Provincial News

Ministers’ Family Day sa Aklan

Nagsagawa ng Ministers’ Family Day ang mga ministro at evangelical workers o manggagawa sa lalawigan ng Aklan. Layunin ng nasabing aktibidad na maipakita ang patuloy na pakiisa sa Tagapamahalang Pangkalahatan. (Agila Probinsya Correspondent Alan Gementiza)

Binabantayang LPA naging bagyo na

Inaasahang papasok na rin ngayong araw sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isa pang bagyo na ngayon ay nasa Pacific Ocean na may layong 1,425 kilometers sa Silangan, Timog-Silangan ng Mindanao. Sakaling makapasok sa PAR ay papangalanan itong “Onyok”. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mababa ang tinatahak na direksyon ng bagyo na maaring tumama sa Eastern Mindanao, pero kung bahagyang tataas ay tatama ito sa Eastern Visayas sa susunod […]

Ilang lugar sa MIMAROPA, Bicol at Visayas walang kuryente dahil sa bagyong “Nona”

Dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong Nona patungong kanlurang bahagi ng bansa, pinutol na ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng MIMAROPA, Bicol at Visayas Region. Ang buong probinsya ng Romblon ay nakaranas ng total blackout matapos putulin ng power companies ang suplay ng kuryente dahil sa lakas ng hangin. Mula naman alas-onse kagabi ay wala naring kuryente sa mga isla ng Tablas at Sibuyan. Ayon sa Romblon Electric Cooperative, Inc. (ROMELCO) at […]

EVM Cup matagumpay na idinaos sa distrito ng Bulacan, Occidental at Oriental Mindoro

Patuloy na isinasagawa ng mga ministro at evangelical workers o mangagawa ng Iglesia Ni Cristo ang EVM Cup sa iba’t-ibang panig ng bansa. Sa pagkakataong ito, isinagawa naman ang EVM Cup sa Occidental Mindoro na dinaluhan ng mga taga distrito ng Oriental Mindoro. Sa Bulacan naman, isinagawa na ang finals ng nasabing sports event. (Agila Probinsya Correspondents Alejandro Javier, Leslie Lazo, Hariz Drio)

Iba’t-ibang aktibidad isinagawa ng kapisanang KADIWA sa iba’t-ibang dako

Nagsagawa ng Team building Workshop ang mga kabataang miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Zambales South at Cavite. Habang isang social gathering naman ang isinagawa sa Leyte. Ang nasabing social gathering ay tinawag na: “This is KADIWA”. Ang KADIWA o “Kabataang may Diwang Wagas” ay isang kapisanan sa loob ng Iglesia Ni Cristo kung saan ay binubuo ito ng mga kaanib na wala pang asawa mula edad 18 pataas. (Agila Probinsya Correspondents Ben […]