AGOSTO 19 (Agila Probinsya) — Pinag-iingat ng Pangasinan Provincial Health Office ang publiko sa lalawigan laban sa mga waterborne diseases. Ayon kay Dr. Jeremy ‘Ming’ Rosario, assistant Provincial Health Officer, kabilang sa mga waterborne diseases na ito na dapat iwasan ng publiko ay acute gastroenteritis, dengue at leptospirosis. Ito ay makaraang maitala sa Pangasinan ang mataas na kaso ng mga nabanggit na sakit. Sa acute gastro entiritis ay umabot na sa higit 5,000 ang kaso, […]
Provincial News
Iglesia Ni Cristo sa Zambales, nagsagawa ng Clean Up Drive
AGOSTO 18 (Agila Probinsya) — Nagsagawa ng Coastal Clean Up Drive ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Zambales. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng SCAN International kung saan ay nilinis nila ang baybaying dagat ng barangay Sto. Rosario at Bangantalinga. Ang ganitong aktibidad ai isa lamang sa maraming Socio-civic Activity na isinagawa ng Iglesia Ni Cristo. Kaya bukod sa pamamahagi ng Pananampalatay na siyang pangunahing gawain ng Iglesia Ni Cristo ay […]
Blood Donation Activity isinagawa sa lalawigan ng Quirino
AGOSTO 18 (Agila Probinsya) — Isang Blood Donation Activity ang isinagawa sa lalawigan ng Quirino na pinangunahan ng mga Ministro ng Iglesia Ni Cristo kasama ang maraming miyembro nito. Layunin ng nasabing aktibidad na magkaroon ng pondong dugo para sa mga nangangailangan lalo na ng mga mahihirap na mamamayan na walang sapat na pangbayad dito. Kaagapay sa nasabing aktibidad ang Isabela General Hospital Blood Bank. (Agila Probinsya Correspondent Jayson Naval)
Senior Citizens, nakatanggap ng social pensions
AGOSTO 18 (Agila Probinsya) — Nakatanggap ang isang daan at animnapu’t limang senior citizens ng Mabalacat City ng social pensions o cash benefits mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Bawat isang senior citizen ay nakatanggap ng 3, 000 piso. Ang halagang ito ay kabuuan ng tiglilimang daang piso kada buwan na dapat natanggap nila mula enero hanggang mayo ng taong ito. Nakasaad sa Republic Act 9257 ang mga ibang benipisyo at prebilehiyo […]
“Isang Bio, Isang Kilo,” inilunsad ng COMELEC, San Jose City
AGOSTO 18 (Agila Probinsya) — Inilunsad ng Commission on Election (COMELEC) ang “Isang bio, isang kilo” bilang pasasalamat sa mga botante ng San Jose City, Nueva Ecija na agarang tumugon sa kanilang campaign na “No Bio, No Boto”. Ang nasabing aktibidad na inilunsad ng COMELEC ay aabot ng tatlong araw kung saan ay nagsimula ito noong Lunes,Agosto 17 at magtatapos ng Miyerkules, Agosto 19. Ang mga residenteng na siyang magpaparehistro ay makatatanggap ng isang kilong […]
High Five Program na isinusulong ng DOH, isinagawa sa Bataan
AGOSTO 17 (Agila Probinsya) — Ang lokal na pamahalaang bayan ng Mariveles, Bataan sa pangunguna ni Mayor Jesse Concepcion at ng Municipal Health Officer ay sumusuporta sa proyekto ng Department of Health na Hi-5 o High Impact 5 na binubuo ng maternal care, infant care, child care, HIV/Aids at Service Delivery Network. Bahagi nito ay tinipon ang lahat ng buntis sa labing walong barangay na nasasakupan ng bayan ng Mariveles, upang isagawa ang selebrasyon para […]
Bakuna kontra tigdas, isinagawa sa Laguna
AGOST 17 (Agila Probinsya) — Nagsagawa ang Health Center ng Barangay Dela Paz, Laguna ng pagbabakuna sa mga sanggol kontra tigdas. Maaga pa lamang ay halos napuno na ang health center. Ang mga magulang dala ang kanilang mga anak na sanggol upang mapabakunahan. Ang pagbabakuna ay pinangasiwaan ni Araceli Cantes. Isang registered midwife na siyang head ng Health Center ng Dela Paz. Nagdatingan din ang mga midwife galing Perpetual Help Hospital sa pangunguna ni Dr. […]
North Cotabato twister hurts 7, destroys 150 houses, mosque, school
PIKIT, North Cotabato, Aug. 14 (PNA) –- A twister swept through three interior villages here late Thursday afternoon, wounding seven residents and destroying 152 houses, mosque and a school, a disaster official today said. Tahira Kalatongan of the Pikit municipal disaster risk reduction and management council (MDRRMC), said in a radio interview that the victims were residents of Barangays Manaulanan, Punol and Pamalian where the twister swept through at past 3 p.m. Kalantongan said the […]
Breast Feeding Awareness Month Celebration
Inilunsad sa Adela Serra Ty Memorial Medical center sa Tandag City lalawigan ng Surigao del Sur ang Breast Feeding Awareness Month na may temang ikampanya partikular na sa mga bagong panganak na mga ina ang ukol sa “Pagtataguyod sa pagpapasuso,nakasalalay buhay ng anak mo.” Ang nasabing aktibidad na ito ay dinaluhan ng mga ina kasama ang kanilang mga bagong panganak. Tinalakay sa pagtitipon na ito ang mga kapamaraanan na mahalagang malaman at magawa ng mga […]
Iba’t-ibang artworks, tampok sa Art Exhibit ng San Jose City
Isinagawa sa San Jose City lalawigan ng Nueva Ecija ang Art Exhibit 2015 bilang bahagi ng selebrasyon ng pagkakatatag ng siyudad. Dinumog ng mga tao ang obra ng kilalang mga pintor na nakadisplay sa naturang exhibit. (Agila Probinsya Correspondent Emil Baltazar)
Zamboanga del Sur, “Peaceful and ready for further development”
Idineklara ng “Peaceful and Ready for further development,” ang lalawigan ng Zamboanga del Sur. Sa kabila ito ng masamang impression ngayon sa Mindanao dahil sa kabi-kabilang kriminalidad na nagaganap sa rehiyon. (Agila Probinsya Correspondent Ely Dumaboc)
46th Founding Anniversary ng San Jose City, ipinagdiwang
AGOSTO 12 (Agila Probinsya) — Ginunita ang ika-apatnapu’t anim na selebrasyon ng pagkakatatag ng San Jose bilang isang lungsod na may temang, “Kabataan, pangalagaan para sa magandang kinabukasan.” Kaugnay nito, nagsagawa ng programa ang lokal ng pamahalaan para sa mga kabataan, kung saan nanumpa na rin ang mga “Little City Officials” na manunungkulan sa buwan ng Disyembre. Bahagi rin ng pagdiriwang ang ginanap na parada na nilahukan ng iba’t-ibang sektor sa lungsod gaya ng Department […]