Provincial News

Bagong barangay chapels ng INC ipinagkaloob sa Gloria, Oriental Mindoro at Sumadel, Kalinga

Sa patuloy na pagpapatayo ng Iglesia Ni Cristo ng barangay chapels sa iba’t-ibang lugar sa ating bansa, pinasinayaan na ang bagong barangay chapel sa Brgy. Banutan, bayan ng Gloria, Oriental Mindoro. Samantala, isang barangay chapel din ang sinimulan itayo sa Brgy. Sumadel, Kalinga. Ang Sumadel ang isa sa pinakamalayong lokal ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Kalinga at bukod tanging hindi pa nararating ng sasakyan. Kaya naman labis ang kanilang naging pasasalamat dahil natupad […]

Anim na barangay chapel, pinasinayaan sa Misamis Oriental

Bagamat kilala ang Iglesia Ni Cristo sa naglalakihan nitong mga gusaling sambahan sa buong Pilipinas. Sunod-sunod ang pagpapatayo ng mga barangay chapel upang matugunan ang mga pangangailangang espiritwal ng mga kaanib at maging ng mga aanib pa lamang sa loob ng Iglesia. Kaugnay nito ay anim na barangay chapel ang pinasinayaan sa Misamis Oriental. Ang mga barangay chapels na ito ay tinawag na lokal ng CP Garcia at Talsao sa bayan ng Libertad, Dahilayan at […]

Iba’t-ibang social gatherings isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang dako

Iba’t-ibang social gatherings ang isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas. Sa lalawigan ng Capiz ay isinagawa ng Iglesia Ni Cristo ang “Welcome Kapatid Ko,” kung saan ay pangunahin bisita sa nasabing aktibidad ang mga nasa proseso na ng pag-anib sa loob ng Iglesia ganoon na rin ang mga bagong kaanib pa lamang. Sa Pangasinan East naman ay isinagawa ang isang aktibidad na para sa mga Kabaataang may Diwang […]

Power interruption sa ilang lugar sa Pangasinan

Mahigit limang oras na mawawalan ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Pangasinan sa Sabado, Disyembre 5. Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines, sa mga bayan ng Sual, Alaminos, Mabini, Burgos, Dasol, Infanta, Agno, Bani, Anda at Bolinao ay mawawalan ng suplay ng kuryente mula als-siyete ng umaga hanggang alas-dose-y-medya ng tanghali. Ito ay para sa gagawing pagsasaayos ng ilang linya ng Panelco 1. Sa Sabado rin, magkakaroon ng power interruption […]

Bagong barangay chapels ng Iglesia Ni Cristo sa Abra at Antique pinasinayaan

Pinasinayaan na ang bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Barangay Isidro, Lagangilang, Abra. Ang nasabing dako ay tinawag na lokal ng Bio. Ang nasabing pagpapasinaya ay pinangunahan ni Kapatid na Marvin Querrubin, Iglesia Ni Cristo District Minister ng Abra. Ang lokal ng Bio ay pangalawa sa naipatayong barangay chapel sa taong 2015 sa lalawigan ng Abra. Sa kasalukuyan ay mayroon ding bagong ipinatatayong kapilya sa bayan ng San Miguel, Bucay. Bukod pa dito […]

Iglesia Ni Cristo SCAN members in Cebu help protect environment

To help in caring for the environment, the Iglesia Ni Cristo (INC) in Lapu-Lapu City, Cebu held a tree-planting activity on November 28, 2015. Members of the Society of Communicators and Networkers (SCAN) International led other INC brethren in planting 1500 mangrove seedlings at Barangay Kalawisan Mangrove Protective Area at Lapu-Lapu City. “We thank the SCAN organization in planting the seedlings. It’s a great help to us, fishermen,” said Leopoldo Berame, president of Nagkahiusang Mananagat […]

Mga miyembro ng INC sa Bohol, ipinagdiwang ang ika-60th anniversary ng pagkakatatag bilang distrito

Masayang ipinagdiwang ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Bohol ang kanilang ika-anim na pung anibersaryo ng pagkakatatag sa kanilang distrito. Bilang bahagi ng aktibidad ay nagkaroon ng iba’t-ibang musical presentation na syang naging highlight sa nasabing okasyon na nagbigay kasiyahan sa bawat isa. (Agila Probinsya Correspondent Eileen Rosales)

Fun Run Exercise ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo, isinagawa sa Davao

Masayang isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang Fun Run Exercise na nagsimula sa JP Cabaguio Street at nagtapos naman sa Victoria Plaza, Davao City. Ang nasabing Fun Run Exercise ay nilahukan ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo na mula pa sa iba’t-ibang lokal ng distrito ng Davao West. Layunin ng nasabing aktibidad na lalong patatagin ang samahan ng bawat isa, mapasigla ang kanilang mga kalusugan na siyang makatutulong sa kasiglahan ng […]

Tatlong barangay chapels ng Iglesia Ni Cristo, pinasinayaan na

Tatlong bagong barangay chapels ang naipatayo ng Iglesia Ni Cristo sa mga lalawigan ng La Union, Nueva Ecija at Palawan. Labis naman ang naging pasasalamat ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa pagkakaloob sa kanila ng mga bagong bahay sambahan na kanilang magagamit sa kanilang mga pagsamba. Lubos din ang kanilang pagpapasalamat sa Panginoong Diyos at maging sa Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo na si Kapatid na Eduardo V. Manalo. (Agila Probinsya Correspondents […]

Kinaugaliang bayanihan, buhay na buhay pa rin sa Pangasinan

Ipinakita ng mga residente sa Barangay Sto. Niño, Sto. Tomas, Pangasinan na buhay na buhay pa rin ang kaugalian ng mga Filipino sa pagbabayanihan. Nagtulong-tulong ang mga residente na isaayos ang mga nasirang bahay ng kanilang mga kapit-bahay na nasalanta ng bagyong “Lando.” (Agila Probinsya Correspondents Raff Marquez, Peterson Manzano)

Mahigit 800 miyembro ng SCAN International-Bulacan Chapter, sumailalim sa pagsusulit ng NTC

Upang masigurong lahat ng kanilang miyembro ay lisensyadong gumamit ng two-way radio na kanilang ginagamit sa pagtupad ng kanilang tungkulin, sumailalim sa pagsusulit ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mahigit walang daang miyembro ng Society Communicators and Networks o SCAN International sa Bulacan. (Agila Probinsya Correspondent Paolo Koko Victorio)