Isang kakaibang ball game ang isinagawa sa CALABARZON sports competition na isinagawa sa Imus, Cavite.
Provincial News
Fire prevention seminar, isinagawa sa Mountain Province
Sa paggunita ng Fire Prevention Month, nagsagawa ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa Mountain Province ng isang seminar upang magbahagi ng karunungan sa mga estudyante gaya ng fire-fighting activities.
Puerto Princesa airport, isinasaayos
Sa kagustuhang lalo pang maisaayos ang paliparan ng Puerto Princesa, Palawan upang makaagapay sa paglawak ng tourism industry sa nasabing probinsya, ang nasabing paliparan ay isasailalim sa isang development project.
PIA, nagsagawa ng forum sa La Union
Sa pagdiriwang ng ika-165 na anibersaryo ng lalawigan ng La Union, isang forum ang isinagawa ng Philippine Information Agency sa naturang lalawigan upang maisaayos ang mga aktibidad para sa nasabing anibersayo.
Silent protest isinagawa sa LNHS Benguet
Isinagawa ang isang silent protest sa Lepanto National High School (LNHS) sa Benguet upang gunitain ang ginawang kabayanihan ng Fallen 44. Kaugnay ng pagdiriwang na ito ay ang pagbibigay pugay sa 3 alumni heroes ng paaralan na kasama sa nasawi sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.
Anti-drug campaign sa Tarlac
Pinaigting ng Philippine National Police PNP-Tarlac ang kanilang kampanya laban sa illegal drugs, bilang hakbang laban sa talamak na pagtutulak ng droga sa nasabing lalawigan.
Motorcycle mufflers sa Vigan City, sinira
Upang labanan ang noise pollution, sinira sa Vigan City ang mga nakumpiskang motorcycle mufflers sa pamamagitan ng heavy equipment upang hindi na muling magamit.
Mga pelikula ni Brillante Mendoza, itinampok sa Calamba
Isang film festival ang isinagawa sa Calamba, Laguna kung saan itnampok ang mga pelikula ng kilalang direktor na si Brillante Mendoza.
Clearing operation sa Biñan, Laguna
Nagsagawa ng clearing operation sa palengke ng Biñan, Laguna ang Philippine National Police (PNP) ng nasabing lugar kung saan pinaalis ang mga illegal vendors sa nasabing palengke.
Solar energy gadgets, natanggap ng El Nido
Tuwang-tuwa ang mga residente ng El Nido, Palawan dahil sa kanilang natanggap na ang mga solar energy gadgets na magagamit nila upang magkaroon ng kuryente sa kanilang lugar.
Caraga Regional Meet, isinagawa sa Surigao del Sur
Isinagawa sa Surigao del Sur ang Caraga Regional Meet 2015 na nilahukan ng mga magagaling na manlalaro sa rehiyon.
Bayambang Central School, inabandona dahil sa mga bitak
Inabandona ng mga estudyante at guro ang ilang classrooms sa Bayambang Central School sa Pangasinan dahil sa mga naglalakihang bitak na matatagpuan dito.