Provincial News

National Corn Congress, isinagawa

Isinagawa ang ika-11th Philippine National Corn Congress sa Fontana Leisure & Parks Convention Center, Clark, Pampanga, noong Oktubre 21, 2015. Ang pagtitipon ay may temang “Moving toward Enhancing Competiveness” at “Philippine Corn towards ASEAN Integration.

Relief operations sa mga biktima ng bagyong Lando sa Nueva Ecija nagpapatuloy

Nakinabang ang 15,000 kabahayan mula sa 37 barangay ng Science City of Munoz, Nueva Ecija mula sa ipinamahaging relief goods ng tanggapan ng lokal na pamahalaan. Tuloy-tuloy naman ang relief operations sa probinsya sa bayan ng Muñoz may libreng pa-charge naman ng mga cellphone hangga’t hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente. Habang sa bayan naman ng San Jose ay naibalik na ang power supply.

Mga taga Metro Cebu pinag-iingat sa epekto ng haze

Pinayuhan ng Department of Environment and Natural Resources  (DENR) ang mga taga-metro Cebu na magsuot ng protective gear laban sa haze na mula sa Indonesia. Ayon kay Environmental Management Bureau-Central Visayas Regional Director Engineer William Cuñado, ang makapal na usok na nakakaapekto ngayon sa Metro Cebu ay makakaapekto sa mga may sakit sa puso o iba pang respiratory problems gaya ng hika. Payo ni Cuñado, kung lalabas ay gumamit ng eye goggles, dust mask respirators, […]

Blood donation ng PNP Cabuyao, isinagawa

Nagsagawa ng blood donation ang kapulisan sa Philippine National Police (PNP)-office 1st district of Laguna sa pakikipagtulungan ng Cabuyao City Police Station at ng Philippine Red Cross Volunteer-Laguna na isinagawa sa San Isidro Elementary School Covered Court. Layunin nito ang paikipagtulungan sa “Isang Dugo , Isang Buhay” at sagip dugtong buhay project na isinasagawa proyekto ng Philippine Red Cross-Laguna chapter.

“Isang Gunting , Isang Suklay” project

Para naman matulungan ang mga taga-Cainta Rizal na walang trabaho, isang libreng seminar sa paggupit at pagkulot ang isinagawa sa nasabing bayan. Ang aktibidad ay bahagi ng “Isang Gunting , Isang Suklay” project ng lokal na pamahalaan ng Cainta.

Medical Mission isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Sta Cruz, Laguna

Isang Medical Mission ang isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Sta. Cruz Laguna kung saan ay nagsagawa ng libreng dental services, namigay ng libreng gamot at Blood Donation campaign. Layunin ng aktibidad na ito na lubos na makatulong sa mga mamamayan na nangangailangan ng dugo, mga nais makpagpabunot ng ngipin at makakuha ng libreng gamot ang mga mamamayan. Laking pasasalamat naman ng mga residenteng nabigyan ng lingap ng Iglesia Ni Cristo sa […]

“Felix Manalo” dinagsa sa iba’t-ibang dako ng sinehan

Patuloy na dinadagsa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang pelikulang “Felix Manalo” sa iba’t-ibang sinehan sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna at La Union. Sa kabila ng masungit na panahon ay talaga naman sumugod hindi lamang ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo maging ng mga hindi pa kaanib sa mga sinehan ng nabanggit na mga lugar upang mapanood ang pelikulang talaga namang pinaka inabangan ng lahat. Sa kasalukuyan ay nasa ikatlong linggo […]

Iglesia Ni Cristo, nagsagawa ng Lingap sa Mamamayan sa Pampanga

Nagsagawa ng Lingap sa Mamamayan ang Iglesia Ni Cristo sa Pampanga para sa mga naging biktima ng bagyong “Lando”. Layunin ng aktibidad na ito na matulungan hindi lamang ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa panahon ng mga kalamidad gayun na din upang matulungan ang mga hindi pa nila kapananampalataya. (Agila Probisnya Correspondent Judith Llamera, Description by MRFB)