Matagumpay na naisagawa ang EVM Cup na nilahukan ng mga ministro na nanggaling sa distrito ng Zambales North, Zambales South at Bataan. Isinagawa ang elimination sa Orani, Bataan kung saan nagharap ang players ng Bataan at ang pinagsamang players ng Zambales North at South. Nagpakitang gilas naman ang mga ito ng husay sa paglalaro ng basketball. Walang sinayang na oras ang mga manlalaro kaya naging mahigpit ang labanan , todo suporta naman ang mga nanunod […]
Provincial News
Higit 200 katao, nakiisa sa Blood Donation Activity ng Iglesia Ni Cristo
Mahigit dalawang daang katao ang nakiisa at nagdonate ng dugo sa isinagawang blood donation ng Iglesia Ni Cristo sa Nueva Vizcaya sa pangunguna ni Kapatid na Willie A. Suratos Sr., Ministro ng Ebanghelyo sa Barangay Gymnasium sa San Nicolas, Bayombong, Nueva Vizcaya. Nagpasalamat naman ng marami ang mga nasa Department of Health sa patuloy na pagkakawang-gawa ng Iglesia Ni Cristo at sa namamalaging pagtulong sa pagsagip ng buhay ng mga mamamayan. (Agila Probinsya Correspondent Paolo […]
“Welcome Kapatid Ko”, isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Iloilo at Antique
Isang social gathering ang ginawa pa sa mga nagnanais na umanib at nagsusuri sa mga aral ng Iglesia Ni Cristo sa mga lalawigan ng Antique at Iloilo. Ang aktibidad na ito ay tinawag na “Welcome Kapatid Ko”, kung saan pangunahin o prioridad ng aktibidad na ito ang mga nagnanais na umanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga nagsusuri sa loob ng Iglesia. Kung saan ay nagtapos ito sa […]
Brgy. Kagawad, patay sa pamamaril sa Caloocan
Patay ang ina ni Angela Yap na kilala sa tawag na “pastillas girl” matapos na barilin kagabi sa Caloocan City.
Bagong Kapilya ng Iglesia Ni Cristo sa Isabela, pinasinayaan na
Patuloy ang pagdami ng mga bagong kapilya na pinapasinayaan ng Iglesia Ni Cristo. Sa Barangay Capellan sa Ilagan City, Isabela, pinasinayaan ang bagong gusaling sambahan na tinatayang nasa 500 seating capacity.
Medical Mission dinayo sa Biñan,Laguna
Dinayo ang ginawang medical and eye check up na isinagawa sa Biñan, Laguna. Sa nasabing Medical Mission ay nagkaroon rin ng lecture kaugnay sa iba’t ibang uri ng sakit gaya ng TB, Diabetes, High Blood at iba pa.
SCAN Int’l Quirino chapter nagsampa ng libelo kay Menorca at Yuson
Nadagdagan pa ang mga kasong nakasampa sa piskalya laban kina Lowell Menorca II at Eliodoro “Joy” Yuson. Ito ay matapos na magsampa ng kasong libelo ang SCAN International – Quirino chapter laban sa dalawa dahil sa kanilang mga mapanirang pahayag laban sa grupo.
National Children’s Month, ipinagdiwang din sa Calapan City
Kapwa nakiisa ang bayan ng Calapan City, Oriental Mindoro at Roxas City sa Capiz sa pagdiriwang ng National Children’s Month. Layunin ng aktibidad na ito na makatulong para sa kapakanan ng mga kabataan.
Bagong Barangay Chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Pambujan, Samar, pinasinayaan na
Pinasinayaan na ang bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa bayan ng Pambujan, lalawigan ng Samar. Ang pagpapasinaya ay pinanguhanan ng Tagapangasiwa ng Distrito ng Northern Samar na si Kapatid na Erman Bendicio. (Agila Probinsya Arnel Bello, Lyn Cabrido)
SCAN International ng Capiz at Laguna Chapter, nagsampa ng kasong libelo laban kay Menorca II
Naghain na rin ng kasong libelo ang SCAN International Capiz Chapter sa itiniwalag na miyembro ng Iglesia Ni Cristo na si Lowell Menorca II. Bukod dito, nagsampa na rin ng kaso ang mga miyembro ng SCAN Internationa sa lalawigan ng Sta. Cruz, Laguna laban kina Lowell Menorca at Eliodoro “Joy” Yuson. Kaugnay ito ng malisyosong pahayag ni Menorca at Yuson patungkol sa mga miyembro ng SCAN International. (Agila Probinsya Glenn Bautista, Ben Salazar, Nathaniel Flores)
Unity Walk ng Iglesia Ni Cristo, isinagawa sa Bohol
Nagsagawa ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ng Unity Walk sa lalawigan ng Bohol. Kaugnay ito ng paghahanda sa selebrasyon ng pagsapit ng Distrito Eklesiastiko ng Bohol sa ika-60 anibersaryo nito sa pagkakatatag bilang isang distrito. Layunin din ng aktibidad na ito na ipakita ang pagkakaisa at pakikiisa sa pamamahala ng Iglesia Ni Cristo na si Kapatid na Eduardo V. MAnalo. (Agila Probisnya Matt Villegas)
SCAN International-Capiz Chapter, kumuha ng examination sa NTC
Sumailalim sa special amateur exam ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga miyembro ng SCAN International sa lalawigan ng Capiz. Layunin ng nasabing pagsusulit na magkaroon ng lisensya ang nasabing grupo sa paggamit ng two-way radio at upang lalong makatulong sa kapwa sa pamamagitan ng mga sosyo-sibikong gawain. (Agila Probinsya Nathaniel Flores)