Mahigit limang libong pamilya na nasalanta ng bagyong Yolanda sa lalawigan ng Iloilo ang pinagkalooban ng gobyerno ng calamity fund na nagkakahalaga ng 30 thousand pesos. Isinagawa ang pamimigay ng tulong sa mg pamilyang biktima ng bagyong Yolanda sa gym ng Alejo Posadas Memorial Elementary School at dinaluhan ang pagbibigay ng total calamity fund ng Vice Governor ng probinsya ng Iloilo na si Vice Governor Raul “Boboy” Tupas at umabot sa 163,640.000 pesos ang naipamigay […]
Provincial News
Calayo Beach Resort, dinarayo ng mga turista sa lalawigan ng Batangas
MAYO 5 — Isa ang Calayo Beach Resort sa dinarayong lugar ngayong summer vacation na matatagpuan sa lalawigan ng Batangas. Ang Calayo Resort ay isa ngayon sa itinuturing ng lalawigan na malaparaisong lugar na maaring puntuhan ng buong pamilya. Maari ring puntahan sa nasabing lalawigan ang Laiya, Nasugbu, Calaca at Calatagan. (Batangas) (Agila Probinsya Correspondent Avril Diña, Eagle News Service MRFaith Bonalos)
“Little Baguio” sa lalawigan ng Kalinga, patok na destinasyon ngayong Summer Vacation
Patok na destinasyon ngayong summer vacation ang bayan ng Lubuagan sa lalawigan ng Kalinga. Kung saan ang bayang ito ay tinaguriang “Little Baguio” dahil sa malamig na klima nito kahit sa panahon ng tag-init. Isa pang atraksyon ng lugar na ito ay ang nakakarelax na tanawin kabilang na ang rice terraces, mga kabundukang kulay berde dahil sa malalagong mga punong-kahoy, wild orchids, ancestral house at ang General Emilio Aguinaldo Park. Maaari ding pasyalan ang tinaguriang […]
Naic Trade Fair and Exhibit 2015, isinagawa sa lalawigan ng Cavite
“Pagbibigay-sigla sa Kulturang Kinagisnan, Gabay sa Pag-unlad ng Bayan,” ito ang tema ng isinagawang Trade Fair And Exhibit 2015 sa Naic sa lalawigan ng Cavite bilang isa sa mga aktibidad ng 224th Naic Foundation Day. Ang isinagawang aktibidad ay nilahukan rin ng maraming Small Scale Enterprises sa larangan ng pagkain, fashion, beauty products at iba pa. Iba’t-ibang klase naman ng recycled products na gawa ng 4p’s ng DSWD at mga inmates ang ipinakita sa nasabing […]
Agricultural Development Plan sa lalawigan ng Aurora, ipatutupad
MAYO 1 — Nakatakdang ipatupad sa lalawigan ng Aurora ang kauna-unahang development plan na mayroong layuning mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa nasabing lalawigan. Kaisa naman ang mga nasa lokal ng pamahalaan at mga mamamayan ng naturang probinsya upang maging madali at mahusay ang magiging implementasyon nito. Inaasahan na mas mapapaunlad pa ang sektor ng agrikultura sa Aurora sa pamamagitan ng pagbalangkas ng isang Agricultural Development Plan. (Agila Probinsya Correspondent Loemar Alcantara, Eagle News Service […]
Ginagawang Fishport sa Camarines Sur inereklamo ng alkalde ng Calabanga
MAYO 1 — Inereklamo ni Mayor Eduardo Severo ng Calabanga Camarines Sur ang nakita nilang mga bitak sa semento sa ginagawang fishport na pinondohan ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa lalawigan ng Camarines Sur. Ito ay matapos ang inspeksyon ginawa ng alkalde bilang tugon sa mga reklamo ng mga residente doon. Sa panayam, binigyang diin ng alkalde na ang proyekto ay pinondohan ng DOTC at ipinarating na nila ang problema sa pamamagitan ng […]
