Provincial News

40th Founding Anniversary ng CALSEDECO, matagumpay na ipinagdiwang

Sinimulan na ang pagdiriwang ng 40th Founding Anniversary ng Calapan Labor Service Development Cooperative o CALSEDECO na ginanap sa Divine World College of Calapan Gymnasium sa pangunguna ni Mayor Arnan C. Panaligan. Kinikilala ang CALSEDECO sa Southern Tagalog Region bilang isa sa mga pinakamalaking kooperatiba. Sa kasalukuyan, ito ay isang ISO Certified at tumanggap na ng iba’t ibang malalaking awards. (Agila Probinsya Sunny Liste, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)

Concession Agreement sa pagsisimula ng konstruksyon sa Panglao Airport, nilagdaan na

Nilagdaan na ng Japanese Consortion at Department of Transportation and Communications (DOTC), ang concession agreement sa konstruksyon ng bagong Bohol Airport na simulan ngayong unang araw ng Hunyo. Ito’y ayon kay ni Gobernor Edgar Chatto na nakasaksi sa paglagda mismo sa pagitan ng contractor na Chiyoda – Mitsubishi Joint Venture at DOTC sa pamamagitan ni kalihim Joseph Emilio Abaya. Inaasahang maitatayo ang modernong airport sa Panglao, Bohol sa loob ng dalawang taon. (Agila Probinsya Correspondent […]

Proper Solid Waste Management Training and Demonstration, isinagawa sa Pagudpud, Ilocos Norte

Napag-alaman na ang bayan ng Pagudpud ay isa sa mga bayan ng Ilocos Norte na pinakamakilos at dinarayo kung turismo ang pag-uusapan. Kilala ito sa kagandahan ng kanyang mumunting paraisong mga bundok at kapaligiran at malinis na tubig dagat kung kayat ito ay binalik-balikan. Ngunit kasabay nang pag-unlad nito ay naging problema sa nasabing lugar ang pagdami ng basura. Dahil dito ang pagsulong ng Republic Act No. 9003 o Ecological Solidwaste Management Act Law at […]

Dalitiwan Resort, patok sa mga Turista sa Majayjay, Laguna

Patok ngayong summer ang Dalitiwan resort sa Majayjay, Laguna. Kung saan ay makikita dito ang mga man-made spring pool, ang malamig nitong tubig ay nagmumula sa Mt. Banahaw. Ang tubig sa swimming pool ay natural at walang halong chlorine. Magandang getaway ang nasabing resort dahil sa mga amenities nito katulad ng cottages at grilling area. Bukod sa man-made swimming pool, isa din sa natural na atraksiyon ang mini-falls kung saan, nagbibigay ng “back massage.” Nakakamangha […]

“No Segregation, No Collection” policy, mahigpit na ipatutupad sa lalawigan ng Aurora

“No Segregation, No Collection” Policy, ito ang mahigpit na ipapatupad ng lokal na pamahalaan ng Baler sa lalawigan ng Aurora. Layunin nitong malunasan ang kasalukuyang suliranin ng bayan ng Baler sa basura at maturuan ang mga mamamayan nito na maging disiplinado. (Baler, Aurora) (Agila Probinsya Correspondent Gina Tabieros, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)

Yolanda Permanent Housing Program sa Iloilo, sinimulan na

Kamakailan lang ay sinimulan na ang proyekto ng National Housing Authority (NHA) na Yolanda Permanent Housing Program sa bayan ng Batad, sa probinsya ng Iloilo. Ayon kay Engineer Ronald Hermoso, ang layunin ng nasabing proyekto ay upang mabigyan ng permanenteng tirahan ang mga residente ng nasabing bayan na nasa coastal area o danger zone. Dagdag pa niya, aabot sa isang 1,000 mga bahay ang itatayo dito at inaasahang aabutin ng pitong buwan bago matapos ang […]

Ecotourist Place, tampok sa lalawigan ng Agusan del Norte

Matatagpuan sa lalawigan ng Agusan del Norte ang ipinamamalaking Ecotourist Place na sakop ng munisipalidad ng Jabonga kung saan ito ang pang-apat sa Class Municipality ng lalawigan. Pangingisda ang isa sa hanapbuhay ng mga mamamayan dito, gayundin ang pagsasaka at pagmimina. Malinaw at asul na tubig, malawak at berdeng kapatagan naman ang nakapalibot sa bayan ng Jabonga. Makikita din sa bayang ito ang magandang tanawin gaya ng kabundukan na dito ay maaaring matanaw angLake Mainit […]

CBI, nagsagawa ng Clean Up Drive sa Agusan del Norte

Pinangunahan ng Christian Brotherhood International o CBI ang isinagawang Coastal Clean-up at Mangrove Tree Planting sa lalawigan ng Agusan del Norte. Masayang nakipagka-isa ang mga kabataan sa nasabing probinsya at tumulong rin ang City Environmental and Natural Resources Office o CENRO sa ginawang aktibidad. (Agila Probinsya Correspondent Ronellette Villafanye, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)

Roxas City sa lalawigan ng Capiz, kabilang sa Top 10 Liveable City sa Pilipinas

Hinirang ang lungsod ng Roxas bilang isa sa Top 10 Most Liveable City sa buong bansa ayon sa isang travel website. Ang nasabing lungsod ay kilala bilang ‘Seafood Capital of the Philippines’ na nagsu- supply ng mga seafood product hindi lamang sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas maging sa ibang bansa. (Agila Probinsya Correspondent Nathaniel Flores, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)