Provincial News

Pelikulang “Felix Manalo” dinagsa ng mga manunuod sa iba’t-ibang sinehan sa buong bansa

Dinagsa sa iba’t-ibang sinehan sa buong Pilipinas ang pinakaa-abangang pelikula ng taon, ang “Felix Manalo”. Sa unang araw pa lamang ng showing ng “Felix Manalo” ay sabik na sabik na dinagsa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang iba’t-ibang dako ng sinehan sa buong Pilipinas kasama ang kanilang pamilya at maging mga kaibigang naanyayahan na hindi pa kaanib sa Iglesia. Ayon sa mga pamunuan ng sinehan, ang pagpapalabas ng pelikulang “Felix Manalo” ay labis […]

Mga sinehan, dinagsa ng mga manunuod para sa pelikulang “Felix Manalo”

Sinimulan ng ipalabas sa buong bansa ang pelikulang “Felix Manalo”. Ang pelikulang labis na kinasabikan ng mga manunuod lalo na ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo. Ang pelikulang ito ay tumatalakay sa kasaysayan ng kapatid na Felix Y. Manalo at pagisismula ng gawain ng Iglesia Ni Cristo dito sa Pilipinas. Maaga pa lamang ay sinimulan na ang pagpapalabas ng pelikula sa mga sinehan sa mga lalawigan ng Benguet, Quezon Province, Nueva Ecija at Batangas. […]

Mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng Tree Planting Activity sa Quirino

Mula sa iba’t-ibang bayan sa Quirino, nakiisa ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa ginawang Tree Planting Activity, kung saan ay mahigit sa isang libong seedlings ang kanilang naitanim. Layunin ng aktibidad na ito na makatulong upang mapangalagaan ang ating kalikasan. Ang nasabing tree planting ay pinangunahan ng District Supervising Minister na si Kapatid na Alberto B. Ramos. (Agila Probinsya Correspondent Rustie Lorenzo)

San Jose, Nueva Ecija nakiisa sa E-course kaugnay ng solid-waste management

Sumailalim ang San Jose Cenro sa isang “E-course on solid waste management for local government units” nitong Lunes at Martes (Sept.28-29) na ginanap sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Visayas Avenue, Diliman, Quezon City and San Jose City Environment Natural Resources Office kasama ang iba pang lungsod sa Pilipinas. Layunin ng naturang pag-aaral na mapahusay ang kapasidad ng bawat LGU sa pagbuo ng kanilang sariling plano patungkol sa solid waste management at mga […]

Bulacan isinailalim na sa “state of calamity” dahil sa dengue

Nagdeklara na ng state of calamity ang Bulacan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue kung saan labing isa katao na ang nasawi sa nasabing lalawigan. Sa pamamagitan nito, magagamit na ng provincial government ang kanilang tatlumpu’t siyam na milyong calamity fund para gamiting pangtulong sa mga nabiktima ng dengue. Tinatayang aabot na sa 4,771 na dengue case ang naitala sa Bulacan mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, mas mataas umano ng dalawang […]

Kauna-unahang “Honesty Store” binuksan sa Sto. Tomas, Pangasinan

Masayang binuksan ang kauna-unahang honesty store sa probinsya ng Pangasinan sa bayan ng Sto. Tomas na kilalang may Guinness World Title at tinaguriang certified crime and srug-free at child-friendly community. Ang honesty store ay inspirasyon mula sa probinsya ng Batanes kung saan ay hinirang itong kauna-unahang honesty store sa buong Pilipinas. Ang tindahang ito ay hindi pagkaraniwan sapagkat ito ay laging bukas, hindi binabantayan at lahat ay malayang kumuha, bumili ng kanilang kailangan at ang […]

Black bugs umaatake sa ilang palayan sa Zamboanga

Nangangamba ngayon ang mga magsasaka sa barangay Manicahan sa Zamboanga City sa laki ng magiging epekto ng pag-atake ng black bugs sa kanilang mga palayan. Sa ulat ng Zamboanga City Agriculturist Office ang black bug o stem borer ay insektong naninira sa tangkay ng mga palay at nangingitlog tuwing tag-ulan dahilan ng agad ng pagrami ng mga ito. Ang pinakamabisa umanong pangpatay sa rice bugs ay ang pag-i-spray ng pesticides. Pinayuhan naman ang mga magsasaka […]

Medical mission isinagawa sa Sorsogon

Nagsagawa ng dalawang araw na medical, dental at optical mission ang isang grupo sa lalawigan ng Sorsogon na nilahukan ng iba’t-ibang espesyalistang doktor. Kasama din sa nasabing medical mission ang sikat na actress na si Elizabeth Oropeza. (Agila Probinsya Correspondent Daniel Carvin)