng kuryente
Ilang oras na mawawalan ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Camarines Norte at Sur. Sa inilabas na advisory ng National Grid Corporation of the Philippines, mula alas ocho y medya ng umaga hanggang alas dos ng hapon ay mawawalan ng kuryente sa mga lugar sa Camarines Sur na sineserbisyuhan ng Casureco II. Tatagal ito hanggang mamayang alas-sais ng gabi.
Barangay chapel, ipinatayo ng Iglesia Ni Cristo sa Pampanga
Pinatayuan ng Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo ng barangay chapel o gusaling sambahan ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa San Basilio, kanlurang bahagi ng Pampanga. Matatagpuan ito sa Quiratak Barangay San Basilio Sta. Rita, Pamapanga. Ang pagpapasinaya ng bagong barangay chapel ay pinangunahan ni Kapatid na Bedan l. Ubaldo, District Minister ng Pampanga West. Ang lote na pinagtayuan ng barangay chapel ay ipinagkaloob ng mag-asawang Edgardo at Catalina Galang. Sila ay mga maytungkulin […]
Photo and Artworks Exhibit, isinagawa ng INC para sa mga kabataang miyembro
Upang makatulong sa paglinang ng talento ng mga kabataan, isang Photo and Artworks Exhibit ang inilunsad ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Leyte. Tampok dito ang iba’t-ibang likha ng mga kabtaan sa apat na sub-districts ng lalawigan. (Agila Probinsya Correspondent Andres Ocampo)
Pagtatayo ng mga barangay chapel, ipinagpapatuloy ng INC
Isa ang barangay Sibale sa labis na naaapektuhan ng bagyo Nona. Maraming ari-arian at mga tahanan ang nawasak, maging ang mga gusaling sambahan doon ay hindi pinatawad ng mapamuksang kalamidad. Bilang katunayang ginugugol ng Iglesia Ni Cristo ang kanilang mga natipong handog sa pagtatayo ng mga gusaling sambahan. Isa ang barangay Sibale, lalawigan ng Mindoro Oriental sa mapapatayuan ng bagong gusaling sambahan. Mahirap man at matrabaho ang paghahatid ng mga materyales doon sapagkat tawid-dagat ay […]
Dalawampung bahay sambahan, ipinatayo ng Iglesia Ni Cristo sa kanlurang bahagi ng Leyte
Sa lalawigan naman ng Leyte na sinalanta ng bagyong Yolanda noong 2013, dalawampung bagong bahay sambahan ng Iglesia Ni Cristo ang ipinatatayo at pinasiyaan mula noong 2015 hanggang taong 2015. (Agila Probinsya Correspondent Ben Salazar)
Ilang lugar sa Apayao at Cagayan mawawalan ng kuryente sa Huwebes
Siyam na oras na mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Cagayan at Apayao sa Huwebes, Enero 14. Sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines, ang power interruption ay magsisimula ng alas ocho ng umaga at tatagal hanggang alas singko ng hapon. Ito ay para sa annual preventive maintenance at testing ng ilang kagamitan sa Magapit Substation.