Provincial News

SCAN-Palawan North, Camarines Sur, Cagayan Chapter nagsampa ng kasong libelo laban kay Menorca

Naghain na rin ng kasong libelo laban kay Lowell Menorca II ang SCAN International ng Palawan North, Camarines Sur at Cagayan district kaugnay ng paninirang puri na ginawa ni Menorca sa kanyang ginawang pahayag sa isang TV Station noong Oktubre 28, kung saan sinabi nito na ang SCAN International ay isang private army at death squad umano ng Iglesia Ni Cristo. Ayon sa mga naghain ng reklamo ang naging pahayag ni Menorca ay isang paninirang […]

SCAN INT’L members Nueva Ecija Chapter , nagsampa rin ng kasong libelo vs Menorca

Nagsampa rin ng kasong libelo ang mga miyembro ng SCAN International -Nueva Ecija Chapter laban kay Lowell Menorca II. Ayon sa grupo, ang mga mapanirang akusasyon ni Menorca ay naglalayon lamang na ipahiya ang kanilang organisasyon at siraan ito sa madla. Taliwas aniya ito sa tunay na layunin ng pagkakatatag sa kanilang grupo at sa kanilang isinasagawang serbisyo publiko hindi lamang para sa kapakanan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo kundi para sa lahat […]

SCAN International-Sorsogon Chapter, nagsampa ng kasong libelo laban kay Menorca

Nagsampa ang  Society of Communicators and Networkers International  (SCAN INT’L) Sorsogon district ng kasong libel laban kay Lowell Menorca II dahil sa mga sinabi nito sa isang news program noong Oktubre 28, 2015 kung saan tinawag ni Menorca na private army at  death squad ang nasabing grupo. Matatandaang bago makulong sa Dasmariñas Cavite ay nagmula muna si Menorca sa lalawigan ng Sorsogon. Sa pangunguna ng Sorsogon Chapter,  SCAN President Gerardo Espadero humarap siya kay Fiscal […]

Yolanda survivors umapila sa gobyerno na bilisan ang pagtatayo ng permanenteng bahay

Muling umapila ang mga Yolanda survivor sa gobyerno na bilisan ang pagpapatayo ng mga permanenteng pabahay para sa kanila. Kasabay nito, pinasinungalingan ni Marissa Cabaljao, Secretary-General ng grupong People surge ang mga pahayag ni Social Welfare Secretary Dinky Soliman na hindi na magkakaroon ng bunkhouses sa Tacloban City, Leyte noong katapusan ng Oktubre ngayong taon.

Mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Isabela nagsagawa ng Blood Donation Activity

Mula sa iba’t-ibang bayan ng Western Isabela dumagsa ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo upang lumahok sa isinagawang Blood Donation Activity sa Roxas Astrodome. Ang isinagawang blood donation ay bilang pagtugon sa panawagan ng pamahalaan na makatulong sa mga mamayang pilipino sa panahon ng pangangailangan ng dugo kaanib man o hindi kaanib sa Iglesia Ni Cristo. (Agila Probinsya Correspondent Benjie V. Bautista)

Libreng corn seeds ipinamahagi sa Isabela

Namahagi ang lokal ng pamahalaan ng lungsod ng Iligan sa lalawigan ng Isabela ng libreng corn seeds para sa mga registered farmers ng naturang lungsod. Isinagawa ang pamamahagi sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Agricultures sa pangunguna ni Ginang Conchita Fernandez, City Agriculture Officer at Si Ginoong Ricky Laggui GSO Officer sa atas na rin ng alkalde ng lungsod. (Agila Probinsya Correspondent Lyn Cabrido)

Children’s Month celebration, isinagawa

Naging tema naman ng pagdiriwang ng Children’s Month sa Narra, Palawan ang panawagang wakasan na ang pang-aabuso sa mga bata. Nagkaroon rin ng parada ang mga daycare students sa mahigit anim na pung daycare center sa nasabing bayan. (Agila Probinsya Correspondent Bong Margarejo)

Buong staff ng isang kumpanya, nanood ng “Felix Manalo” movie

Hindi pinalampas ng staff at mga empleyado ng Soliman E. C. Septic Tank and Disposal na panoorin ang “Felix Manalo” movie. Pinangunahan ito ni Ginoong Dennis Soliman. Ayon sa kaniya inilaan nila ang oras na ito upang mapanood ang pelikula.  Isinama din niya ang kaniyang pamilya, mga kamag-anak, kakilala at kaibigan. Batay din sa kaniya pinaghandaan nila ito, bumili ng 650 tickets, at umarkila ng mga masasakyan. Dahil sa kanilang kagalakan, bumati sila bilang pagsuporta sa tagumpay […]