Provincial News

Comelec San Jose City, Nueva Ecija, lumusob na hanggang sa mga barangay

Patuloy na nagsasagawa ngayon ng pagpaparehistro at validation hanggang sa mga barangay ang tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) San Jose City, Nueva Ecija. Kaugnay ito ng kanilang kampanya na “no biometrics, no boto”. Layunin din nito na mabawasan na ang mga magpaparehistro sa mga huling araw ng oktubre, 2015. Nagpaalala rin sa publiko na hanggang Oktubre trentay-uno na lamang ang pagpaparehistro. (Agila Probinsya Correspondents Jenelyn Cornel Ella Domingo Reyes, Emil Baltazar)

Bohol-PNP, humakot ng parangal sa Kick-off Ceremony ng PNP Region 7

Humakot ng parangal ang Philippine National Police (PNP), Bohol command sa isinagawang Kick-off Ceremony ng PNP Region 7 sa Cebu kung saan ay nagkamit ng iba’t-ibang parangal ang Bohol-PNP sa pangunguna ni Provincial Director Col. Dennis Agustin at ilang mga mayor ng nasabing lalawigan. Sila ay pinarangalan sa kanilang naging kontribusyon lalo na sa peace and order ng nasabing probinsya. (Agila Probinsya Correspondent Angie Valmores)

Seawall sa Narvacan Ilocos Sur nawasak, dulot ng malalakas na alon

Sa kasagsagan ng bagyong “Egay” nawasak ang isang seawall sa Brgy. San Pedro sa bayan ng Narvacan. Nagdulot ito ng pinsala sa mga kabahayan na malapit sa seawall. Nasa 100 residente ang agad na inilikas at dinala sa mga ligtas na lugar. Plano ngayon ng lokal na pamahalaan ng Narvacan na patibayin ang nasabing seawall lalo na at sunod-sunod ang mga bagyong papasok sa ating bansa. Pansamantalang naglagay muna ng mga sand bag ang mga […]

Ilang bahagi ng Dagupan City binaha dahil sa patuloy na pag ulan

Ilang bahagi ng Dagupan City binaha dahil sa patuloy na pag-ulan Dahil sa patuloy na pag buhos ng malakas na  ulan,  binaha ang ibang bahagi ng Dagupan City at pansamantala munang hindi pinalaot ang mga maliliit na bangka. Upang maiwasan ang anumang sakuna  ay pinag-iingat ang mga tumatawid sa mga isla sa Dagupan na kung saan ang kanilang gamit ay mga maliliit na bangka lamang. Bagamat wala ng signal warning ang nakataas sa anumang bahagi […]

Pekeng bigas nakarating na sa Batangas

  By Ghadz Rodelas    (Eagle News Batangas) TANAUAN City, Batangas  (Eagle News) — Ipinag-utos ni Tanauan City mayor Antonio C. Halili ang pagsusuri sa lahat ng mga ibinibentang bigas sa palengke ng bayan ng Tanauan sa Batangas. Ipinagbawal din nito ang pagbebenta ng bigas na may tatak na “JM” sa sako. Ito ay matapos mapa-ulat na isa sa mga residente ang nakabili ng hinihinalang pekeng bigas at naging dahilan ng pagkakasakit ng anak nito.. […]

NFA-Ifugao naglunsad ng inspeksiyon sa mga bumili ng bigas

Nagsagawa ng inspeksyon ang National Food Authority o NFA sa lalawigan ng Ifugao kaugnay sa sinasabing posibleng pagpasok di umano ng pekeng bigas na may halong plastic na galing sa bansang China. Inikot ng NFA ang mga pamilihang bayan ng probinsiya upang matiyak na walang itinitindang pekeng bigas sa mga tindahan. Tiniyak pa ng NFA sa ifugao na magbabantay sila dalawamput apat na oras upang hindi makalusot ang naturang mga pekeng bigas. (Agila Probinsya Correspondents […]

Chopper, bumagsak sa Mount Maculot

Dalawa ang kumpirmadong patay at anim ang sugatan kaugnay sa pagbagsak ng isang chopper noong linggo ng hapon sa kagubatan at bulubundukin ng Mount Maculot sa  lalawigan ng Batangas. Subalit nilinaw naman sa Twitter account ni dating Senador Richard Gordon ng Philippine Red Cross. Hindi daw chopper kundi isang private plane ang bumagsak. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang insedente kung ano talaga ang dahilan ng pagbagsak nito sa nabanggit na lugar. (Agila Probinsya […]

11 bayan sa La Union, lubog sa baha dahil sa bagyong “Egay”

Lubog ngayon sa tubig-baha ang labing-isang bayan sa lalawigan ng La Union kaugnay pa rin sa malakas na buhos  ng ulan dulot ng bagyong “Egay”. Sabado pa lamang ay nakaranas na ang lalawigan ng La Union ng malakas na buhos ng ulan at malakas na hangin dulot ngayon ng hanging habagat. (Agila Probinsya Correspondents Weng Guerero, Joshua Lu)

National Disaster Consciousness Month 2015, sinimulan sa Olongapo City

Nagsagawa ng motorcade sa Olongapo City kaugnay sa pagdiriwang ng National Consciousness Month 2015 na mayroong layuning maihanda ang mga residente sa ibat-ibang uri ng kalamidad na posibleng dumating sa kanilang lugar. Ang naturang pagdiriwang ay may temang “Pamilya at pamayanang handa, katuwang sa pag-unlad ng bansa”. Pinangunahan ito ng Olongapo City Disaster Risk Reduction and Management Office o DRRMO na siyang counterpart ng NDRRMC. Dinaluhan ito ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan sa olongapo city. […]

Masla, Lubon Road sa Mountain Province, nagkaroon ng landslide

Dahil sa madalas na pag-ulan lumambot ang lupa na dahilan para magkaroon ng landslide sa bagahing Lubon hanggang Masla Road sa bayan ng Tadian lalawigan ng Mountain Province dahil dito pinag- iingat ang mga motoristang nagdaraan sa nasabing lugar. Hindi lang landslide kundi madulas na daan ang sasalubong dahil sa putik bunga pag-uulan. Kaagad naman isinagawa ang clearing operation upang huwag maantala mga estudyante na papasok sa paaralan at pagdadala ng mga produkto tulad ng […]