Provincial News

Science Fair isinagawa sa Cavite City

Bilang bahagi ng pagpapaunlad sa kakayahan ng mga kabataan lalo na pagdating sa siyensya, nagsagawa ng isang Science Fair activity ang Cavite National High School. Kasama sa mga nakilahok sa aktibidad ang mga mag-aaral na nasa grade 10 at 13 na pawang mga special science students. Naging tampok sa nasabing science fair ang ilang research ng mga estudyante gaya ng pag-gawa ng papel mula sa pinatuyong dahon ng narra, kugon at dahon ng saging. Ayon […]

Iglesia Ni Cristo sa Nueva Ecija nagsagawa ng Blood Letting Activity

Upang makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng dugo, nagsagawa ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ng Blood Letting Activity sa Munoz National High School, Science City of Munoz, Nueva Ecija. Sa pakikipagtulungan ng National Kidney Transplant and Institute, mahigit na 300 ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang tumugon sa naturang proyekto, samantalang mahigit na isang daang bag naman ng dugo ang nakuha mula sa mga qualified blood donors. Sinabi namaqn ni […]

Hi-5 Campaign ng DOH sa Tarlac mas pinaigting

Puspusang isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ng Tarlac ang programa ng Department of Health o DOH, na tinawag na High Impact-5, na ang layunin ay maturuan at mapangalagaan ang mga kalusugan ng bawat mamamayang Tarlaqueno. Ang nasabing programang ito ng DOH ay walang sawang pinangungunahan ng mga health workers sa naturang lalawigan, kaagapay sina Governor Victor Yap at Congresswoman Susan Yap. Nakapaloob sa high impact 5 ng doh ay mga programang serbisyo sa mamamayan tulad ng […]

Mga pulis sa Aurora nagturo ng Values subject sa mga estudyante

AURORA, Setyembre 9 (Agila Probinsya) — Sinimulan na ang kauna unahang programa ng kapulisan sa Aurora ukol sa pagbabahagi ng values at information campaign sa mga mag-aaral sa sekondarya. Isasagawa ng Dipaculao-Philippine National Police (PNP) ang nabanggit na pulis project lingo-linggo para sa mga estudyanteng nasa ikatlong taon ng sekondarya sa Mucdol National High School. Ayon kay Police Superintendent Ferdinand Usita, hepe ng Dipaculao PNP, makatutulong ang naturang programa ng pulis na iiwas ang mga […]

Bohol Negosyo Center, inilunsad

BOHOL, Setyembre 8 (Agila Probinsya) — Inilunsad ng Provincial Government at Department of Trade and Industry ang Bohol Negosyo Center noong Biyernes, Setyembre 4 na sinaksihan ni Senador Bam Aquino IV. Ang Negosyo Center ay naglalayong matulungan ang Small at Medium Scale Entrepreneurs na madagdagan ang kanilang puhunan na maaring magamit ng mga negosyante sa pagpapalaki ng kanilang mga negosyo. (Agila Probinsya Correspondent Angie Valmores)

Linis Bayan Project isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Zambales

ZAMBALES, Setyembre 8 (Agila Probinsya) — Sabay-sabay na nagsagawa ng linis bayan ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Zambales, partikular na sa mga bayan ng Botolan, Iba, Palauig, Masinloc at Sta. Cruz. Dala ang mga panlinis gaya ng walis tingting, dustpan, kalaykay ay nilinis nila ang harap ng mga pangunahing establishimento sa bawat bayan, gaya ng harap ng mga munisipyo, maging ang kapitolyo ng lalawigan ay nakinabang sa gawaing ito ng […]

Juvenile Justice System orientation, isinagawa sa Cebu

AGILA Probinsya — Isinagawa sa Cebu ang isang orientation seminar kaugnay ng Republic Act No.11630 o Juvenile Justice System. Ito ay naglalayong mabigyan ng kaalaman ang bawat kalahok tungkol sa batas na pinaiiral sa ating bansa at wastong paghawak ng mga suliranin na may kaugnayan sa mga batang nasa katayuang CAR o Children at Risk ay mga CICL o Children in Conflict with the Law at paggawa ng mga planong ipatutupad upang maproteksyonan at mapangalagaan […]

DILG, naglunsad ng Salintubig Project sa Nueva Ecija

AGILA Probinsya — Makikinabang ang mga residente ng Barangay Tulat sa inu-umpisahang proyekto sa ilalim ng Sagana at ligatas na tubig para sa lahat o Salintubig Project ng Department of Interior and Local Government (DILG). Layunin ng Salintubig na bigyan ng water supply systems ang mga waterless cities, municipalities, barangays, health centers, at resettlement sites sa buong kapuluan at upang mapabuti ang kapasidad ng mga Local Government Units at water service providers sa implementasyon at […]

Red tide idineklara ng BFAR-Capiz

AGILA Probinsya — Nagpalabas ng advisory ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-Capiz na pansamantalang ipagbabawal sa mga mamamayan ng Capiz ang pagkuha, pagkain at pagbebenta ng mga shellfish na mula sa baybayin ng Sapian. Ito ay dahil kontaminado ng red tide ang nasabing baybayin ng Sapian.

Clean up Drive, isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Cagayan

AGILA Probinsya — Naglunsad ng isang Clean Up Drive ang Iglesia Ni Cristo sa Tuguegarao lalawigan ng Cagayan na isinagawa sa loob ng bakuran ng Department of Education (DepEd) Regional Office. Lubos naman ang naging pasasalamat ng pamunuan ng DepEd sapagakat nabawasan ang kanilang alalahanin kaugnay ng isasagawang paghahanda sa DepEd Summit na gaganapin sa naturang tanggapan.

Blood Donation Activity ng Iglesia Ni Cristo isinagawa sa Sta Rosa Laguna

AGILA Probinsya — Boluntaryong nagbigay ng dugo ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Brgy. Balibago sa ginawang Blood Letting Activity na isinagawa sa Covered Court ng Baligabago Elementary School sa Sta.Rosa City lalawigan ng Laguna. Layunin ng akrtibidad na ito na makapagbigay ng dugo hindi lamang sa mga kaanib nito maging sa mga hindi kapatid na nangangailangan.