Provincial News

Turismo sa kabila ng Terorismo, palalakasin sa Western Mindanao Region

Sa kabila ng mga nangyaring karahasan at kidnapping sa Western Mindanao Region, hindi pa rin sumusuko ang Department of Tourism upang i-promote ang nasabing rehiyon bilang tourist destination. Bilang katunayan, nagawa pang ipasyal ng D-O-T ang mga bisitang dayuhan mula sa Indonesia, Brunei at Malaysia sa Zamboanga City upang ipakita ang magagandang tanawin doon, pati na ang lugar na kinubkob ng tropa ni MNLF Founding Chairman Nur Misuari. Eagle News Correspondent Ely Dumaboc Report

Mainit na panahon, nararanasan sa Albay hanggang gabi

Nararamdaman na ngayon ang malamig na panahon sa maraming lugar sa bansa dahil sa pagpasok ng hanging amihan. Sa kabila nito, nananatili namang mainit ang panahon sa Albay kahit sa gabi dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng bulkang Mayon. Eagle News Correspondent Jorge Hallare Report

“Treevolution Greening Mindanow “Project, isinagawa sa Davao Del Norte

Kaisa ang Iglesia Ni Cristo sa pagmamalasakit para sa kapaligiran. Kaya naman nagtipon-tipon ang mga myembro ng INC sa lalawigan ng Davao Del Norte para sa isinagawang Tree Planting sa Brgy Sto.Niño, talaingod ng naturang lalawigan. Itoy bilang pagsuporta sa proyektong “Treevolution Greening Mindanow” ng Department of Environment and Natural Resources. Ayon kay 2nd INC District Minister na si Kapatid na Daniel Roxas nakipagkaisa at tumulong ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo upang patuloy […]