SM Foundation magkakaloob ng pabahay para sa mga biktima ng bagyong Yolanda
Mahigit isang taon ang nakalipas ng nananalasa ang bagyong Yolanda sa Pilipinas at isa ang probinsya ng Iloilo sa bahaging norte ang sinalanta ng nasabing bagyo. Maraming mga kababayan natin ang nawalan ng kabuhayan at tahanan bunga ng hagupit ng bagyong Yolanda. Ngunit nabiyayaan ng pabahay ang bayan ng Concepcion sa lalawigan ng Iloilo na kasalukuyang ipinapatayo ng SM Foundation sa barangay Bakhawan Concepcion. May lawak na isang hektarya at 200 units na semi duplex […]
Iglesia ni Cristo nagsagawa ng isang Blood Donation Activity
Isang blood donation activity ang isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa Tabuk City sa lalawigan ng Kalinga. Layunin ng aktibidad na ito na makatulong hindi lamang sa mga kaanib ng Iglesia ni Cristo maging sa mga hindi pa kaanib na nangangailangan. Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng maraming donors na nagmula pa sa iba’t-ibang lokal ng Iglesia ni Cristo sa lalawigan ng Kalinga. (Eagle News Correspondent Liezeil Rueco, Eagle News Service, MRFaith […]
Kaso ng smuggling sa produktong agricultural, ikinababahala
ABRIL 29 — Pinangangambahan ng Samahan ng Industriyang Agrikultura (SINAG) ang posibleng pagkalugi ng mga magsasaka sa bansa dahil sa pagtaas ng kaso ng smuggling sa mga produktong agricultural. Partikular na sa technical smuggling sa karne ng manok at baboy maging ng bigas. Nangangamba rin ang industriya ng agrikultura sa maaring pagkalugi ng mga magsasaka sa bansa dahil sa nakikitang posibilidad na pagtaas ng importation sa sununod na taon na maari pang sabayan ng pagtaas […]
Job Fair at Social Service Day isinagawa sa Cabugao, Ilocos Sur
ABRIL 29 — Sa pangunguna ng Department of Labor and Employment (DOLE), nagsagawa ng isang job fair sa bayan ng Cabugao sa lalawigan ng Ilocos Sur. Kasabay ng aktibidad na ito ay ang pamamahagi ng member data record sa mga PhilHealth beneficiary. Iba’t-ibang kompanya ang nag-alok ng mga trabaho sa nasabing job fair na dinaluhan ng maraming mga kabataan sa pagnanais na makapaghanap ng magandang trabaho. Umabot naman sa halos 5,000 ang naging beneficiary ng […]
Sisterhood ng lalawigan ng Camarines Norte at Davao, naging matagumpay
APRIL 28 — Pinanugunahan ng mga opisyales ng iba’t-ibang Barangay at lokal ng pamahalaan ang paglagda sa isinagawang kasunduan ukol sa pagiging sisterhood ng bayan ng Basud at siyudad ng Davao sa lalawigan ng Camarines Norte. Ang nasabing kasunduan ay upang palawigin ang pagdadamayan at pagpapalitan ng kaalaman sa good governance at best pictures sa pamamahala sa pagitan ng dalawang Local Government Units (LGUs). (Agila Probinsya Correspondent Orlando Encinares, Eagle News Service MRFaith Bonalos)
Serbisyo Tama Caravan isinagawa sa lalawigan ng Laguna
APRIL 28 — Sa pangunguna nina Governor Ramil Hernandez at Vice-governor Karan Agapay ay muling isinagawa ang ika-labing isang Serbisyo Tama Caravan sa lalawigan ng Laguna. Layunin ng programang ito na mailapit sa mga mamamayan ang tulong ng gobyerno kagaya na lamang ng medical at dental service, libreng salamin, libreng gupit at masahe, legal assistance at feeding program. Humigit kumulang sa anim na libong tao ang nabigyan ng iba’t-ibang medical na serbisyo. Nagkaroon din ng […]