Provincial News

Relief operation, nagpapatuloy pa rin sa Nueva Ecija

Tuloy pa rin ang relief operation ng lokal ng pamahalaan katuwang ang mga pulis ng Caranggalan, Nueva Ecija sa kanilang mga kababayang naapektuhan ng manalasa ang bagyong “Lando” sa probinsya nito lamang nakaraang buwan. Nagpasalamat naman ang mga napagkalooban ng relief packs dahil malaking tulong anila ito upang mabawasan ang nararanasan nilang kahirapan. (Agila Probinsya Correspondents Joey Sevilla, Emil Baltazar)

Pagbangon ng ‘Yolanda’ victims

Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang manalasa ang bagyong “Yolanda” sa Eastern Visayas. Marami pa ring mga Yolanda survivor ang nananatili sa temporary shelters o mga bunkhouse sa Tacloban City, Leyte. Ito ay dahil sa mabagal na konstruksyon umano ng mga permanenteng bahay na ipagkakaloob sa mga residenteng nawalan ng tirahan dahil sa Yolanda. (Agila Probinsya Correspondent Madelyn Villar)

Blood Donation Activity, isinagawa sa Pampanga

Nagsagawa ng blood donation drive ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa San Fernando, Pampanga. Karamihan sa mga nakipagkaisa ay ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo. Ilalaan ang malilikom na dugo sa nasabing blood donation para sa lahat ng kanilang mga kababayan na mangangailangan kaanib man sa Iglesia Ni Cristo o hindi. (Agila Probinsya Correpondent Ener Ocampo)

DepEd, magtatayo ng temporary learning shelters sa Aurora

Upang hindi maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante sa lalawigan ng Aurora kung saan maraming eskwelahan ang napinsala ng pananalasa ng bagyong “Lando”, magtatayo ang Department of Education ng temporary learning shelters sa mga pampublikong paaralan sa probinsya upang pansamantalang gamitin ng mga mag-aaral habang hinihintay ang pondo ng pagpaparepair sa mga eskuwelahan. (Agila Probinsya Correspondent Narciso Milar)

Kasong libelo laban kay Menorca , lalong nadaragdagan

Patuloy na nadaragdagan ang mga kasong isinasampa laban kay Lowell Menorca II, nitong nakaarang weekend ay nagsampa na din ang SCAN International-Cebu Chapter, Bohol Chapter , Catanduanes Chapter at Misamis Oriental Chapter. Kapwa nagsampa ng kasong libelo ang mga ito laban kay Menorca dahil sa panininrang puring ginawa nito patungkol sa SCAN International. Matatandaang noong Oktubre28 ay tinawag ni Menorca na isang private army, death squad at hit squad ang nasabing grupo. Kung saan taliwas […]

Coastal Clean-Up Drive sa Dagupan City

Nagsagawa ng coastal clean-up drive ang Naval Reserve Center-Northern Luzon na bahagi ng kanilang pre- founding anniversary. Kaugnay nito, marami pa ang kanilang nilatag na aktibidad bilang bahagi ng kanilang community service. (Agila Probinsya Correspondent Glen Tiempo)

Religious activities at livelihood training para sa mga inmates ng Tarlac Provincial Jail

Sa hangaring matulungan na makapagbagong-buhay  ang mga inmates sa sandaling sila ay makalaya, sinisikap ng mga pamunuan ng Tarlac Provincial Jail (TPJ) na maging abala sila sa pamamagitan ng  iba’t ibang aktibidad. Sa pangunguna ni Police Supt. Pascual Delos Reyes, warden ng piitan ay nagsagawa sila ng religious activity at livelihood program. Ang religous activity ay pinangunahan ng Iglesia Ni Cristo kung saan nag imbinta sila ng ministro ng Iglesia upang makapagturo sa loob ng […]

SCAN-Nueva Vizcaya, Isabela Chapter nagsampa rin ng kasong libelo laban kay Lowell Menorca

Nag-file rin kahapon, Nobyembre 5 ang SCAN International – Nueva Vizcaya at Isabela chapters ng kasong libel laban kay Lowell Menorca II sa Nueva Viscaya, pinagunahan ni Jonatahan Tamondong, SCAN President ang pagsasampa ng reklamo sa Office of the Provincial prosecutors Department of Justice sa provincial Capitol, Bayombong, Nueva Vizcaya. Sa Isabela naman, pinangunahan ni Dimasalang Valenzuela ang pagsasampa ng reklamo. Iisa ang dahilan nila sa pagsasampa ng kasong libelo. Matatandang tinawag ni Menorca ang […]

Digos City Chapter ng SCAN International nagsampa ng kasong libelo laban kay Lowell Menorca II

Sinampahan na rin ng Society of Communicators and Networkers o SCAN International sa Davao Del Sur Chapter ng kasong libelo si Lowell Menorca II dating manggagawa ng Iglesia Ni Cristo. Kahapon ng umaga, nagtungo ang mga miyembro ng SCAN sa Department of Justice ng Prosecutor Office ng Digos City kung saan isinampa ang kaso laban kay Menorca. Nakasaad sa apat na pahinang sinumpaang salaysay ni Arnel Israel, Vice President ng SCAN Digos Davao Del Sur […]