Provincial News

Rizal PNP nag-over-all champion sa ginanap na Regional Disaster Preparedness Drill Competition

AGOSTO 6 (Agila Probinsya) — Nagwagi ang Rizal Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ng Rizal Provincial Public Safety Company Search and Rescue Team sa isinagawang 5th PRO 4A at 2BPATS Regional Disaster Preparedness Drill Competition sa Praiso Beach Resort sa Sariaya, Quezon. Ito ay kaugnay ng ika-dalawampung taong Police Community Relations Month Celebration na mayroong temang “Matibay na ugnayan ng Pulisya, simbolo ng kapayapaan at kaunlaran ng Sambayanan.” Layunin ng aktibidad na ito na […]

ARMM Disaster Response Team naka-red alert sa Cotabato dahil sa malalakas na ulan

AGOSTO 5 (Agila Probinsya) — Nakataas ngayon sa Red Alert ang Humanitarian Emergency Action and Response Team (HEART) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao dahil sa patuloy na malalakas na pag-ulan sa Cotabato City. Sa ilalim ng Red Alert Status, lahat ng personnel ay dapat na on-call para sa rescue at relief operation sakaling lumala ang sitwasyon. Nabatid na nasa labing pitong munisipalidad sa Maguindanao ang mahigpit na binabantayan sa posibilidad ng mga pagbaha. Sinuspinde […]

Presyo ng gulay sa Benguet, tumaas

AGOSTO 5 (Agila Probinsya) — Nanatili pa rin ang mataas na presyo ng gulay sa lalawigan ng Benguet dahil sa pagbaba ng produksiyon nito dulot ng pabago-bagong panahon. (Agila Probinsya COrrespondent Ceasar Javier, Alejandro Javier)

Mga lumang pera ipinadedeposito ng BSP sa bangko

AGOSTO 3 (Agila Probinsya) — Nanawagan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng Naga Branch sa mga mamamayan at mga negosyante na makipagtulungan sa kanilang kampanya na mai-deposito na sa mga bangko ang mga lumang pera o yung tinatawag na news design series (NDS). Ang NDS ay maaari lamang gamiting pambili o pambayad hanggang Disyembre 31, 2015. Sa pagpasok umano ng taong 2016 ay hindi na papayagang gamitin at pwede na lamang palitan sa mga […]

Mahigit limampung police bomb expert ipadadala sa Bicol Region

AGOSTO 3 (Agila Probinsya) — Upang matugunan ang kakulangan ng mga bomb expert, limampu’t anim na pulis na eksperto sa pagdetonate ng bomba ang idedeploy sa iba’t-ibang istasyon ng pulisya sa Camarines Sur. Ang mga ito ay itatalaga sa buong probinsya ng Camarines Sur upang makatulong sa mabilis na pagresponde kung sakaling may mga banta ng pampasabog sa nasabing lalawigan. (Agila Probinsya Correspondent Richard Cecilio)

La Trinidad, Vietnamese province to have sisterhood ties

LA TRINIDAD, Benguet, Aug. 1 (PIA) — The municipal government of La Trinidad will soon be signing sisterhood ties with the Vinh Long Province of Vietnam following the formal talks here last week. On Tuesday, Mayor Edna Tabanda and vice mayor Romeo Salda welcomed the Vietnamese delegates  at the La Trinidad Municipal Hall for a week-long visit to the municipality and the province of Benguet. Tabanda said  they have invited the Vietnamese delegates to discuss  sisterhood […]

Nutrition Month, isinagawa sa huling araw ng buwan

HULYO 31 (Agila Probinsya) — Ipinagdiwang ang huling araw ng Nutrition Month sa bayan ng Narra, Palawan. Ang aktibidad na ito ay dinaluhan ng dalawampu’t tatlong mga barangay sa nasabing lalawigan. Ang Nutrition Month sa taong ito ay mayroong temang “Timbang ay iwasto sa tamang nutrisyon at ehersisyo.” (Agila Probinsya Correspondent Jun Fabro)

Seminar sa “Anti-Bullying”

HULYO 30 (Agila Probinsya) — Isang seminar ang isinagawa sa Sta. Rosa City, Laguna na may kinalaman sa anti-bullying kung saan pinangunahan ito ng Laguna Philippine National Police (PNP). Layunin ng seminar na ito na bigyan ng lubos na kaalaman ang mga magulang tungkol sa bullying, lalo na ngayon na usong-uso sa mga batang mag-aaral ang pambubully. (Agila Probinsya Correspondent Ronalyn Mayores)

Pacific Partnership 2015, opisyal na binuksan ngayon

HULYO 30 (Agila Probinsya) — Isinagawa ang pagbubukas ng Visayas Leg 2015 ng Pacific Partnership Provincial Capitol ng Capiz na siyang pinakamalakig Humanitarian Mission Program sa buong mundo. Ang programa ay dinaluhan ilang panauhin mula sa US Navy at ng mga kawani ng USNS Mercy na isang hospital ship, mga representatives ng iba’t-ibang organisasyon at institusyon sa lalawigan ng Capiz. (Agila Probinsya Correspondent Nathaniel Flores)

40 container van may dalang tulong mula sa Amerika

HULYO 30 (Agila Probinsya) — Tatlong 40-footer container van ang dumating sa isla ng Bantayan Island Cebu upang magdeliver ng mga blackboards, mesa at mga upuan para sa mga guro. Libreng ipinamigay ng United States Agency International Development (USAID-BASA) Pilipinas ang mga nasabing gamit para sa mga paaralan. Layunin ng programa ng USAID-Basa Pilipinas na makapagbigay ng tulong sa mga Guro sa 15 na mga bayan sa Northern Cebu na sinalanta ng nakaraang bagyong Yolanda. […]

2nd Capiz Firefighting at Rescue Olympics 2015

HULYO 30 (Agila Probinsya) — Isinagawa sa Capiz Villareal Stadium siyudad ng Roxas and 2nd Capiz Firefighting and Rescue Olympics 2015. Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng iba’t-ibang departamento ng pamahalaan at rescue groups. Layunin ng aktibidad na ito na malinang ang kakayahan ng mga rescue and response unit ng lokal ng pamahalaan, maging palaging handa sa anumang kalamidad na darating magkaroon ng pagkakaisa o koordinasyon ng iba’t-ibang ahensiya ng lokal na pamahalaan upang maiwasan […]

Workshop para sa pagbabago ng sistema sa DepEd, isinagawa

HULYO 29 (Agila Balita) — Nagsagawa ng workshop ang Department of Education (DepEd) kaugnay ng Data Management Information System kung saan dalawang araw itong isinagawa sa bayan ng Sablayan lalawigan ng Occidental Mindoro. Ito ay dinaluhan ng mga school Heads, Planning Officers at ICT Coordinators ng bawat eskwelahan. Layunin ng workshop na ito na maging updated ang bawat eskwelahan sa mga pagbabago sa sistema ng students records at grading system na mas pinadali para sa […]