Provincial News

“Agham na Ramdan” Project ng DOST, inilunsad sa Los Baños, Laguna

HULYO 16 (Agila Balita) — Isinagawa sa Oasis New Hotel, Los Baños Laguna ang Regional Launching ng Department of Science and Technology (DOST’s) “Agham na Ramdam” o “Science that is felt”. Tinalakay sa nasabing programa ang masusing pagsusuri para sa mga ibinebentang pagkain malapit sa paaralan at iba pang mga establisyemento. (Agila Probinsya Correpondent Melanie Oguan)

DILG at Batangas Province, magkakampi sa pagpapaigting ng laban sa kriminalidad

HULYO 16 (Agila Balita) — Nagkasundo ang Department of the Intertior and Local Government (DILG) at Batangas Provincial Government na maging magkatuwang upang labanan ang kriminalidad sa nasabing lalawigan. Naging mainit naman ang pagsalubong ni Governor Vilma Santos-Recto sa pagbisita ni DILG Secretary Manuel “Mar” Roxas para sa ginanap na turn-over ceremony ng 31 Mahindra Patrol Vehicles na ipinagkaloob sa 31 bayan ng Batangas. Ang nasabing kaganapan ay bahagi ng malawakang programa ng pambansang pamahalaan […]

Bamboo Coop sa Llanera, Nueva Ecija tumanggap ng mga kagamitan mula sa DTI

HULYO 16 (Agila Probinsya) — Tumanggap ng tatlong milyong piso ang isang kooperatiba ng mga magkakawayan sa bayan ng Llanera, Nueva Ecija mula sa Department of Trade and Industry (DTI). Kabilang sa mga natanggap ng Pamayanang Nagkakaisa Producers Cooperative (PNPC) ang tig-iisang unit ng pole cutter, twin rip saw, treatment vat, kiln dryer, jointer planer at iba pang mga kagamitan na maaring gamitin sa paggawa ng bamboo crafts. (Agila Probinsya Correspondent Mark Cuevas)

Pamimigay ng relief goods sa iba’t-ibang bahagi ng Cebu mula sa Provincial Government at LGU’s

HULYO 16 (Agila Probinsya) — Namahagi ng relief goods ang provincial government ng Cebu sa iba’t-ibang lugar ng probinsya bilang serbisyo publiko. Pinangunahan ang pamimigay ng naturang mga tulong ng gobernador ng Cebu na si Gov. Hilar Davide III at ni Vice-Governor Agnes Magpale, kasama rin sa aktibidad ang mga mayor at mga kagawad ng nasabing bayan. (Agila Probinsya Correspondent Kit Montes)

Nueva Ecija PNP, pinaigting ang kampanya laban sa Motorcycle-Riding criminals

HULYO 15 (Agila Probinsya) — Lalo pang pinalakas ng Nueva Ecija Philippine National Police (PNP) ang kanilang kampanya laban sa talamak na riding-in-tandems sa kanilang lalawigan. Dahil dito ay namahagi ang PNP Nueva Ecija ng flyers sa mga motorista na nagbibigay ng tips upang matulungan ang mga mamamayan laban sa motorcycle-riding criminals. (Agila Probinsya Correspondent Emil Baltazar)

Cloud seeding sa Bohol, muling isasagawa

HULYO 15 (Probinsya) — Muling magsasagawa ng cloud seeding na magsisimula ngayong ikatlong linggo ng Hulyo 2015 ang lalawigan ng Bohol. Ang isasagawang cloud seeding ay upang mapunan ang kakulangan ng tubig sa kanilang dams sa nasabing probinsya. Sa cloud seeding na ito, tinatayang aabot sa 1.8 milyong piso ang gugulin ng gobyerno. (Agila Probinsya Correspondent Angelie Bitas)

“Teach for the Philippines” isusulong sa mga elementary level

Tatlong buwang isusulong sa paarang elementary ng Southville 4 Elementary School, Sta. Rosa City Laguna na magsisimula sa Agosto at magtatapos sa buwan ng Setyembre ng taong kasalukuyan ang “Teach for the Philippines”. Layunin ng aktibidad na ito na malinang ang kakayahan ng mga batang mag-aaral sa pagbabasa. Ang “Teach for the Philippines” ay mayroong tema na pinamagatang “O! kay sarap matutong magbasa!” (Agila Probinsya Correspondent Edna Mayores)