Cavite, magpapatupad  na rin ng number coding

(Eagle News) — Magpapatupad na rin ng number coding scheme ang lalawigan ng Cavite.

Sa ilalim nito, hindi papayagang dumaan sa mga pangunahing kalsada  ang  mga sasakyan na ang plaka ay natatapos sa 1 at 2 tuwing Lunes,  3 at 4 tuwing Martes,  5 at 6 tuwing Miyerkules,  7 at 8 tuwing Huwebes at  9 at 0  naman tuwing Biyernes.

Ipapatupad ang naturang traffic scheme simula ala 6:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga at alas 3:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.

Sakop ng bagong batas trapiko  sa Cavite  ang lahat ng pribadong sasakyan, trak at maging motorsiklo na dumadaan sa Aguinaldo Highway, Governor’s Drive, Molino – Salawag – Paliparan Road, Molino Boulevard at Daang Hari Road.

Inaantabayanan pa ang anunsyo kung kailan ang opisyal na pagpapatupad ng nasabing traffic scheme.

Related Post

This website uses cookies.