Provincial News

Community service isinagawa ng isang kooperatiba sa Cavite

Bilang bahagi ng kanilang 13th Anniversary, isang community service ang isinagawa ng isang kooperatiba sa Amadeo, Cavite, na may temang “sagip mata liwanag ng buhay.” Para sa taong ito, mga serbisyong may kaugnayan naman sa mata ang kanilang ipinagkaloob sa mga residente sa nasabing bayan. (Agila Probinsya Correspondents Dan Ronald Generaga , Eric Atienza)

Forum para sa K-to-12 Program isinagawa sa Aurora

Mas pinaigting pa ng Department of Education (DEPED) ang kanilang kampanya para maipaunawa sa lahat ang kahalagahan ng pagpapatupad sa K-to-12 Program. Sa Baler, Aurora isang forum ang isinagawa upang sagutin ang mga katanungan ng mga guro sa implementasyon ng nasabing programa. (Agila Probinsya Correspondent Narciso Milara)

Govantes Boating Park, bagong atraksiyon sa Vigan, Ilocos Sur

Pormal ng binuksan sa publiko ang Govantes Boating Park na matatagpuan sa Vigan City. Isa na ito sa mga dinarayo ngayon ng mga turistang bumibisita sa lungsod ng Vigan. Maaaring sumakay sa mga bangkang de motor na ang disenyo ay parang mga kalesa na karaniwang nakikita sa Vigan. Libre ang pagsakay sa mga ito, kaya bata man o matanda pwedeng subukan ang bagong atraksiyon na ito sa probinsya. Pinaplano ngayon ng provincial tourism na lalu […]

8th Foundation Day celebration sa Tabuk City, Kalinga

Patuloy ang isinasagawang pagdiriwang ng mga tabukeño ang 8th Founding Anniversary ng Tabuk City. Iba’t-ibang mga aktibidad ang mga isinagawa at patuloy pang isasagawa sa mga susunod na araw hanggang Hunyo 28. Kabilang dito ang Trade Fair kung saan ay mabibili ang mga produkto na gawa ng mga taga-Kalinga tulad ng mga furnitures, Kalinga blend, at iba pang souvenir items. Bahagi rin ng okasyon ang pagpapahintulot sa iba pang mga negosyante upang magbenta ng kanilang […]

BSP nagpaalala na wala ng bisa ang lumang pera sa 2016

Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kamakailan lamang, na hanggang Disyembre na lamang ngayong taon puwedeng gamitin ang mga lumang perang papel. Ayon Kay Rodora Teresa Ramoso, BSP Cabanatuan Branch Research Specialist, bawal nang gamitin ang mga lumang perang papel sa Enero 2016, pero paglilinaw niya pwede pa itong ipapalit sa mga bangko o sa BSP. Tinukoy din niya ang pagkakaiba ng new design series (NDS) sa new generation currency (NGC), na mas malapad […]

Programang “Implan Angry Bird”, inilunsad sa Sta Cruz, Laguna

Inilunsad kamakailan ang pagbabagong kaalaman sa programa ng “Implan Angry Bird” sa pinagsamang pwersa ng lokal na pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Ramil Hernandez at ng PNP Acting Director, Psupt. Florendo Saligao sa police provincial office ng Sta Cruz Laguna. Naglalayon ng ang programa ng pagsawata ng kriminalidad at illegal na droga sa lalawigan.

Aliwagwag Falls ng Davao, pinakamataas na waterfalls sa Pilipinas

Patuloy ang isinasagawang pagpapaganda sa Aliwagwag Falls na protected area sa Southern Philippine Island ng Mindanao, sakop ng Davao Region, sa bayan ng Cateel. Ang Aliwagwag Fall ay itinuturing na pinakamataas na waterfall sa Pilipinas. Ang protected landscape na ito ay Philippine National Integrated Protected Areas noong 2011 sa Proclamation No. 139 na inisyu ni President Benigno Aquino III. May kabuuang 1,927,400-hectares mula Agusan–Davao–Surigao Forest Reserve, naideklara noong 1931 sa pamamagitan ng Proclamation No. 369 […]

Silipin ang Kagandahan ng Canla-on City, Negros Oriental

Ang Canla-on ay isang fourth class city sa lalawigan ng Negros Oriental. Ayon sa census, ito ay may populasyong 50,627 katao. Matatagpuan ito sa 168 kilometro (104 mi) hilaga mula sa panlalawigang kabisera ng Dumaguete City. Ang Canla-on ang mayroong pinakamataas na bundok sa lalawigan kung saan ay matatagpuan dito ang may 2,465 metro (8087 ft) sa itaas ng dagat sa kaniyang pinakamataas na point. Ang nasabing lalawigan ay nahahati sa labing dalawang (12) barangays. […]

Kampanya kontra sa loose firearms sa Abra

Patuloy ang kampanya ng lokal na pamahalan ng Abra laban sa mga loose firearms at explosives sa kanilang lugar. Laking pasasalamat ng mga nasa hanay ng mga autoridad dahil sa suporta ng mga residente sa kanilang layunin na matunton ang mga loose firearms and explosives sa kanilang munisipalidad. (Agila Probinsya Correspondent Roger Vargas)

Taniman ng mais sa Isabela apektado sa sobrang init ng panahon

Nanganganib na hindi lumaki at mamunga ang tanim na mais partikular dito sa lungsod ng Cauayan, lalawigan ng Isabela. Maliban sa palay ay mais ang karamihang panananim ng mga magsasaka sa lalawigan. Dahil sa sobrang init ng panahon at wala pang ulan ay tuyong-tuyo na ang malawak na taniman ng mais. Kung magtatagal pa ng mga ilang araw ang ganitong sitwasyon ay tuluyan ng malulugi ng malaki ang mga magsasaka dahil masisira ang kanilang mga […]

Government Peace Negotiating Team ipinaliwanag sa mga Bicolano ang BBL

Nagsimula nang maglibot sa iba’t-ibang panig nang bansa ang mga miyembro nang Goverment Peace Negotiating Panel upang personal na ipaliwanag sa mga mamamayan ang isinusulong na Bangsamoro Basic Law (BBL). Ipinagmalaki din ng panel ang nasimulang decommissioning ng mga armas ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na patunay ng sinseridad nito sa usaping pangkapayapaan. (Eagle News Service Jay Paul Carlos, Jericho Morales, MRFaith Bonalos)