HULYO 22 (Agila Probinsya) — Nagwagi ng ikatlong pwesto ang bayan ng Jagna sa lalawigan ng Bohol sa isinagawang Most Comepetitive Economic Dynamism. Ito ay kaugnay sa katatapos lamang na 3rd Regional Competitiveness Summit sa naturang lalawigan kung saan mula sa walong bayan na pinagpipilian ay ang Jagna na siyang nagwagi ng ikatlong pwesto. Ito ay naglalayong mapalawak ng mas mmahusay at maabot ang over-all competitiveness ng bansa. (Agila Probinsya Correspondent Angie Valmores)
Provincial News
Pamahalaang bayan ng Llanera, patuloy ang paghihikayat sa pagtatanim ng kawayan
HULYO 22 (Agila Probinsya) — Patuloy ang paghihikayat ng pamahalaang bayan ng Llanera sa Nueva Ecija ang mga residente nito na magtanim ng kawayan bilang tulong sa pagsisinop ng kapaligiran at dagdag pangkabuhayan. Ayon kay Mayor Lorna Mae Vero, kabilang sa tinututukan nilang programa ang pagpapalawak at pangangalaga sa mga taniman ng kawayan na may malaking kontribusyon hindi lamang sa kalinisan ng kapaligiran kundi maging sa pangkabuhayan ng mga magsasaka. (Agila Probinsya Correspondent Alejandro Javier)
San Jose City, Nueva Ecija PNP: Pinaigting ang kampanya laban sa kidnapping
HULYO 22 (Agila Balita) — “Be alert. Be Safe.” Ito ang panawagan ng San Jose City, Nueva Ecija Police kamakailan lamang sa kanilang inilabas na tips ukol sa kung papaano makaiiwas sa kidnapping. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Superintendent Nolie Asuncion, bagong hepe ng naturang lungsod na layunin ng proyektong ito na masugpo o kaya ay mabawasan ang kaso ng kidnapping sa naturang lalawigan. (Agila Probinsya Correspondent Emil Baltazar)
Oath Taking ng magiging tourist guides ng Ilocos Sur Association
HULYO 21 (Agila Probinsya) — Nakabuo na ang lalawigan ng Ilocos Sur ng isang samahan na magsisilbing tourist guides sa kanilang lalawigan. Sa pamamagitan ng Department of Tourism ang mga bagong tourist guides ay sumailalim sa 25-days training. (Agila Probinsya Correspondent Myrnalyn Manuel)
Disaster Preparedness, isinagawa sa Cavite
HULYO 21 (Agila Probinsya) — Kaugnay ng pag-oobserba sa National Disaster Consiousness Month (NDCM) na kasabay ng pagdiriwang ng Police Community Relations Month, ang Cavite Police Office, sa pakikipagtulungan ng PDRRMC at BFP ay nagsagawa ng Disaster Preparedness Drill competition sa bayan ng Naic, lalawigan ng Cavite. Nilahukan ito ng Barangay Peace Keeping Action Teams mula sa iba’t-ibang siyudad at municipalidad ng buong probinsya ng Cavite. Layuni ng drill na ito na maihanda ang mga […]
Emergency Rescue Team pinalakas sa bayan ng Camarines Sur
HULYO 21 (Agila Probinsya) — Mas lalong pinalakas ng Calabanga, Camarines Sur ang kanilang Emergency Rescue Team sa kanilang lugar. Kaya naman isang stimulation ang isinagawa para sa mga miyembro ng nasabing lalawigan. Layunin ng aktibidad na ito na lalo pang mapaigting ng mga rescuer ang kanilang tungkulin upang mailigtas ang mga mamamayang mahaharap sa anumang uri ng aksidente. (Agila Probinsya Correspondent Richard Cecilio)
Walang tigil na pag-ulan nagdulot ng landslide at pagtaas ng tubig sa Malanas River, Abra
HULYO 20 (Agila Probinsya) — Dahil sa buong linggong pag-ulan sa lalawigan ng Abra ay nagdulot ito ng landslide sa nasabing lugar at maging ng pagtaas ng tubig sa Malanas River. Ilang bahagi ng rirap ng isang paaralan napinsala dulot ng landslide na dahilan upang ikansela ang pasok ng mga mag-aaral at empleyado. Wala naming napaulat na nasaktan o nadamay sa nasabing pagguho. (Agila Balita Correspondent Von Carlo G. Bisquera)
Pitong bayan sa Ilocos Sur, nagkaisa laban sa kahirapan
HULYO 20 (Agila Probinsya) — Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang pinirmahan ng pitong bayan ng lalawigan ng Ilocos Sur na mayroong layuning labanan ang kahirapan sa nasabing probinsya. Ang MOA signing na ito ay pinagkaisahan ng pitong bayan ng Sta. Cruz, Suyo, Tagudin, Alilem,, Sugpon, Cervantes at Quirino. (Agila Probinsya Correspondent Myrnalyn Manuel)
Family Development Session isinagawa sa Capiz
Kaugnay ng ika-dalawampung buwang selebrasyon ng Police Community Relations Month na may temang “Matibay na ugnayan ng mamamayan at pulisya, Simbolo ng kapayapaan at kaunlaran ng Sambayanan at ng National Disaster Conciousness Month na may temang: “Pamilya at Pamayanang handa, katuwang sa pag-unlad ng bansa,” ay isinagawa ang Family Development Session sa Dapian, Capiz. Ang aktibidad na ito ay nilahukan ng mga benepisyaryo ng 4P’s at pinangunahan ito ng Sapian Municipal Police Station. (Agila Probinsya […]
DTI Bataan, tinalakay ang Go Negosyo Act
HULYO 20 (Agila Probinsya) — Tinalakay ng Department of Trade and Industry o DTI-Bataan ang “Go Negosyo Act” sa isang bayan sa lalawigan ng Bataan. (Agila Probinsya Correspondent Josie Martinez)
Pagpaplano ng pamilya at pagiging responsableng magulang sinariwa sa mga magulang
HULYO 20 (Agila Probinsya) — Isang programa ang isinusulong ng lokal na pamahalaan ng San Jose, Nueva Ecija na mayroong layuning sariwain sa mga magulang ang tamang pagplaplano ng pamilya, at tamang pag-aalaga at pagbibigay nutrisyon sa mga kabataan. Ang programang ito ay pinamagatang “Responsible Parenthood Movement”. (Agila Probinsya Correspondent Emil Baltazar)
Disaster Drill Preparedness Competition, ginanap sa Calamba City
HULYO 16 (Agila Probinsya) — Nagsagawa ng Disaster Drill Competition ang Calamba Philippine National Police (PNP) sa Barangay Lingga. Layunin ng proyektong ito na magkaroon ng tamang kaalaman at kahandaan sa mga hindi inaasahanag pangyayari gaya ng lindol, malakas na pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa. Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng mga Barangay Peace Keeping Station Teams at civilian volunteers mula sa anim na siyudad sa lalawigan ng Laguna. (Agila Probinsya COrrespondents Melanie Oguan, […]