Provincial News

Mga miyembro ng INC sa Laguna puspusan na rin ang paghahanda kaugnay ng “Dakilang Pamamahayag”

Puspusan na rin ang ginagawang preparasyon ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Laguna para sa gagawing “Dakilang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos” na gaganapin sa Philippine Arena sa araw ng Sabado, Setyembre 26. Ang nasabing aktibidad ay pangungunahan ni Kapatid na Eduardo V. Manalo, ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo sa araw ng bukas sa ganap na ika-pito ng gabi. (Agila Probinsya Correspondent Judith Llamera)

Paghahanda ng mga miyembro ng INC sa Benguet para sa “Dakilang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos,” puspusan na

Puspusan na ang ginagawang preparasyon ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa distrito ng Benguet kaugnay ng gagawing “Dakilang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos” sa araw ng Sabado, Setyembre 26. Labing-anim na remote sites sa probinsya ng Benguet ang napili para pagsagawaan ng nasabing malaking pamamahayag. (Agila Probinsya Correspondent Cesar Archer)

Mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng Tree Planting Activity sa Pangasinan

Dalawang libong seedlings ang itinanim ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa kanilang Tree Planting Activity sa Eastern Pangasinan. Maging ang mga senior citizen ng nasabing lalawigan ay nakilahok sa aktibidad at sumama sa pag-akyat sa bundok para magtanim ng puno. Ang tree planting activity ay pinangunahan ng SCAN International. Ang ganitong tree planting activity ay taunang isinasagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang bayan sa nasabing lalawigan. (Agila Probinsya Correspondent […]

Mga miyembro ng INC nagsagawa ng clean-up drive para sa gagawing Grand Evangelical Mission

Nagsagawa kamakailan ang mahigit isang daang miyembro ng Iglesia Ni Cristo ng isang clean-up drive o paglilinis sa kapaligiran ng corporate center ng clark development corporation o cdc at Clark Parade Grounds sa lalawigan ng Clark, Pampanga. Ang nasabing paglilinis ay bilang paghahanda sa isasagawang malaking Evangelical Mission o Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos ng Iglesia Ni Cristo sa darating na Setyembre 26, 2015 na dadaluhan ng mga miyembro at kanilang mga panauhin na […]

Free medical at dental mission isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Lopez, Quezon

Free medical at dental mission isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Lopez, Quezon Maraming tao ang nakinabang sa isinagawang free medical at dental mission ng Iglesia Ni Cristo sa bayan ng Lopez. Isa sa programa na nakapaloob sa kanilang mga aktibidad bilang paggunita sa ika-26 na anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang distrito na tinatawag na distrito eklesiastiko ng Quezon East mula noong Setyembre 19, 1989 dito sa lalawigan ng Quezon. Ang layunin ng aktibidad na […]

Mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo na nagsagawa ng Tree Planting Activity sa Dingalan, Aurora

Mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo, nagsagawa ng tree planting sa Sitio Cabog, Brgy. Matawe, Dingalan, Aurora. Ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo mula pa sa lalawigan ng Nueva Ecija, at mula sa bayan ng Dingalan, kasama din ang mga miyembro ng SCAN International, ay maagang dumating sa baybayin ng Sitio Cabog, Brgy. Matawe, Dingalan, Aurora upang isagawa ang tree planting. Nilinis muna nila ang lupa na pagtatamnan ng mga puno. Ang nakakatuwa dito, […]

11 oras na power interruption sa Camarines Sur

Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magkakaroon ng labing isang oras na power interruption sa ilang bahagi ng Camarines Sur bukas, araw ng Huwebes. Sa advisroy ng NCGP, ang scheduled power outage ay mula 7 a.m. hanggang 6 p.m. Ito ay dahil sa may iaayos na linya sa Naga-Concepcion at Naga-Libmanan. Kasama sa mga maaapektuhan ang mga bayan ng Milaor, Minalabac at mula Del Rosario, Naga hanggang San Jose, Pili.

K-to-12 Fun Run isinagawa sa Imus, Cavite

Libo-libong Imuseño ang lumahok sa ginawang fun run sa Imus, Cavite na naglalayong makalikom ng pondo para idagdag sa mga gamit ng mga estudyanteng papasok sa senior high. Ang nasabing fun run ay mayroong temang “Sali Tayo: Takbo para sa K-12”. (Agila Probinsya Correspondent Katherine Reus)

Regional Training of Trainers in Journalism

Matagumpay ang naging unang araw ng Regional Training of Trainers in Journalism ng Department of Education (DepEd) Region IV-B Mimaropa. Ang nasabing workshop ay ginaganap sa Atrium Hotel sa Pasay City at dinaluhan ng nasa dalawang daan at limampung (250) participants mula sa Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan. Ito ay pinangunahan ng mga propesor ng journalism mula sa Polytechnic University of the Philippines at nagsilbing speakers sa ibat-ibang larangan ng pamamahayag. Sa loob ng apat […]

Public apology ng ABS-CBN hindi lang daw sa social media dapat idaan – UPLB students

Hindi umano kumbinsido ang mga estudyante ng University of the Philippines-Los Baños (UPLB), sa public apology na ipinahayag ng ABS-CBN. Sa pamamagitan ng social media, humingi ng paumanhin ang nasabing TV Network kaugnay sa kanilang maling pahayag ukol sa pagbisita ni Vice President Jejomar Binay sa unibersidad nitong nakaraang Martes, Setyembre 15. Ayon kay UPLB Student Council Chairperson Ronald Gem Celestial, binibigyan nila ng mataas na pagkilala at respeto ang ABS-CBN News and Current Affairs […]