Cayetano, Roque binatikos matapos i-ugnay ang mga Human Rights Groups sa mga drug lord

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Binatikos ni Albay Rep. Edcel Lagman sina Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano at Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Lagman, iresponsable at walang basehan ang akusasyon ng mga ito na posibleng ginagamit ang mga human rights groups ng mga drug lord para dungisan ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Sinabi ni lagman na gumagawa lamang ng blanker accusations sina Cayetano at Roque kahit wala namang ebidensya ang mga ito.

“These two apologists of President Rodrigo Duterte are making blanket accusations without naming names or providing evidence,” ayon sa kongresista.

Binigyan-diin ng kongresista na hindi papayag ang mga human rights groups na magamit ng mga drug personalities para sa interes ng mga ito.

“Any unholy alliance between drug lords and human rights crusaders is anathema to the latter’s advocacy against the proliferation of illegal drugs and the unabated extrajudicial killings of drug suspects,” pahayag ni Lagman.

Ito ay kahit pa kinondena ng mga human rights groups ang Duterte administration dahil sa madugong kampanya nito kontra iligal na droga.

Related Post

This website uses cookies.