Provincial News

Posibleng pagpasok ng mga pekeng bigas na mula sa China, binabantayan ng NFA

Mahigpit na binabantayan ng pamunuan ng National Food Authority (NFA) sa lalawigan ng Camarines Norte ang pagpasok ng mga inangkat na bigas galing sa ibang bansa. Tanging ang mga bansang Thailand at Vietnam galing umano ang dagdag na supply sa lalawigan. Nabahala ang naturang tanggapan na baka lumusot ang mga pekeng bigas na galing China kung saan naging pangunahing balita ito na isang Chinese trader ang supplier. Ayon pa sa NFA, madali umanong makilala ang […]

Investment Priorities Plan 2015-2016 Regional Road Show

Nagsagawa ng Investment Priorities Plan (IPP) Regional Road Show ang Board of Investment sa lalawigan ng La Union. Layunin nito na makapagtatag ng mga angkop na industriya sa bawat lugar sa pamamagitan ng magagandang polisiya, mga inisyatibo at mga insentibo. (Agila Probinsya Correspondent Joshua Guerrero)

Coastal clean-up drive, inilunsad sa Pagudpud

Nagsagawa ang SIKA o Sirib Ilokano Association, Municipal Environment Office, Department of Transportation (DOT), at ilang LGU’s ng coastal clean-up drive sa lalawigan ng Ilocos Norte. Layunin ng aktibidad na ito na maipaalala sa mga mamamayan ang kahalagahan ng proper waste management. Humigit 150 na mga guro, mag-aaral ng Pagudpud National High School, opisyales ng komunidad at mga volunteers ang nakiisa sa clean-up drive na ito. (Agila Probinsya Correspondents Weller Reyes, Chester Allan Eduria)

Boat-making contest, isinagawa sa Calamba City, Laguna

Bilang bahagi nang pagsukat sa kanilang kasanayan, nagsagawa ang SCAN International ng isang boat-making contest gamit ang recycled materials. Hinati ng SCAN ang kanilang miyembro sa apat na grupo at gamit ang mga lumang drum at plastic bottles, nagpaligsahan ang bawat grupo sa pagbuo ng mga improvised na bangkang maaring magamit tuwing panahon ng kalamidad. At upang masubukan kung gaano katibay ang mga ginawa nilang bangka, ginamit ito sa Baywalk Aplaya sa Calamba City. Sinaksihan […]

Ika-25 Kagueban Festival sa Puerto Princesa, ipinagdiwang

Sa Puerto Princesa City ay taun-taon ang isinasagawang pagtatanim ng mga puno ng mga residente bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa ating kalikasan. Kaya naman sa taong ito ay muling ipinagdiriwang ng mga residente sa nasabing bayan ang ika-25 Kagueban Festival na mayroong temang “Buhay ay ingatan, kalikasan ay pahalagahan. Layunin ng mga nakilahok sa aktibidad na ito na makatulong sa pag-iingat at pangangalaga sa ating kalikasan. (Agila Probinsya Correspondent Lyra Mae Loprez)

Data Management at Information Technology Workshop isinagawa sa Ilocos Norte

Isinagawa ng Department of Education (DepEd) ng Ilocos Norte ang Division Roll Out on the Data Management and Information Technology Workshop. Ang workshop na ito ay dinaluhan ng school heads/principals at mga learner information system coordinators ng buong lalawigan ng Ilocos Norte. Layunin ng workshop na ito na lalong maisaayos ang Learner Information System At Enhanced Basic Education Information System (LIS/EBEIS) na ipinatutupad ng DepEd. Kaugnay nito ay inaasahan ng DepEd na sa pamamagitan ng […]

Mga mamamayan sa Lobo Batangas, tutol sa pagmimina

Isinagawa ang sama-samang pagkilos ng ilang mga guro, mga estudyante at mga pribadong mamamayan upang tutulan ang planong pagmimina sa bayan ng Lobo, Batangas. Ang Egerton Gold Phils Inc., ang kompanya na responsible sa nasabing pagmimina ng ginto ay ookupahin ang nasa humigit kumulang 263 sq.heactares na maaring gumamit ng mga pampasabog. Ang Lobo, Batangas ay isang maliit na bayan sa Batangas subalit mayaman sa mineral at ganda ng kalikasan. Kung papatagin ang mga kabundukan […]

Negosyo center ng DTI inilunsad

Binuksan na ang kauna-unahang negosyo center ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Bataan. Layunin nito na matulungan ang mga maliliit na negosyante sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo. (Agila Probinsya Correspondent Josie Martinez)

Pueblo de Panay idineklarang Special Economic Zone

Idineklara ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang pitong ektaryang lupa ng Pueblo de Panay bilang Special Economic Zone. Ito ang kauna-unahang Information Technology Park sa Northern Panay. Ayon kay Victoria Hariette Ong Banzon (Technopark Project Head), ang deklarasyong ito ng PEZA ay malaking tulong upang mapalakas ang ekonomiya ng rehiyon at makapagbubukas ng karagdagang trabaho sa mga Capizeño. Ayon sa Republic Act 7916 na kilala rin sa Special Economic Zone Act of 1995, may […]

Red tide alert, ipinatupad sa ilang bayan ng Bohol

Itinaas ngayon ang red tide alert sa ilang bayan sa lungsod ng Bohol matapos tumaas ang bilang ng mga insidente ng food poisoning roon matapos makakain ng lamang dagat. Nabatid na tumaas ang red tide level sa karagatan sa Dauis, malapit sa Tagbilaran City area. Dahil rito, kasama sa mga bayan na mino-monitor ang Tagbilaran City, Dauis, Panglao at Cortez. Pansamantala namang ipinagbabawal ang pagbili at pag-titinda ng mga lamang-dagat sa mga apektadong lugar. Sa […]

Emergency Telecommunication Forum isinasagawa sa Tagaytay

Pinaghahandaan ngayon ng pamahalaan ang posibleng maging problema sa kawalan ng anumang uri ng komunikasyon sakaling tumama ang isang malaking kalamidad sa bansa. Tinipon ng Office of the Civil Defense ang mga ahensiya ng pamahalaan at pribadong sektor na may mga communication facilities na maaaring gamitin sa panahon ng emergency. (Tagaytay, Cavite) (Agila Probinsya Correspondent Nelson Lubao)