Nakahanda na ang personnel ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Center sa Abra bagama’t makulimlim pa rin ang panahon. Ayon kay Eng. Hector Camcam, PDDRRMC officer, agad itong nakipag ugnayan kay Gov. Eustaquio Bersamin matapos ianunsyong nasa Signal no. 1 ang lalawigan. Aniya inabisuhan na rin ang PNP at Arm na maging pro-active kung saan isasagawa ng mga ito ang preventive evacuation sa mga mababang lugar sakaling bumuhos ang malakas na ulan. Samantala, unti-unti nang dumadagsa […]
Provincial News
Balik-tahanan na ang mga residente ng Aurora
Balik normal na ang lahat ngayon sa bayan ng Baler matapos bahagyang humina ang bagyong Chedeng na ngayon ay isa nang Low Pressure Area. Ayon sa head ng MDRRMO na si Gabriel Llave, Nagbalik na sa kanilang mga tahanan ang halos isang daang indibidwal na inilikas kahapon mula sa coastal area ng Brgy Sabang. Kinumpirma naman ni Baler Mayor Nelianto Bihasa na ligtas na ngayon ang outdoor activities sa dagat gaya ng surfing na una […]
Bikers nagtungo sa Bataan para sa Padyakan
Bilang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan, idinaos ng Bataan ang ika-sampung Padyakan mountain bike race circuit na dinaluhan ng mga bikers mula sa iba’t ibang rehiyon at maging ibang bansa.
Camarines Norte, alerto na rin sa pagdating ng bagyo
Naka-alerto na rin ang lalawigan ng Camarines Norte sa pagdating ng bagyong “Chedeng” sa pamamagitan ng koordinasyon ng iba’t ibang local government units, lalong-lalo na ang mga nasa dalampasigan.
Bicol region, handa na para kay “Chedeng”
Naka-alerto na ang buong Bicol region sa posibleng pagdaan ng bagyong “Chedeng”, kung saan ang target ng kanilang paghahanda ay ang “worst-case scenario”.
Romblon State University, nagdiwang ng 100th anniversary
Ipinagdiwang ng mga alumni, faculty staff at mga mag-aaral ng Romblon State University ang ika-100 taon nitong anibersaryo.
Rizal, Kalinga, nagdiwang ng 50th founding anniversary
Pinangunahan ng lokal na opisyal ang pagdiriwang ng 50th founding anniversary ng Rizal, Kalinga kung saan tampok ang pinakamalaking gong sa Cordillera region.
Medical mission, isinagawa sa Aurora
Nagsama-sama ang mga mamahayag sa lalawigan ng Aurora, katulong ang 7th Infantry Division ng AFP, ng isang medical mission na may kasama na ring free dental service at free haircut.
Iglesia Ni Cristo, nagsagawa ng blood donation sa Laguna
Nagsagawa ang Iglesia Ni Cristo ng blood donation sa Victoria, Laguna. Kasama rin sa nasabing aktibidad ang pamimigay ng libreng dental services at libreng gamot.
SCAN International, sumailalim sa fire safety seminar
Sumailalim ang mga miyembro ng SCAN International sa isang fire-fighting drill and safety seminar sa Bagac, Bataan.
PCG, nilinis ang Subic Bay
Nagsanib-pwersa ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa National Capital Region (NCR) at Tarlac upang linisin ang Subic Bay.
Mga poste sa Aurora, pinalitan
Pinalitan ang mga lumang poste sa lalawigan ng Aurora na nagdulot ng labing-isang oras na pagkawala ng kuryente sa nasabing lalawigan.