Nagtulong-tulong ang mga kapulisan at miyembro ng kasundaluhan, mga kawani ng Department of Environment at Natural Resources (DENR) Catanauan, Quezon, lokal na pamahalaan ng San Francisco, mga barangay opisyales ng Barangay Inabuan at mga residente na magtanim ng sampung libong puno ng mahogany sa bundok na makikita sa Sitio Madagoldol, Barangay Inabuan, San Francisco, Quezon. (Agila Probinsya Correspondent Joel Sanao)
Provincial News
Mahigit na isang libo, dumalo sa isinigawang “Dakilang Pamamahayag” sa Nasugbu, Batangas
Naging matagumpay din ang remote site ng isinagawang “Dakilang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos” sa bayan ng Nasugbu sa Batangas. Napuno ng mga panauhin ang Nasugbu Municipal Auditorium dahil na rin sa isinagawang saturation drive ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo. Kabilang ang bayan ng Lian at Tuy sa mga tumugon sa aktibidad na ito na umabot sa mahigit 1,500 mga panauhin. (Agila Probinsya Correspondent Camille Vergara)
Isinagawang “Dakilang Pamamahayag” ng Iglesia Ni Cristo sa Laguna naging matagumpay
Naging matagumpay ang isinagawang “Dakilang Pamamahayag” ng Iglesia Ni Cristo sa bayan ng Bay, lalawigan ng Laguna noong Sabado, Setyembre 26. Maaga pa lamang bago magsimula ang nasabing pamamahayag ay sunud-sunod na ang pagdating ng mahigit dalawampung sasakyan na sumundo at siya ring naghatid sa mga panauhin. Mahigit sa isang libong kataong hindi kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang dumagsa sa nasabing pamamahayag. (Agila Probinsya Correspondents Joycy Alagao, Judith Llamera)
Mahigit 25,000 dumalo sa isinagawang “Dakilang Pamamahayag” sa Benguet
Naging matagumpay at mapayapa ang isinagawang “Dakilang Pamamahayag” na isinagawa noong gabi ng Sabado, Setyembre 26 sa lalawigan ng Benguet. Labing-anim na lokal na nasasakop ng distrito ng Benguet and dumalo sa nasabing pagtitipon kung saan ay umabot sa dalawampu’t limang libo, tatlong daan at apat-napu’t isa sa kabuuan ang mga naakay na mga panauhin na nakadalo sa nasabing pagtitipon sa iba’t-ibang dako ng nasabing lalawigan. (Agila Probinsya Correspondents Eugene Panuga, Buddy Rulloda, Freddie Rulloda)
Libo-libong bisita dumalo sa “Dakilang Pamamahayag” ng Iglesia Ni Cristo sa Imus, Cavite
Naging matagumpay sa kabuuan ang aktibidad na isinagawa ng mga klaanib sa Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Cavite. Dumagsa ang mga panauhin sa kapliya ng Imus kung saan ay umabot sa apat na libong katao ang naging panauhin sa nasabing aktibidad. (Agila Probinsya Correspondent Jen Atienza Ortiz)
Pinagdausan ng “Dakilang Pamamahayag” sa Pangasinan punong-puno ng mga panauhin
Napuno ng mga tao mula sa iba’t-ibang lugar ang pinagdausan ng isinagawang “Dakilang Pamamahayag” ng mga Iglesia Ni Cristo ang Cultural and Sports Center, lungsod ng Urdaneta Pangasinan. Umabot hanggang labas ng Cultural Sports Center ang mga tao dahil hindi na magkasya dahil sa dami ng nasa loob. Ayon sa ministro ng Iglesia Ni Cristo na si kapatid na Conrado Pascual Jr., ay tinatayang nasa 14,000 ang mga bisitang dumalo sa nasabing pagtitipon. Naglagay na […]
F.Y. Manalo Avenue sa San Jose, Occidental Mindoro, under construction
Kaunting panahon na lang ang hihintayin ng mga motorista na dumadaan sa F.Y. Manalo Avenue sa Barangay Pag-asa, San Jose, Occidental Mindoro, inaasahan kasing sa susunod na buwan ay matatapos na ang konstruksyon nito. (Agila Probinsya Correspondent Gerelyn Padilla)
Coastal Clean-up Drive sa San Francisco, isinagawa
Nagsagawa ng isang coastal clean-up drive operation ang Irun Foundation Incorporated, isang samahan ng mga kabataan na mayroong hangaring makatulong sa kanilang bayan lalo na sa mga residente na naninirahan sa baybaying dagat na mapangalagaan at mapanatili ang kalinisan sa lalawigan ng San Francisco, Quezon. (Agila Probinsya Correspondent Joel Sanao)
Kauna-unahang ‘Ride against Crime’ isinagawa sa Olongapo City
Mahigit isang libong pulis at miyembro ng Riders Association ang nakiisa sa kauna-unahang ‘Ride against Crime’ na ginawa sa Olangapo City. Layunin nitong mahikayat ang lahat ng mamamayan na magkaisa para labanan ang kriminalidad sa kanilang lugar. (Agila Probinsya Sandy Pajarillo)
Preparasyon para sa Grand Evangelical Mission ng INC sa Bataan handa na
Tiniyak naman ng pamunuan ng Iglesia Ni Cristo sa Bataan na hindi makaapekto sa daloy ng trapiko sa probinsya ang gagawin nilang pamamahayag bukas. Bagamat may mga isasarang kalsada ay marami namang ikakalat na traffic enforcer na gagabay sa mga motorista. (Agila Probinsya Correspondent Larry Biscocho)
Mga miyembro ng INC sa Rizal handang-handa na sa gagawing “Dakilang Pamamahayag ” bukas
Magkasunod na aktibidad ang isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Rizal bilang preparasyon sa gagawing “Dakilang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos” na gagawin bukas na gaganapin sa Philippine Arena. Ngayong araw ay nagsagawa rin sila ng motorcade para sa sabay-sabay na mag-anyaya ng mga dadalo sa nasabing pamamahayag (Agila Probinsya Correspondent Djun Asedillo)
Saturation Drive isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Palawan
Bilang paghahanda sa gagawing “Dakilang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos” sa araw ng bukas, isang Saturation Drive ang isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Palawan. (Agila Probinsya Correspondent Jun Canlas)