Provincial News

Flood Mitigation at River Clean Up Drive, isinagawa sa Cabuyao, Laguna

Bilang paghahanda sa tag-ulan, ang City Government ng Cabuyao ay naglunsad ng “Flood Mitigation and River Clean-Up Drive”, sa pangunguna ng Cabuyao Environment Resources Office. Ang aktibidad na ito ay nagsimula noong taong 2009 dahil sa masaklap na karanasan ng mga cabuyeño sa mga nagdaang badya gaya ng bagyong ondoy. Ang clean-up drive ay isasagawa sa buong siyudad ng Cabuyao, pangunahin sa mga barangay na nasa baybayin ng lawa ng Laguna, kung saan sila ang […]

Sabay-sabay na pagsasaayos ng daan sa Baguio City, nagdudulot ng perwisyo sa mga motorista

Labis na nagdudulot ng malaking perwisyo sa mga motorista ang sabay-sabay na pagsasaayos ng daan at kalsada sa lungsod ng Baguio. Mabigat na daloy ng trapiko ang idinudulot nito sa araw at pagkalito naman sa ibang mga motorista ang dulot ng re-route roads. Pagsapit naman ng hapon at umuulan ay nagiging maputik ang daan na lalong nakakapagpainis sa mga motorista na madalas na nakararanas ng perwisyong dulot ng sabay-sabay na pagsasaayos ng daan sa naturang […]

Ulirang Ama sa lalawigan ng Quirino, kinilala

Masipag, malalahanin at mapagmahal na ama, ganito kung ilarawan ang tinaguriang ulirang ama sa lalawigan ng Quirino sa katauhan ni Michael Plarisan. Sa hirap ng buhay ngayon ay walang pinipiling trabaho si Michael, isang ama na mayroong anim na anak na nakatira sa Barangay San Leonardo, Aglipay, Quirino, para kumita bago ang pasukan upang maibili ng gamit sa eskwela ang mga anak na papasok sa paaralan. Sa umaga ay naglalako siya ng taho, sa tanghali […]

Medical Caravan at Dental Outreach 2015, isinagawa sa Boracay

Isinagawa ang magkasabay na Medical Caravan 2015 at Dental outreach Boracay 2015 sa isla ng Boracay, bayan ng Malay probinsya ng Aklan. Namahagi sa nasabing lalawigan ng libreng gamot, tuli, bunot ng ngipin at pagkuha ng blood pressure at limang masuwerteng Malaynon ang nabigyan ng libreng pustiso. Ang Medical Caravan 2015 at Dental Outreach Boracay 2015 na ito ay pang labing anim na taong handog na serbisyong pampubliko ng Metropolitan Doctors Clinic, Clinica De Boracay […]

Mga paaralan sa Dagupan, patuloy ang paghahanda para sa nalalapit na pasukan

Patuloy rin ang paghahanda sa mga pampublikong paaralan sa Dagupan City kaugnay ng programang Brigada Eskwela na ipinanukala ng Department of Education (DepEd). Nakipagka-isa rin ang team ng Philippine Navy sa paglilinis ng mga silid-aralan at pagkukumpuni ng mga upuan sa mga paaralan. (Agila Probinsya Correspondent Glenn Tiempo, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)

Coconut Product Processing sa Bohol, lalagdaan ngayong Agosto

Nakatakdang lagdaan ang kasunduan sa Coconut Agro-industrial Hub Project sa Bohol ngayong Agosto na mahigpit na isinusulong ni Gobernor Edgar Chatto.Layunin ng proyektong ito na matulungan ang mga magniniyog na mga Boholano. Ang Coconut Multi-product Processing Center ay nakatakdang itatayo sa bayan ng balilihan. Ang Balilihan ay isang model project sa bansa na sinuportahan ng World Bank sa pamamagitan ng Phil. Rural Development Program. (Agila Probinsya Correspondent Angie Valmones, agle News Service MRFaith Bonalos, Jericho […]

Mahigit 83 Guro sa Zambales, sumailalim sa Sign Language Training

Sumailalim sa isang sign language training ang mahigit na 83 guro sa lalawigan ng Zambales. Layunin ng aktibidad na ito na magkaroon ng kaalaman ang mga guro sa pagsasagawa ng sign language lalong-lalo na ang mga Special Education Teachers. Ang isinagawang training ay pinangunahan ng Philippine Registry of Interpreters for the Deaf (PRID) na isinagawa sa Tanyaw Beach Resort, Amungan, Iba, Zambales. Layunin din ng aktibidad na ito na lalo pang linangin ang kakayahan ng […]

Cotabato City, pinarangalan bilang 3rd Most Friendly City sa bansa

Pinarangalan ang Cotabato City bilang pangatlo sa Most Child Friendly City sa buong bansa para sa taong 2014 sa ilalim ng Component Cities Category. Ang parangal ay iginagawad ng Malacañang at ng Center for the Welfare of Children para sa mga lokal na pamahalaan na seryosong nagsusulong ng karapatan ng kabataan at masiguro ang kanilang maayos na pamumuhay. (Agila Probinsya Correspondent Odessa Cruz, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)

SCAN Members sa Benguet sumailalim sa First Aid Seminar

Sumailalim sa isang First Aid Seminar ang mga miyembro ng SCAN International sa lalawigan ng Benguet. Isinagawa ito sa Magsaysay Avenue Baguio City. Ang nasabing seminar ay pinangunahan ng mga doctors at nurses ng Iglesia Ni Cristo Social Service Office. Pangunahing tinalakay sa nasabing seminar ang mga basic first-aid, basic life support at CPR. (Agila Probinsya Correspondent Cesar Archer, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)

Blood Donation Activity, isinagawa sa Cavite City

Sa pangunguna ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo, nagsagawa ng isang Blood Donation Activity sa lalawigan ng Cavite. Kasama sa nakipagtulungan sa aktibidad na ito ay ang Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City at ang Philippine National Red Cross sa nasabing aktibidad. (Agila Probinsya Correspondent Rowell Bertis, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)

Inter-agency Contingency Seminar, isinagawa sa Rizal

Isinagawa ang isang inter-agency contingency seminar sa lalawigan ng Rizal na mayroong layuning mabigyan ng sapat na kaalaman ang bawat mamamayan kaugnay ng pagiging handa sa mga hindi inaasahang kalamidad o sakuna na maaring mangyari. Ang seminar na ito ay pinangunahan ng Taytay Municipal Disaster Risk Reduction Management Office. Kasama rin sa nasabing seminar ang limang barangay na sakop ng lalawigan, ilang bombero, DOST-PAGASA, Philippine Marines, mga departamento ng munisipyo at ang non-government organization. (Agila […]

Pagdaragdag ng mga signage, isinulong ng DPWH sa Quirino

Dahil sa mataas na bilang ng kaso ng mga vehicular accident sa lalawigan ng quirino ay naalarma ang Department of Public Works and Highways (DPWH). Kaya naman bilang tugon ng DPWH sa problemang ito ay kasalukuyan silang naglalagay ng karagdagang mga signage sa mga intersection, sharp curve at accident prone area. (Agila Probinsya Correspondent Rustie Lorenzo, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Dexter Magno)