Matagumpay na naisagawa ang Minister’s Family Day sa distrito ng Zambales South sa isang resort sa Olongapo City. Masayang masaya ang bawat pamilya ng mga evangelical minister at evangelical workers Ng Iglesia Ni Cristo na dumalo sa okasyon. Nagkaroon ng iba’t ibang magagandang palaro na inihanda ng kapisanang pansambahayan sa pangunguna ni kapatid Na Joseph Ocon, ang Katiwala sa Kapisanang Pansambahayan ng distrito. Katulad ng Deal or No Deal, Pinoy Henyo, Minister’s Bluff, Compatibility Test […]
Provincial News
EVM Cup Minister’s edition sa Cagayan
Isinagawa ang EVM Cup sa lalawigan ng Cagayan. Kasama sa nasabing sports event ang lalawigan ng Abra at Ilocos Norte. Ginanap ito sa David’s Sports And Fitness Center sa Brgy. Barit, Laoag City. Kasamang dumalo sa nasabing event ang mga evangelical minister at evangelical workers ng Iglesia Ni Cristo sa mga nasabing probinsya. Kasama din nila ang kani-kanilang pamilya. Nagkaroon ng volley ball games na nilahukan ng mga kababaihan na dumalo at naging pinakatampok ng […]
Eco-farming Project ng Iglesia Ni Cristo
Opisyal ng ipinahayag ng kapatid na Glicerio B. Santos Jr., General Auditor ng Iglesia Ni Cristo ang proyekto na eco-farming sa Barangay Danlag, Tampakan, South Cotabato. Ayon sa General Auditor, bukod sa eco-farming ay magpapatayo rin ng tatlong libong bahay sa iba’t-ibang komunidad na sakop ng lupain ng tribong B’laan na mayroong 16,000 na ektarya. Bukod dito ay magtatayo rin ng clinic para sa agarang gamutan kung may nagkakasakit, ganoon na rin ang patubig o […]
Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Quezon, pinasinayaan
Pinasinayaan na ang bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Calauag, Quezon. Labis naman ang naging pasasalamat ng mga kaanib ng Iglesia sa Barangay Anahawan. Ang barangay chapel na ito ay maayroong 80 seating capacity. (Agila Probinsya Correspondent Paolo Koko Victorio)
Power interruption mararanasan sa Isabela at Zambales
Ilang oras na mawawalan ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Isabela at Zambales sa araw ng Biyernes, Disyembre 11. Sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines ang power interruption ay magsisimula ng alas-ocho ng umaga hanggang alas-singko ng hapon sa ilang bahagi ng Santiago City at Ramon sa Isabela. (Agila Probinsya Correspondent Lyn Cabrido)
Presyo ng gulay, tumaas
Hanggang ngayon, ramdam pa rin ang naging epekto ng pananalasa ng bagyong Lando. Sa Laguna tumaas ang presyo ng mga gulay dahil nagmahal rin umano ang pag-aangkat nito. (Agila Probinsya Arnel Aleroso)
Iba’t-ibang aktibidad sa pagpapatibay, isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang dako
Iba’t-ibang aktibidad ang isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang dako. Layunin ng mga nasabing aktibidad na lalo pang pagtibayin ang pagkakaisa ng bawat kaanib nito ganoon na rin ang gawain pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos. Pinangunahan ng mga District Minister ng Iglesia Ni Cristo ang isinagawang EVM Cup sa lalawigan ng Ormoc City, probinsya ng Leyte. Habang sa Cotabato naman ay nagsagawa rin ng Buklod Night ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo […]
Buklod Night 2015 sa Albay at Pangasinan
Nagsagawa ang isang social gathering ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo na kabilang sa kapisanang BUKLOD sa mga lalawigan ng Albay at Pangasinan. Ang kapisanang Buklod ay isa sa kapisanan sa loob ng Iglesia Ni Cristo na kinabibilangan ng mga may asawa. Layunin ng aktibidad na lalong pagbuklurin ang pagsasama ng mag-asawa hindi lamang ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo kundi maging sa mga umaanib pa lamang sa Iglesia. (Agila Probinsya Correspondent Glen […]
Pamamahagi ng English workbooks ng LGU-Iloilo, nagpapatuloy
Nagpapatuloy ang pamamahagi ng English workbooks lokal ng pamahalaan ng Ajuy sa pangungana ni Mayor Juan Alvarez at ng Sangguniang Bayan, sa pakikipagtulungan ng Synergeia Foundation sa presensya pa rin ni dating Board Member Jett Rojas sa ilalim ng proyekto ng JUANCHO o (Joint Undertakings for the Advancement thru Nurturing Children’s Hopes Opportunity) Program. (Agila Probinsya Correspondents Ramie Inventor, Andres Ocampo)
COMELEC-Bohol, nagsagawa ng on-site verification
Nagsagawa ng on-site verification ang Commission on Elections o COMELEC-Bohol para matukoy ang listahan ng mga botante at i-a-assign na polling precinct sa mga ito. Ayon Kay Malou Cempron, Election Assistant II ng provincial COMELEC Office, ang proyekto na precinct at on-site verification sa lalawigan ay upang matukoy kung ilan na mga botante ang pinyagang bumoto, mga kagamitan sa darating na halalan tulad ng precinct count optical scan (PCOS) machine at iba pang election paraphernalia […]
DTI, sinaksihan ang techinical test sa Montero Sport
Matapos dumagsa ang mga reklamo laban sa Montero Sport na madalas umanong masangkot sa mga aksidente. Nagsagawa ng technical test ang Mistubishi Motors Corporation sa kanilang Montero Sport units na sinaksihan naman ng mga imbestigador mula sa Department of Trade and Industry. (Agila Probinsya Correspondent Wilson Palima)
Higit 500 units ng pabahay, ipinamahagi sa mga biktima ng bagyong Yolanda
Limang daang units ng pabahay ang ipinamahagi ng lokal na pamahalaan ng Iloilo para sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda sa nasabing probinsya. Maliban dito, may mahigit isang libo pang mga pabahay ang ipinapatayo para sa Yolanda survivors. (Agila Probinsya Correspondent Ramie Inventor)