Provincial News

Philippine Pali sa Benguet, dinagsa ng mga turista

Dinagsa ng mga bakasyunista ang kilalang Philippine Pali o ang Highest Point ng Philippine Highway System na nasa Atok, lalawigan ng Benguet. Ito ay may sukat na 7,400 feet above sea level along National Highway ng Cattubo, Buguias, Benguet. (Agila Probinsya Correspondent Erwin Dello)

Mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Kalinga at Palawan, nagsagawa ng Blood Donation Activity

Muling nagsagawa ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ng Blood Donation Activities sa mga lalawigan ng Kalinga at Palawan. Ito ay aktibong nilahukan ng mga karatig na lokal ng Kalinga at Palawan. Layunin ng nasabing aktibidad na maipakita ang kanilang pagmamahal sa kanilang kapwa miyembro man o hindi kaanib sa Iglesia. (Agila Probinsya Correspondent Sunny Liste, Allan Dave Loprez)

Libel VS Menorca at Yuson, isinampa ng Iglesia Ni Cristo sa Zambales

Nagsampa na rin ang Society of Communicators and Networks International o kilala sa tawag na SCAN International – Zambales Chapter, South District ng kasong libelo laban kay Lowell Menorca II. Ito ay kaugnay ng kanyang paratang na ang nasabing grupo ay “hit squad” ng Iglesia Ni Cristo. Samantala, sa kaugnay na balita ay isa pang ministro ng Iglesia Ni Cristo ang nagsampa ng kasong libelo laban kay Eliodoro Yuson. Ayon sa ministro ng Iglesia Ni […]

GSIS-Capiz, nagsagawa ng Pre-retirement Counselling

Isinagawa ng GSIS-Capiz ang pre-retirement counselling para sa mga empleyado ng Roxas City Hall. Ang pre-retirement counselling na ito ay dinaluhan ng mga “retirable employees” ng siyudad na nasa compulsory retirement stage, na nasa 65 years old at maging ng mga nasa optional retirement stage na ang edad 60-64 years old. (Agila Probinsya Correspondent Nathaniel Flores)

Symposium ukol sa Road Safety Tips, isinagawa sa Malinao, Aklan

Nagsagawa ng isang symposium na magbibigay kaalaman at kasanayan ukol sa road safety tips ang Philippine National Police o PNP-Malinao sa Aklan. Namahagi rin ng mga leaflet ang awtoridad upang mas mapag-aralan pa ng mga residente ang mga batas na may kinalaman sa anti-violence against women and their children act at anti-trafficking in persons act. (Agila Probinsya Correspondent Alan Gementiza)