Provincial News

Rey Mercaral 1971-2015

Noong Linggo , pumanaw ang mamamahayag at executive producer ng Agila Probinsya morning edition na si Reynaldo Mercaral o mas kilala sa pangalang Rey o ‘Kuya Muymuy’ dahil sa sakit sa puso. Si Kuya Rey Mercaral ang isa sa nasa likod ng pagbuo ng programang Agila Probinsiya na nagpasimulang umere noong March 23, 2014. Nagsimula rin siya bilang desk/reporter sa programa ng Net25 na Mata ng Agila at nitong huli ay executive producer ng Agila […]

Philippine Army namahagi ng Hygiene Kit sa Zamboanga

Para naman mas mapalapit sa mga residente, isang gift giving activity ang isinagawa ng 1st Cavalry Squadron Mechanized Infantry Division ng Philippine Army. Namigay sila ng hygiene kit sa mga kabataan at tinuruan ang mga bata ng ilang mga paraan para mapanatili ang kanilang kalinisan at magandang kalusugan. Ayon kay Lt.Col. Charlemagne Batayola, umaabot na ng halos 900 mga bata ang kanilang nabigyan ng hygiene kit. (Agila Probinsya Correspondent Bien Dacir)

School-based Feeding Program ng DepEd isinagawa sa Sta. Ana, Cagayan

Para mabawasan ang porsiyento ng mga batang malnourished, nagsagawa ng school-based feeding program ang Department of Education sa labing-siyam na paaralan sa Cagayan. Layunin ng programang ito na mabigyan ng masusustansiyang pagkain ang mga batang mag-aaral na kulang sa nutrisyon o malnourished bunga ng kahirapan ng buhay. (Agila Probinsya Correspondent Johnny Ezra)

Linaw Tingin Program, inilunsad sa Tarlac

Mahigit walumpung libong Tarlakenyo ang nakiisa sa “Linaw Tingin Program” o Visual eye screening. Layunin nitong mapangalagaan at mapanatili ang malinaw na paningin mula pa lamang sa isang bagong silang na sanggol. (Agila Probinsya Correspondent Aser Bulanadi)

COB-DRRM Project, isinagawa sa Bataan

Isang community based Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Community training ang isinagawa sa isang barangay sa balanga, Bataan. Layunin nitong maturuan ang mga residente ng mga hindi at dapat gawin bago, habang at matapos ang isang kalamidad. (Agila Probinsya Correspondent Josie Martinez)