Maagang regalo ang tinanggap ng mga guro ng Southville 4 Elementary School sa Laguna kasabay ng nalalapit na paggunita sa Teacher’s Day. Labing-pitong cosmetologist mula sa Alternative Learning System ang nagtungo sa nasabing eskwelahan para bigyan ang mga guro roon ng libreng pampering, gaya ng libreng hair cut, manicure/pedicure at para naman marelax binigyan din sila ng libreng masahe. Ang proyekto ay pinangunahan ng mga opisyal ng Parents Teachers Association (PTA) ng nasabing eskwelahan sa […]
Provincial News
Isinagawang ASEAN Forum sa Goa, Camarines Sur, naging matagumpay
Sa pagtutulungan ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman at Partido State University sa Goa, Camarines Sur ay matagumpay na naisagawa ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Forum. Isinagawa ang tatlong araw na training program ng UP sa mga faculty ng PSU na mula sa 39 na unibersidad at kolehiyo ng Bicol region. Isinagawa ang seminar sa Gymnasium ng PSU sa nasabing lalawigan. Ang seminar ay mayroong tema na “Philippine Higher Education in an Integrating ASEAN: […]
119 enlisted personnel ng Philippine Army, na-promote
Nagsagawa ang 3rd Infantry Battalion ng Downing of Ranks Ceremony para sa 119 na na-promote na enlisted personnel ng Philippine Army noong Setyembre 14 sa Sitio Junior Campo, Sto. Nino Second, San Jose City. Pinangunahan ni Battalion Commander Lieutenant Colonel Eugenio S. Batara Jr., katuwang sina Battalion Executive Officer Major Juvy S. Taldo, at Battalion Adjutant Captain James L. Jaque ang nasabing aktibidad. Ang ganitong pagtataas ng ranggo ay nangangahulugan din ng pagdaragdag ng kanilang […]
Anti-kidnapping Awareness Campaign inilunsad sa mga eskwelahan sa Sta. Rosa City, Laguna
Naglunsad ang Sta. Rosa City Philippine National Police (PNP) ng “Anti-kidnapping Awareness” sa lahat ng eskwelahan sa buong lungsod ng Sta. Rosa. Particular sa mga estudyante ng elementarya at high school. Pinangunahan ni PSupt. Reynaldo Maclang, hepe ng Sta. Rosa City, ang nasabing aktibidad. Layunin ng aktibidad na ito na maiwasan o mapigilan na mangyari sa lungsod ng Sta. Rosa ang mga napabalitang di umano’y pangingidnap sa ilang mga kabataan sa mga karatig lalawigan ng […]
Science Quest isinagawa sa Pangasinan
Upang maipakita ang kaalaman at kakayahan sa siyensya ng mga estudyante, nagsagawa ng isang Science Quest for secondary level ang mga paaralan sa 6th Congressional District ng Pangasinan sa Tayug National High School ngayong araw. Aabot sa mahigit isang libong estudyante mula sa iba’t-ibang eskwelahan sa probinsya ang lumahok sa nasabing aktibidad. (Agila Probinsya Correspondent Jun Canlas)
300 students, nakinabang sa isinagawang seminar ng PNP
Pinangunahan ng San Jose City, nueva Ecija Police ang isang seminar para turuan ng iba’t-ibang tips ang elementary students sa nasabing bayan para maingatan ang kanilang mga sarili. (Agila Probinsya Correspondent Emil Baltazar)
District YES-O Camp, inilunsad
Binuksan na ang Youth Environmental School Organization (YES-O) Camp sa San Francisco Quezon na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang eskwelahan sa nasabing bayan. Ang YES-O Camp ay taunang isinasagawa na layong madevelop ang kakayahan ng mga mag-aaral at mas maging competitive sa iba’t-ibang larangan. (Agila Probinsya Correspondent Joel Sanao)
First World Bank Implementation Support Mission
Ginanap sa lalawigan ng Bohol ang kauna-unahang World Bank Implementation Support Mission para sa Philippine Rural Development Bank. Sa support mission na ito ay pangunahin umanong makikinabang ang mga magsasaka at mangingisda (Agila Probinsya Correspondent Angie Valmores)
Emergency Preparedness at First Aid Seminar dinaluhan ng mga miyembro ng SCAN INTL sa Benguet
Isinagawa kahapon sa Laguerta Lepanto Mines Mangkayan, Benguet ang isang seminar para sa Emergency Preparedness at First Aid maging ang seminar ukol sa Safety and Health Care. Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga miyembro ng SCAN International sa pangunguna ng SSO ng Iglesia Ni Cristo. Ang nasabing seminar ay pinangunahan ng District Minister ng Mountain Province na si Kapatid na Marvin Q. Querubin. Sa seminar na ito ay itinuro at ibinahagi ang kaalaman ukol […]
NGCP tiniyak ang kahandaan sa iba’t-ibang kalamidad
Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na handa sila sa pagdating ng iba’t-ibang uri ng kalamidad gaya ng bagyo, pagbaha o lindol. Ayon sa NGCP, mayroon din silang mga binuong team para sa quick response sakaling mat tumamang kalamidad sa bansa. (Agila Probinsya Correspondent Nora Dominguez)
Mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng blood letting activity sa Pangasinan
Nagsagawa ng blood donation sa CSI Stadia ng Dagupan City ang Iglesia Ni Cristo. Ito ay sa layuning makatulong hindi lamang para sa mga kaanib ng Iglesia kundi para din sa lahat ng mga kababayan nating nangangailangan ng dugo. Ang aktibidad na ito ay hindi lamang sa dako ng Stadia, Dagupan City kundi may mga inihahanda pang dako na kanilang pagdarausan ng blood donation activity tulad sa bayan ng Malasiqui, San Jacinto at San Carlos […]
Philippine Airforce nagsagawa ng Feeding Program sa mga PWD
ilang bahagi ng paggunita sa kanilang nalalapit na anibersaryo, isang feeding program ang isinagawa ng mga miyembro ng Philippine Airforce sa Zamboanga Del Sur sa Hangop Kabataan Foundation. Kaugnay nito ay namahagi rin ang mga sundalo ng educational matters para sa mga kabataang may kapansanan sa nasabing foundation. Labis naman ang naging kasiyahan ng mga guro at mga kabataan sa natanggap nilang tulong. (Agila Probinsya Correspondent Azel Pagdilao)