Provincial News

Miss World Phillipines 2nd Princess Nelda Ibe, naglibot sa Tarlac City

Nakamit ng 21 y/o na si Ibe ang awards bilang Miss Photogenic, at Miss Organic sa Beauty Pageant. Dahil dito mainit na tinanggap ng mga mamamayang ang kapwa nila kapampangan. Unang pinuntahan ni Nelda ang City Hall ng lalawigan upang magpasalamat sa suporta. Hindi rin nakalimutan na pasalamatan ang mga Mayor, Vice Mayor at ABC President ng Tarlac City. Si ibe ay nakatapos ng kursong Bachelor of Arts in English sa Tarlac State University. May […]

Suggested Retail Price ng DTI sa baboy at manok, di na kayang sundin ng mga meat vendor

Hindi na umano kayang sundin ng mga nagtitinda ng karne ng baboy at manok sa Pangasinan ang presyong nais ipatupad ng DTI sa kanilang produkto. Ayon sa mga nasabing meat vendor, mas mataas pa kaysa sa Suggested Retail Price o SRP ang presyong ipinapasa sa kanila ng kanilang mga supplier, kung kayat sigurado umanong malulugi lamang sila kung susundin ang SRP. Eagle News Correspondent Nora Dominguez Report

Utang sa buwis ng PANELCO, pinaiimbestigahan sa NEA at CDA

Pinangangambahang magkakaroon ng malawakang blackout sa Pangasinan dahil sa malaking pagkakautang sa buwis ng Pangasinan Electric Cooperative III o PANELCO. Dahil dito, nais ng pamahalaang panlalawigan na imbestigahan ng National Electrification Commission at Cooperative Development Authority ang PANELCO upang malaman kung paano ito nagkautang ng apat na raang milyong piso sa BIR. Eagle News Correspondent Nora Dominguez Report

Gov. Espino, iginiit na walang black sand mining operation sa Pangasinan

Aapila si Pangasinan Governor Amado Espino sa Ombudsman kaugnay ng rekumendasyong sampahan siya ng kasong graft dahil sa pagpapahintulot sa operasyon ng black sand mining kahit walang Environmental Clearance Certificate. Iginiit ng pamahalaang panlalawigan na walang basehan ang pagsasampa ng kaso dahil wala naman umanong black sand mining operation sa Pangasinan. Eagle News Correspondent Nora Dominguez Report

“Bayanihan Para sa Kalikasan” sa Laguna

Sinuportahan ng Laguna ang proyekto ng Department of Environment and Natural Resources na pinamagatang “Bayanihan Para sa Kalikasan”. Nakapaloob sa proyektong ito ang mandatory segregation at ang paghuli sa mga maagtatapon ng basura sa lansangan.