HULYO 29 (Agila Probinsya) — Nagsimula ng hindi tumanggap ng basura ang Mt. Province kung saan mahigpit itong binabantayan ng kapulisan sa bayan ng Bontoc para hindi makalusot ang magtatapon ng plastic na basura sa kanilang lugar. Ang usaping ito ay napagkasunduan ng mga Baranggay official at sinangayunan din ng lokal na pamahalaan ng Bontoc dahil ito ay matagal matunaw. (Agila Probinsya Correspondent Jaslyn Gregorio)
Provincial News
Power interruption sa Llanera sinabayan ng Clean-up drive
HULYO 29 (Agila Probinsya) — Nagdulot ng mabuti ang pagkawala ng supply ng kuryente sa bayan ng Lanera sa lalawigan ng Nueva Ecija. Sa halip na magkuwentuhan ang mga empleyado, ay nagsagawa sila ng clean-up drive sa nasabing lalawigan. (Agila Probinsya Correspondent Alejandro Javier)
Mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo, hindi nagpatinag sa kontrobersiya
Hindi nagpatinag ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa bumabalot na kontrobersiya ngayon sa naturang relihiyon kung saan ipinakita nila ang kanilang pakikiisa sa pagdalo ng mga ito sa isinagawang Tanging Pagtitipon sa Philippine Arena. Ang nasabing pagtitipon ay pinanugunahan ni Executive Minister Eduardo V. Manalo, ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo. Pinangasiwaan ni Minister Eduardo Manalo ang naturang okasyon sa Philippine Arena, sa Siudad de Victoria, Bocaue, Bulacan. Maraming kaanib ng Iglesia […]
Mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo, dumagsa sa Philippine Arena
Dinagsa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang Philippine Arena kaugnay ng ika-isandaan at isang taong anibersaryo nito noong Hulyo 27, araw ng lunes. Gabi pa lamang ng Sabado (Hulyo 26) ay nagdatingan na ang mga kaanib sa Ciudad de Victoria, Bocaue, Bulacan upang daluhan ang isinagawang pagsamba sa Philippine Arena na pinangasiwaan ni Kapatid na Eduardo V. Manalo, ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo. Marami sa mga kaanib nito ay nakipagkaisa sa […]
Daan-daang kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Batangas, maagang nagtipon sa mga gusaling sambahan
Bago pa sumapit ang Tanging Pagtitipon sa Philippine Arena na pinangasiwaan ng kapatid na Eduardo V. Manalo ay naging puspusan ang paghahanda ng mga kapatid sa lalawigan ng Camarines Norte na nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng video link. (Agila Probinsya Correspondent Ghadsz Rosales)
Tanging Pagsamba para sa 101st Anniversary via WebEx link
Dinaluhan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa lokal ng Valencia City, Bukidnon ang Tanging Pagsambang pinangasiwaan ng Kapatid na Eduardo V. Manalo na ginanap sa Philippine Arena sa pamamagitan ng WebEx Link kaugnay ng ika 101st Anniversary ng Igleasi Ni Cristo. Sa kabila ng mga naglalabasang mga balita sa Social Media, rayo at telebisyon, ay hindi pa rin nagpatinag sa pananampalataya ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa Bukidnon. Ayon sa kanila […]
Pagtitipon sa Philippine Arena,nasaksihan sa Western Mindanao Region
Hindi nagpatinag ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa bumabalot na kontrobersiya ngayon sa naturang relihiyon kung saan ipinakita nila ang kanilang pakikiisa sa pagdalo ng mga ito sa isinagawang Tanging Pagtitipon sa Philippine Arena. Ang nasabing pagtitipon ay pinanugunahan ni Executive Minister Eduardo V. Manalo, ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo. Pinangasiwaan ni Minister Eduardo Manalo ang naturang okasyon sa Philippine Arena, sa Siudad de Victoria, Bocaue, Bulacan. Maraming kaanib ng Iglesia […]
Mga senior citizen nagkaisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month
HULYO 27 (Agila Probinsya) — Ipinagdiwang ng mga senior citizen ang Nutrition Month sa bayan ng Mariveles sa lalawigan ng Bataan na ipinagdiriwang ngayon sa buong bansa. Nagsagawa ng Nutri-Zumba Content ang mga senior citizen na may temang “Bite in a Healthy Lifestyle” na nilahukan ng labing walong barangay sa nasabing lalawigan. Layunin ng nasabing contest na mahikayat ang mga senior citizen na magkaroon ng magandang kalusugan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo at tamang pagkain para […]
Pagtatanim ng Vetiver Grass isinusulong sa Camarines Sur
HULYO 27 (Agila Probinsya) — Abala ngayon ang mga taga-Camarines Sur sa pagtatanim ng vetiver grass sa kanilang lalawigan upang mapigilan ang pagguho ng lupa sa gilid ng ilog. Ang vetiver grass ay isang uri ng damo na matibay at may tatlong metro anf ugat na kayang proteksyunan ang pagguho ng lupa. (Agila Probinsya Correspondent Richard Cecilio)
Markmanship Training para sa mga miyembro ng Philippine Navy, isinagawa
Isang Markmanship Training ang isinagawa para sa mga miyembro ng Naval Rescue Center Northern Luzon sa DND Arsenal Compound, Dagupan, Pangasinan. Layunin ng nasabing pagsasanay na ma-enhance at ma-upgrade ang kakayanan ng mga miyembro nito. (Agila Probinsya Correspondent Glen Tiempo)
Mga OJT sa Provincial Capitol sa Ilocos Sur, tumanggap ng allowance
Tumanggap ng allowance ang lahat ng mga estudyanteng nasa on-the-job training sa Provincial Capitol, sa koordinasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ang Special program for employment of student (SPES) ay isa sa programa ng provincial government ng Ilocos Sur. (Agila Probinsya Correspondent Myrnalyn Manuel)
Ika-151 kaarawan ni Apolinario Mabini, Ginuniuta sa Batangas
HULYO 24 (Agila Probinsya) — Ginunita sa Batangas City ang ika-sandaan at limanpu’t isang kaarawan ni Gat Apolinario Mabini. Si Apolinario Mabini ay ipinanganak sa Talaga, Tanauan, Batangas noong Hulyo 23, 1864. Siya ay kinilala bilang “Dakilang Lumpo” at naglingkod bilang kauna-unahang punong ministro noong 1899. Siya ay naging paralitiko dahil sa sakit na polio subalit hindi ito naging hadlang upang itigil niya ang pagtulong sa Katipunan at lumaban sa mga mananakop. (Agila Probinsya Correspondent […]