Isang seminar training ukol sa tamang hakbang at pag-responde sa panahon ng emergency ang isinagawa ng mga miyembro ng SCAN International sa lalawigan ng Pangasinan. Layunin ng nasabing aktibidad na makapagbigay ng karagdagang kaalaman t makatulong sa mga kababayan na nalalagay sa hindi inaasahang pangyayari gaya ng kalamidad at aksidente. Umaasa ang kapisanan ng SCAN International na ang naibahagi nilang seminar ay mas lalo pang makapagbibigay ng lalong kaalaman para makatulong sa ating mga kababayan. […]
Provincial News
Iglesia Ni Cristo sa Bukidnon, nagsagawa ng blood donation drive at libreng check up
Nagsagawa ng blood donation drive at libreng check-up ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo kasama ang Philippine National Red Cross sa Valencia City, Bukidnon. Layunin ng nasabing aktibidad na makatulong sa mga kababayan natin na nangangailangan ng dugo, kaanib man o hindi kaanib sa Iglesia Ni Cristo. (Agila Probinsya Judith Llamera, Ken Fadallan)
Higanteng bato, bumagsak sa Camp 7 Kennon Road
Ilang tipak ng bato at isang malaking boulder ang bumagsak sa Camp 7 ng Kennon Road sa Baguio City. Ayon sa Department of Public Works and Higways (DPWH) ang boulder na kasing laki ng dalawang palapag na bahay ay humarang sa isa sa dalawang linya ng Kennon Road. (Agila Probinsya Freddie Rulloda)
Bagong gusaling sambahan at barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo, pinasinayaan
Isang bagong Barangay Chapel ang pinasinayaan sa lalawigan ng Laguna at isa ring gusaling bahay-sambahan naman ang itinayo ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Bool, Leyte. (Eagle News Service Editing by MRFB) Bagong Barangay Chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Magdalena, Laguna, pinasinayaan Pinasinayaan ang bagong Barangay Chapel na matatagpuan sa bayan ng Magdalena, lalawigan ng Laguna. Ang pagpapasinaya ay pinangunahan ng tagapangasiwa ng Distrito, si Kapatid na Arnel Nacua. Maaga pa lamang ay […]
Turnover ng pabahay para sa mga biktima ng bagyong Yolanda, pinangunahan ng LGU Capiz
Pormal ng nag-turn over ng mga housing units ang LGU-Capiz para sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Malaking tulong umano ito sa mga Capiznon upang makapagsimulang muli at makapanirahan sa isang maayos na tahanan. (Agila Probinsya Correspondent Nathaniel Flores)
Iglesia Ni Cristo, nagsagawa ng Dental Mission at Blood Donation sa Bataan at Palawan
Sa layuning makatulong sa kapwa, nagsagawa ang Iglesia Ni Cristo ng dental mission at blood donatiuon sa lalawigan ng Bataan at Palawan kung saan maraming mga kababayan natin ang natulungan ng mga nasabing aktibidad. (Agila Probinsya Correspondent Judith Llamera, Eagle News Service Editing by MRFB) Mga Miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Abucay, Bataan, nagsagawa ng Dental Mission Nagsagawa ng isang dental mission ang Iglesia Ni Cristo sa Bonifacio Camacho School, Covered Court sa lalawigan […]
Family Fun Day ng Iglesia Ni Cristo, isinagawa sa Bongabon, Nueva Ecija
Nagsagawa ng Family Fun Day ang hanay ng mga ministro at mangagawa o evangelical workers ng Iglesia Ni Cristo kasama ang kani-kanilang pamilya sa Barangay Tulay na Bato Covered Court, Bongabon, Nueva Ecija. Katuwang sa nasabing aktibidad ang mga miyembro ng Society Communicators and Networks o kilala sa tawag na SCAN International. (Agila Probinsya Correspondent Eman Celestino)
Unity Games sa Aklan, matagumpay
Isa sa maraming aktibidad pangkasiglahan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang larong pampalakasan. Nagdudulot din ito ng lalong ikatatatag ng pagkakaisa at kapatiran sa hanay ng mga miyembro ng INC. Kaya naman sa lalawigan ng Aklan, nagsagawa sila ng Unity Games 2015. Bahagi rin ito ng pagdiriwang at paggunita sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag bilang isang distrito ng Iglesia Ni Cristo ang Aklan. (Agila Probinsya Correspondent Alan Gementiza
PHIVOLCS, nakamonitor sa Mt. Kanlaon matapos magbuga ng abo
Patuloy ang pagmomonitor ng Philippine Institute Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Kanlaon Volcano na matatagpuan sa Canlaon City, Negros Oriental matapos itong magbuga ng abo kagabi, Nobyembre 23. Ayon sa PHIVOLCS nagsimulang magkaroon ng minor ash eruption ang bulkan bandang mag aalas-diyes ng gabi at sunod-sunod pa itong nagbuga na tumagal ng halos sampung minuto dahilan rin upang itaas ng PHIVOLCS sa alert level 1 ang nasabing bulkan. (Eagle News Service Described by MRFB, Video […]
Bagong gusaling sambahan ng Iglesia Ni Cristo, pinasinayaan sa San Mateo, Norzagaray, Bulacan
Isang bagong gusaling sambahan ang pinasinayaan ng Iglesia Ni Cristo sa lokal ng San Mateo, Bulacan. Ang pagpapasinaya sa bagong gusaling sambahan ay pinangunahan ni Kapatid na Bienvinido Santiago, General Evangelist ng Iglesia Ni Cristo. (Agila Probinsya Correspondent Alejandro Javier)
NBI clearance, bagong requirement sa pagkuha ay renewal ng lisensya sa LTO
Ang Department of Transportation and Communication at ang Land Transportation Office ay nagkaroon ng bagong proseso sa pagkuha at pag renew ng driver’s license. Ipinatutpad na ang pagkuha ng NBI clearance upang matiyak na walang anomang kaso ang sinomang magrerenew ng lisensya at upang maiwasan din na makapagrenew ng driver’s license ang mga gumagawa ng kriminalidad sa lipunan. (Agila Probinsya Correspondent Larry Biscocho)
Kasong libelo laban kay Menorca II, patuloy na nadaragdagan
Patuloy pang dumarami ang nagsasampa ng kasong libelo laban sa itiniwalag na miyembro ng Iglesia Ni Cristo na si Lowel Menorca II. Sa pagkakataong ito naghain ng kasong libelo ang Society of Communicators and Networks o mas kilala sa tawag na SCAN International-Zambales North Chapter at Oriental Mindoro Chapter. (Agila Probinsya Correspondent Ben Salazar)