Idinaan ng Philippine National Police (PNP) sa lungsod ng Iraga sa pagpipinta ang kanilang kampanya laban sa anti-child labor katuwang ang mga may kapansanan, estudyante, out of school youth at maging ng mga katutubo sa nasabing bayan. Layunin ng aktibidad na ito na buhayin ang kamalayan ng mga kabataan na makita nila ang kahalagahan nito sa pamamagitan ng pagpipinta o ang tinaguriang visual presentation. (Agila Probinsya Correspondent Richard Cecilio)
Provincial News
Agri Food Fair 2015, isinagawa sa Tagbilaran City, Bohol
AGILA Probinsya — Isang 5-days Agri Food Fair ang isinasagawa sa Tagbilaran City, lalawigan ng Bohol na sinimulan noong Hulyo 13 hanggang Hulyo 17. (Agila Probinsya Correspondent Angelie Bitas)
National Motorcross Competition, isinagawa
Isinagawa ang National Motorcross Competition sa bahagi ng Koronadal City sa Mindanao, kung saan ay nilahukan ito ng mga local riders at dumayong riders mula sa Metro Manila, Cebu, Dumaguete, Bukidnon, Davao, North Cotabato at Sarangani. Ang Motorcross Competition na ito ay isa sa mga pinakatampok na bahagi ng pagdiriwang ng 16th Nalak Festival na ginanap sa Barangay Paraiso ng Koronadal City. (Agila Probinsya Correspondent Danilo Tejada)
Mobile computer course, para sa may kapansanan, isinagawa sa Dagupan City
Naglunsad ng Mobile Computer Course para sa mga may kapansanan sa Dagupan City lalawigan ng Pangasinan upang maturuan sila ng Makabagong teknolohiya. Ang programa ay pinangunahan ng Area Vocational Center ng Dagupan City upang ituro sa mga may kapansanan ang paggamit sa android mobile phone upang huwag silang mahuli sa makabagong teknolohiya ngayon. (Agila Probinsya Correspondent Glen Tiempo)
3-Day Contingency Planning Workshop, isinagawa sa Cebu
Sinimulan kahapon ang 3-Day Contingency Planning Workshop sa pangunguna ng Cebu Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) para sa local government unit ng bayan ng Bantayan na nagkaroon ng malaking pinsala noong nakaraan bagyong Yolanda. Layunin ng Planning Workshop na ito na matulungan ang mga bayan at mga barangay na maging handa sa kalamidad lalo na kung ang mgfa ito ay nasa coastal area. (Agila Probinsya Correspondent Arnulfo Compuesto)
Pagtatanim ng bakawan at paglilinis ng dalampasigan pinagtutulungan ng mga pulis
Isang makabuluhang gawain ang isinagawa sa lalawigan ng Negros Occidental na pinangunahan ng mga miyembro ng Philippine National Police kung saan nagtanim sila ng bakawan. Layunin nito na maprotektahan at mapanatili ang kalinisan sa kapaligiran ng kanilang komunidad lalo na ang kanilang dalampasigan. (Agila Probinsya Correspondent Andres Ocampo)
43,000 botante sa Bohol, posibleng hindi makaboto sa darating na election-COMELEC
Posibleng hindi makaboto sa darating na election sa 2016 ang higit sa 43,000 na mga botante sa lalawigan ng Bohol dahil hindi pa umano sumasailalm sa biometrics ang mga ito. Nilinaw ng Provincial Election Supervisor na si Atty. Eliseo Labaria, na hindi makaboboto sa darating na halalan sa 2016 kung hindi pa makakapagpabiometrics ang mga botante. Ito ay kasabay sa inilunsad ng Commission on Elections (COMELEC) na “No Biometrics, No Vote for 2016 Election”. (Agila […]
Kennon Road sarado pa rin
Sarado parin hanggang sa araw na ito ang Kennon Road dahil sa mga landslide na nangyari sa naturang daan. Dalawa ang patay at lima ang naitalang nasugatan sa naganap na landslide, kung saan dalawa ring sasakyan ang natabunan habang dumadaan sa naturang kalsada. Dahil dito ay pansamantalang isinara ang Kennon Road upang makaiwas na sa ano pa mang sakuna. (Agila Probinsya Correspondent Cesar Archer)
Seminar Workshop, isinagawa sa Albay
Nagsagawa ng seminar workshop ng dalawang regional directors ng Population Commission sa lungsod ng Legaspi sa lalawigan ng Albay. Dinaluhan ng iba’t-ibang sektor ang naturang seminar workshop na mayroong layunin na maturuan ang mga magulang tungkol sa reproductive health. (Agila Probinsya Correspondents Jorge Hallare, Jan Louie Manabat)
National Greening Program Forum, isinagawa sa Occidental Mindoro
Isang National Greening Program Forum ang isinagawa sa consultation meeting sa bayan ng San Jose lalawigan ng Occidental Mindoro. Ang naturang forum ay tumagal ng dalawang araw na inilunsad kaugnay sa programa ng Pangulong Benigno S. Aquino III kabilang na rito ang Tree Planting Activity. (Agila Probinsya Correspondents Levi Realizan, Josiah Lorenzo)
Landslide sa Gonogon, Mt. Province
Dahil sa madalas na pag-ulan sa Mt. Province, isang landslide sa Barangay sa bayan ng Bontoc sa nasabing lalawigan ang naganap kung saan ay natabunan nito ang kalahating bahagi ng National Road. Kasalakuyan ng isinasagawa ang clearing operation ng mga tauhan ng DPWH sa naturang lugar upang maiwasan ang iba pang uri ng aksidente. (Agila Probinsya Correspondents Erwin Dello, Jun Canlas)
Nueva Ecija, may bago ng PNP Provincial Director
Pinangunahan ni Chief Superintendent Santos, Regional Director ng Philipine National Police (PNP)-Region 3, ang pagtatalaga sa bagong Provincial Director ng Nueva Ecija, na si Senior Superintendent Manuel Estreja Cornel. Pinalitan ni Senior Superintendent Cornel ang out-going provincial director, na si Senior Superintendent Crisaldo Nieves. Ang naturang seremonya ay sinaksihan ng mga pangunahing personalidad sa lalawigan katulad nina Governor Aurelio Umali, Vice Governor Padiernos, mga alkalde sa bawat bayan at mga kapulisan. (Agila Probinsya Correspondent Manny […]