Provincial News

Patupat ng La Union, isa sa patok na delicacy tuwing summer season

Ang patupat ay isa sa mga sikat na delicacies ng Northern Luzon. Ang patupat ay paboritong merienda ng mga ilokano lalong-lalo na tuwing summer. Ito ay gawa sa kaning malagkit na may halong katas ng tubo. Binulatan ito ng hinabing dahon ng niyog. Ang barangay Nagsabaran Sur, Balaoan, La Union ay isa sa mga natatanging lugar na gumagawa ng patupat. (Agila Probinsya Correspondent Hannah Obar, Eagle News Service Jericho Morales, MRFaith Bonalos)

Higit 200 bagong kaso ng HIV-AIDS, naitala sa Pangasinan

Patuloy ang ginagawang kampanya ng Region 1 Medical Center upang mas lalo pang mapaunlad ang kamalayan ng publiko hinggil sa sakit na HIV-AIDS. Ito’y kasunod na rin ng pagkakaroon ng higit dalawandaang bagong kaso ng nakahahawang sakit sa lalawigan ng Pangasinan. Kaugnay ng kampanyang ito ay ang pagsasagawa ng memorial candle lighting. Ayon kay Dr. Rico Reyes, Head ng Medical Department ng R1MC, layon ng isinagawang Candlelighting na matawagan ng atensyon ang publiko upang maiwasan […]

Medical and Dental Mission, isinagawa sa Motiong, Western Samar

Isang dental at medical mission ang isinagawa sa bayan ng Motiong, lalawigan ng Western Samar. Layunin ng aktibidad na ito na paipadala sa mismong bayan ang serbisyo medical sa mga tao lalo na sa mga barangay na mahirap makapunta sa RHU. (Agila Probinsya Correspondent Elita Tolentino, Randy Flor, Eagle News Service Jericho Morales, MRFaith Bonalos)

SPKP sa Sto. Tomas, Laguna inilunsad

Mahigit sa isang libong bata ang kasalukuyang nag-aaral Summer Pre-Kindergarten Program (SPKP), isa sa mga programang inilunsad ng Iglesia Ni Cristo, na naglalyong maihanda ang mga batang nasa edad apat hanggang anim para sa kanilang pagpasok sa iskwelahan bilang kinder. Malaki naman ang nagging pasasalamat ng mga magulang sa programang ito na inilunsad ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sapagakat malaki ang naitutulong sa kanila maging sa kanilang mga anak upang higit na matuto […]

Walang Langit Falls sa Oriental Mindoro, dinarayo

Atraksyon ngayon sa bayan ng Gloria, lalawigan ng Oriental Mindoro ang Walang Langit Falls, na kung saan patok ito sa mga mahilig sa adventure dahil sa kakaibang scenery nito na tunay ngang nakakarelax. Ang Walang Langit Falls ay mayroong magandang talon na natatago sa mayayabong na mga puno at tanging sinag lamang ng araw ang tumatagos kung kaya naman tinawag itong Walang Langit Falls.

Salt Watered Spring, ipinagmamalaki ng Calamian

Tampok ang ipinagmamalaki ng Calamian Island ang Maquinit Hot Spring sa nasabing lalawigan ang nag-iisang salt watered spring sa buong bansa. Dinarayo ito hindi lamang ng mga taga bayan ng coron kundi pati na rin ang mga local at foreign tourist pagkatapos na makapag island hooping o matapos ng kanilang pag-akyat sa Mt. Tapyas. (Agila Probinsya Correspondent Princes Joy Alvarez, MRFaith Bonalos, Jericho Morales)

Sports Program para sa mga kabataan, muling inilunsad sa Ilocos Sur

Isang sports program ang inilunsad para sa mga kabataan sa lalawigan ng Ilocos Sur na mayroong layuning patuloy na mahasa ang mga kabataan sa larangan ng pampalakasan at mailayo sa anomang bisyo. Ito ay isinagawa sa Cabugao Gymnasium na pinangunahan nina Cong. Ronald Singson at Gov. Ryan Singson kasama ang mga Mayor sa unang distrito ng nasabing probinsya. Ang tema ng nasabing palaro ay “Victory is the goal, Determination gets you there”. Layunin rin nito […]

Blood Donation, isinagawa sa Mindanao

Nagsagawa ng blood donation drive ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa siyudad ng Valencia, lalawigan ng Bukidnon, Mindanao. Layunin ng aktibidad na ito na makapaghikayat ng marami pang blood donors dahil sa malaking tulong ang naibibigay nito sa mga nangangailangan. (Agila Probinsya Correspondent Rica Cabe, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jerico Morales)

Isla ng Boracay, dinarayo ng mga turista

Habang nagaganap ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2015 sa isla ng Boracay probinsya ng Aklan ay tuloy tuloy naman ang pagdagsa ng mga turista sa nasabing isla. Dahil sa iba’t-ibang beach activities, ay patuloy ang pag-aayos ng MMDA, coastguards maging ang kapulisan upang masiguro ang kaligtasan ng mga magpupunta sa isla ng Boracay. (Agila Probinsya Correspondent Matt Villegas, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)

Tree Planting Activity, isinagawa sa lalawigan ng Laguna

Sa pangunguna ng Kapisanang Pansabahayan at ng SCAN International, isang Tree Planting Activity ang kanilang isinagawa sa Mount Makiling Forest Reserve sa Sto. Tomas, Batangas. Ang naturang aktibidad ay inilunsad ng pamamahala ng Iglesia Ni Cristo upang makatulong na mapangalagaan ang ating mga kagubatan at kabundukan laban sa pang aabuso dito dahil sa ginagawang pamumutol ng mga puno at pagkakaingin. Layunin rin ng aktibidad na ito na maibsan ang lumalalang climate change para sa mga […]

Career Orientation, Isinagawa sa Quezon Province

Maraming bilang ng mga nagsipagtapos ng kolehiyo at high school kasama ang kanilang mga mgaulang ang dumalo sa isinagawang career orientation na isang proyekto ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo para sa mga bagong nagsipagtapos ng kolehiyo at high school dito sa bayan ng Catanauan, Quezon, isinagawa ito sa Eyn`s Restaurant. Layunin nito na magabayan ang mga kabataan sa maayos na pagtatrabaho ayon sa kursong kanilang napili para sa ikapagkakaroon ng maayos at magandang […]

Ocular inspection sa mga probadong paaralan at kolehiyo, isinagawa ng BFP

Isang ocular inspection ang isinagawa ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa ilang pribadong paaralan, maging ng mga dormitoryo at mga silid aralan. Layunin ng ocular na ito na masiguro ang kaligtasan ng pasilidad ng mga paaralan lalo na ng mga dormitoryo at silid-aralan, kung saan ay mahigpit rin ipinatutupad ang Fire Safety Standard ng bawat gusali. (Agila Probinsya Correspondent Sheena Butac, Steve Yuson, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)