Isinasailalim sa basic rescue training ang iba’t-ibang sangay ng lokal ng pamahalaan ng Gumaca, Quezon. Ito ay para sa mas mabilis at epektibong pagtugon sa panahon ng emergency o mga aksidente. (Agila Probinsya Correspondent Allan Alinio)
Provincial News
Motherhood Caravan, isinagawa sa Cavite
Isang Safe Motherhood Caravan ang isinagawa sa Dasmariñas, Cavite. Kabilang sa nasabing aktibidad ay ang pagtalakay sa Family Planning. Namahagi rin ng mga libreng vitamins at libreng massage at haircut. (Agila Probinsya Correspondent Avril Diña)
Kahandaan ng DA-Region 1 sa El Niño
Tiniyak ng Department of Agriculture sa Region 1 ang kanilang kahandaan sa epekto ng El Niño phenomenon. May mga nakalatag na rin umano silang hakbang para masigurong hindi gaanong maaapektuhan ng El Niño ang sektor ng agrikultura.
Pito patay sa tumaob na MB Tawash sa Iloilo
Pito ang patay matapos tumaob ang isang motorbanca sa karagatang sakop ng Iloilo. Dalawa naman ang naiulat na nawawala. (Agila Probinsya Correspondent Ian Rose)
Iba’t-ibang aktibidad, isinagawa bilang pakikiisa sa Global Handwashing Day
Nagsagawa ng iba’t-ibang aktibidad ang lalawigan ng Bantayan, Cebu bilang pakikiisa sa Global Handwashing Day. (Agila Probinsya Correspondent Arnulfo Compuesto)
Mahigit 400 pulis, nadeploy na sa isinagawang send-off ceremony
Mahigit apat na raang pulis sa iba’t-ibang istasyon ng pulisya sa La Union ang idedeploy na sa kani-kanilang mga assignment. Pinaalalahanan din ang mga ito na pagbutihin ang pagtupad sa kanilang tungkulin bilang mga alagad ng batas. (Agila Probinsya Correspondent Joshua Guerrero)
Pagtanggap ng mga manonood sa “Felix Manalo” movie, naging positibo
Isang linggo na ngayon sa mga sinehan ang “Felix Manalo” the movie at hanggang ngayon ay mahaba pa rin ang pila sa mga sinehan sa iba’t ibang probinsya para panoorin ang nasabing pelikula. Ang ilan pa nga sa mga ito ay bumiyahe pa ng malayo at dumayo ng ibang bayan para lamang mapanood ang pelikula. Naging positibo din ang pananaw ng ilang manunuod sa pelikulang “Felix Manalo” bagamat ang ilan ay hindi kaanib sa Iglesia […]
CBI-UHP chapter, patuloy sa coastal clean up drive
Sa kabila ng matinding init ng panahon, tuloy pa rin ang mga miyembro ng Christian Brotherhood International (CBI) sa kanilang coastal clean up drive na ginawa sa bayan ng Coayan sa lalawigan ng Ilocos Sur. Kasabay rin ng nasabing aktibidad ang pagsasagawa ng isang team building activity para sa mga kabataang kaanib ng Iglesia Ni Cristo. Layunin ng mga nasabing aktibidad na maturuan at magabayan ang mga estudyante sa pagmamalasakit hindi lamang sa kalikasan kundi […]
“Felix Manalo” movie, dinagsa
Hindi lang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang tumatangkilik at nanonood ng “Felix Manalo” movie sa mga sinehan sa bahagi ng Olongapo City. Sa ika-apat na araw ng pagpapalabas ng pelikulang “Felix Manalo” movie sa mga sinehan ay dinagsa rin ito ng mga non-INC members o mga hindi pa kaanib sa INC. Ayon sa mga manunuod na hindi pa kaanib sa INC, nais umano nilang magkapagsuri sa aral ng Iglesia Ni Cristo. Ayon naman […]
“Felix Manalo” the movie, pinilahan pa rin sa mga sinehan
Dinagsa ng mga manunuod ang mga sinehan sa buong bansa upang panuorin ang “Felix Manalo” movie. Papasok sa ikalawang linggo ang showing ng “Felix Manalo” movie at patuloy na inaasahan ang madami pang manunuod nito. (Agila Probinsya Correspondent Alejandro Javier)
Iwas-Rabbies, ikinakampanya sa CamNorte
Ikinakampanya ngayon ng lokal ng pamahalan ng Camarines Norte ang iwas rabbies dahil sa pagtaas ng bilang nito sa kanilang probinsya. Ang proyektong ito ay tinawag nilang “Tigil Pagdami-Iwas Rabbies” (Agila Probinsya Correspondent Jun Canlas)
Isang belt bag na may pera, isinauli
Nagsauli ng belt bag na may lamang pera ang tatlong lalaki sa isang Korean National na siyang nakaiwan ng naturang belt bag. Nakapaloob sa belt bag ang perang umabot sa 138,800 pesos at ilang mga personal na gamit. (Agila Probinsya Correspondent Angelie Bitas)