Nagsagawa ng Lingap sa Mamamayan ang Iglesia Ni Cristo para sa mga biktima ng bagyong Nona sa Marinduque. Isa ang nasabing probinsya sa mga matinding napinsala ng katatapos lamang na bagyo. (Agila Probinsya Correspondent Mark Cuevas)
Provincial News
BSP muling nagpaalala na mawawalan na ng halaga ang lumang pera
Muling nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas na kailangang maibalik na sa BSP ang mga lumang salapi bago sumapit ang bagong taon dahil mawawalan na ito ng halaga sa merkado pagtungtong ng Enero 1, 2016. (Eagle News Service Described by Jay Paul Carlos, Video Editing by Jericho Morales, Uploaded by MRFaith Bonalos)
Padyak Kontra Droga inilunsad sa Tarlac
Para mapigilan ang paggamit at pagkalat ng iligal na droga, naglunsad ng kampanya ang pamahalaang bayan ng Ramos sa lalawigan ng Tarlac at mga tauhan ng Ramos Police Station na may temang “Padyak Kontra sa Droga”. (Agila Probinsya Correspondent Aser Bulanadi)
“Welcome Kapatid Ko” isinagawa sa Nueva Vizcaya
Nagsagawa ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ng “Welcome Kapatid Ko,” kung saan ang programang ito ay para sa mga nagnanais umanib at ganoon narin sa mga bagong miyembro sa loob ng Iglesia. Ang aktibidad ay isinagawa sa Tomas, Dacayo Community Center sa Solano, Nueva Vizcaya noon lamang Martes, Disyembre 22. Layunin ng nasabing aktibidad na mas lalo pang mapasigla sa pagdalo sa kanilang mga pagsamba at kanilang maisabuhay ang mga aral na itinuro […]
Mga ipinagmamalaking produkto ng Kalinga bumida sa Trade Fair
Bumida sa ginawang Trade Fair sa Kalinga ang mga furniture, garments, native costumes at iba pang ipinagmamalaking produkto ng probinsya. Layunin ng nasabing trade fair na maging dagdag atraksiyon ito aa mga turistang dadagsa ngayong holiday season at nais din nilang mabago ang masamang impresyon ng lalawigan ng Kalinga sa mga bakasyonista. (Agila Probinsya Correspondent JB Sison)
Iba’t-ibang livelihood training ipinagkaloob ng DOLE sa mga mamamayan sa Zambales
Iba’t-ibang livelihood training ang ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment o DOLE at Public Emploment Service Office para sa mga kababaihan ng sa lalawigan ng San Marcelino, Zambales. (Agila Probinsya Correspondent Rod de Leon)
Bagong gusaling sambahan ng Iglesia Ni Cristo, pinasinayaan sa Capiz
Isang bagong gusaling sambahan ng Iglesia Ni Cristo ang pinasinayaan ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Capiz. Ang pagpapasinaya sa bagong gusaling sambahan sa barangay San Juan bayan ng Dumarao, Capiz ay pinangunahan ng District Minister na si Brother Ceasar S. Almedina. (Agila Probinsya Correspondent Nathaniel Flores)
Kauna-unahang Buntis Beauty Pageant isinagawa sa Nueva Ecija
Nagpaligsahan ang labing siyam na buntis sa ginanap na kauna-unahang Buntis Beauty Pageant sa lungsod ng San Jose nito lamang nakaraang araw bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buntis Day. (Agila Probinsya Correspondent Andres Ocampo)
Lingap sa Mamamayan isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Sorsogon
Nagsagawa ang Iglesia Ni Cristo ng Lingap sa Mamamayan sa pamamagitan ng Felix Y. Manalo Foundation sa mga nasalanta ng bagyong “Nona” sa mga bayan ng Matnog, Gubat at Sorsogon City. Pinangunahan ng District Minister, Bro. Macleo V. Ibasco ang pamamahagi sa mga naging biktima ng kalamidad. Nakatakdang mamahagi pa sa ibang kabayanan ng Sorsogon. Tinatayang 3,00o pamilya ang agarang maabutan ng tulong mula sa Pamamahala ng Iglesia. (Agila Probinsya Correspondent Andres Ocampo)
Mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Tarlac City, nagsagawa ng Year End Socializing
Sa kabila ng pananalasa ng bagyong “Nona” sa bansa, naging matagumpay ang isinagawang Year End Socializing ng distrito ng Tarlac North na idinaos sa isang malaking mall sa lungsod ng Tarlac. Ang aktibidad na ito ay dinaluhan ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo maging ng mga nasa proseso pa lamang ng pag-anib sa loob ng Iglesia.Ito ay dinaluhan ng pitumpung (70) lokal na sakop ng distrito na pinangungunahan ni District Minister Armando A. Manas. […]
LGU-Masbate at MASELCO nagsagawa ng clearing operation sa mga natumbang puno at poste
Matapos hagupitin ng bagyobng “Nona,” pinipilit ng mga taga-Masbate na maibalik sa normal ang kanilang pamumuhay. Nagsagawa na rin ng clearing operation ang lokal na pamahalaan katuwang ang Masbate Electric Cooperative (MASELCO) dahil sa maraming poste ng kuryente ang natumba sa kasagsagan ng bagyo. (Agila Probinsya Correspondent Ramon Albert)
Bagong barangay chapels pinasinayaan sa Ilocos Sur at Nueva Vizcaya
Dalawang bagong barangay chapels ng Iglesia Ni Cristo ang pinasinayaan sa Sta. Maria, Ilocos Sur at Bambang, Nueva Ecija. Labis naman ang naging kasiyahan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo na sila ay napagkalooban ng bagong barangay chapel. Kung saan ay doon nila maipagpapatuloy ang gawang paglilingkod sa Diyos. Lubos din ang pagpapasalamat ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa Tagapamahalang Pangkalahatan ang Kapatid na Eduardo V. Manalo dahil sa pagmamahal at pagmamalasakit […]